Chapter 39

84 3 0
                                    

Alliah's pov

"Gaga!" Napadilat agad ako no'ng marinig ko ang beses ni Unika. Halos malalag pa nga ako sa kama na tinutulugan ko dahil sa malakas niyang pag-sigaw.

"Masakit!" Bulyaw ko sa kaniya.

"Naunahan ka na. Nong nakaraang linggo ka pa naming ginising!" Taka ko naman siyang tiningnan. Nakita ko na nakaupo ang apat sa sofa at tahimik ito. May kaniya-kaniyang ginagawa.

"Bwesit dito ka na nga! Bilis Ylona gawin mo na siyang tao!" Nagulat pa si Ylona sa biglang sigaw ni Uni. Hinila na niya ako agad. Ngayon ko lang narealize na nandito pa rin pala ako sa hospital. Nilibot ko ang paningin ko sa buong silid nagbabakasaling makita ko siya ngunit agad akong nanlumo dahil ni anino niya ay wala.

"Teka—"

"H'wag kang magsalita dahil may oras kaming hinahabol. Kapag talaga hindi natin maabutan...naku talaga!"

"Zai, na saan ang susuotin niya? " Tanong ni Ylona. May inilabas pang isang kahon si Zