Chapter 38

61 3 0
                                    

Yuhan's pov

"Alliah!"

Sigawan ng mga kaibigan at pamilya namin ang tangi kong naririnig. Halos hindi ko maigalaw ang mga kamay ko. Unti-unting nalalaglag ang kamay niya na nakayakap sa leegan ko. Agad na lumapit ang mga tao sa gawi namin.

"Call an ambulance!"

"Alli, hey wake up!"

" Secured the area. Kailangan nating mahuli siya"

Nong dumating ambulance saka lang ako natauhan sa nangyari. Kinuha nila si Alliah sa 'kin. Napatulala lang ako kung hindi pa ako siniko ni Zy ay hindi ako kikilos at sumakay ng mabilis sa ambulance. Hinawakan ko ang kamay niya at paulit-ulit 'yong hinalikan.

"Baby h'wag mo kong iwan please...Lumaban ka"

Magbabayad ang may gawa na iyon sa 'yo. Bigla niya akong niyakap bago ang nangyari 'yon kaya nagtataka ako kung nakita niya ba o nagkataon lang ang lahat.

"Yuhan dito ka lang muna. Bawal ka sa loob" sabi ni Uni. Hinarangan naman ako ng ilan pang nurse kaya wala akong nagawa kung hindi ang umupo sa labas ng Operating room.

Ipinakit ko ang akong mga mata.

"Ikaw pong bahalang maggabay sa kaniya. Iligtas niyo po siya ngayon, kakabati pa lang po namin gusto ko pa siyang makasama pa. Ikaw lang ang malalapitan ko sa ganitong pagkakataon"

"Yuhan" tawag sa 'kin ng pamilya namin.
"Kasalanan ko"

"Sinuri na ang buong hotel. Under investigation na rin ang lahat ng dumalo sa party." Balita sa 'kin ni Luke

"Nagtataka ako kung bakit nakalusot ang may gawa no'n na mahigpit ang security sa buong lugar"

"Sigurado ako na may tao sila sa loob." Sagot ni Xy.

Nakikinig lang ako sa kanila. Imbes na tahimik sila habang nakaabang sa pagbalita ng doktor ay nagtatawanan pa sila. Lalo na ang kaibigan ni Alliah na nakaupo pa sa hallway ng hospital habang naglalaro ng ML.

"Idinadaan nila sa saya ang lahat kahit ang totoo ay nag-alala sila sa kaibigan at gusto nila itong pasukin sa OR" bulong sa 'kin ni tita Allen.

"I'm sorry ta. Ako sana ang poprotekta sa anak ninyo pero siya pa itong gumawa ng bagay na 'yon sa 'kin" nangiyak-ngiyak sa sabi ko sa kaniya. Niyakap lang niya ako.

"Wala kang kasalanan Yuhan. H'wag mo na ring alalahanin pa ang may gawa noon, ginawan na namin ng paraan para hanapin ang taong 'yon" sabi ng papa niya sa 'kin.

~•~•~•~

Lahat kami ay lumapit sa doktor na kalalabas sa OR.

"Kumusta po ang kaibigan namin dok, buhay pa?" One of her friend asked. Bahagyang natawa si Doc.

"Medyo malalim ang pagkakabaon ng bala sa kaliwang niyang dibdib. Muntik ng matamaan ang puso niya. Sa ngayon ay hindi pa rin siya nagigising hindi ko rin matiyak kung kailan pero h'wag kayong mag-alala buhay pa naman siya"

~•~•~•~

Alliah's pov

"Umuwi ka na muna Yuhan. Ilang araw ka ng hindi pa natutulog" narinig ko ang boses ni Ylona kaya nabuhay ang diwa ko pero hindi pa ako nakadilat. "Yuhan naman e. Gising na!" Nanggigigil na ako sa inyo!

"Mamaya na hintayin ko muna siyang gumising" gusto ko ng ngumiti sa narinig ko mula sa baby ko. Naks! Baby! Haha

"Hindi na 'yan gigising" sabat ni Unika.
Ang sama talaga nito kahit kailan!

"Basta ako kapag nakalimutan niyang magsalita. Ako ang magtuturo niyan" nagtawanan sila sa sinabi ni Zaina. Gusto kong bumangon ngayon din at pag-untugin silang dalawa.

"Paano kung hindi pa magigising si Alli bukas?" Kinabahan ako sa seryosong usapan nila. Bakit anong nangyari?

"Magiging siya. Sigurado ako diyan"

"Pero sabi ng doktor Yuhan, mukhang matatagalan pa" hello? Gising na kaya ako.

"I trust her. Hindi niya hahayaang papunta ako sa iba" pagkatapos kong marinig ang salitang 'yon ay wala na akong naramdaman pang iba. Hinayaan ko ang sarili ko na lamunin ng antok.

Ano ang ibig niyang sabihin?

~•~•~•~

Third person

Abala ang isang pamilya sa gagawing event ngayong araw. Masaya silang naglagay ng dekorasyon sa buong paligid ng lugar. Nakahanda na ang lahat ng mesa na may telang puti at maging ang mga upuan ay mayroon na rin. Inilatag ng ang mga pagkain sa isang mahabang at mamahaling mesa sa gilid. May mga petals din ng rosas sa daanan nila.

Pumasok ang isang ginang sa isang silid para tingnan ang nangyari sa loob.

"Bakit malungkot ka?" Tanong nito sa isang lalaki na nakasuot lang ng sando at boxer short. "Bakit hindi ka ba nakapagbihis? Ilang minuto na lang ay mag-uumpisa na" nagtungo ang Ina niya sa kaniyang gawi. Ngunit parang walang narinig ang lalaki dahil nakatanaw lang ito sa malayo at hindi sumagot.

"Alam kong hindi mo gusto na gawin ito. May ilang minuto ka pa bago tumakas mula sa ama mo. Tutulungan kita anak" napalingon ang lalaki sa gawi ng kaniyang Ina.

"Gagawing ko to—"

"Pero hindi mo siya mahal—"

"Pero Mahal ko si daddy" mahinang sagot nito. Tumulo ang luha ng Ina. Niyakap nito ang kaniyang anak na ngayon ay lumuha na rin. Alam ng kaniyang Ina na labag sa loob ito ng kaniyang anak ngunit wala siyang magagawa sa desisyon ng asawa.

"Paano na siya? Kapag nagising siya, panigurado hahanapin ka niya"

"Masaya akong nakilala siya, my. Masaya ako na muli niya akong binigyan ng pagkakataon and I'm felt sorry dahil sa muli ay hindi ko na naman matutupad ang pangako ko sa kaniya. Kahit masakit, my ay kakayanin ko." Gumagulgol na ito ng iyak habang yakap-yakap ng kaniyang Ina.

May kumatok kaya muling napatingin ang lalaki sa labas ng bintana.

"Ma'am malapit na pong mag-umpisa. Kailangan na po ang groom sa labas" tumango lang ang ginang.

"Hindi ko hahayaang matuloy 'to anak. Gagawa ako ng paraan" hinawakan niya ang kamay ng Ina.

"Mommy, no! Wala kang gagawing ikakapahamak mo. Hindi na baling ako ang magsakripisyo kaysa sa mapahamak kayo" umiling-iling ang Ina niya.

"Trust me anak" seryosong sabi nito. "Magbihis ka na. Just go with the flow" bulong nito bago siya iniwan sa loob ng dressing room.

Lumabas siya doon ko. Nakasalubong agad sa kaniyang ang bisita ng kaniyang ama. Walang bakas ng mga kaibigan niya at pamilyang babaeng Mahal niya sa venue. Kahit malamig ang simoy ng hanging dahil nasa tabi sila ng dagat ay tila wala siyang naramdaman kundi init sa katawan—halos sumabog na siya sa galit Lalo na no'ng naglakad na papasok ang babaeng ayaw na niyang makita pa. Gusto niya itong lapitan at sakalin ng paulit-ulit. Tanging pagkuyom langng kamao niya ang nagawa niya.

Habang papalapit ito ay mas lalong umusbing ang galit niya. Lalo na no'ng makita nito ang ngiti na para bang wala itong nagawang kasalanan.

"Alagaan mo ang anak namin" gusto na niyang tumawa dahil sa sinabi ng ama ng babae sa kaniya.

"I will" sagot niya rito. Gusto na niyang masuka sa sinabi niya. Paano niya aalagaan ang isang demonyong sumira sa pangarap niya.




The lost RecipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon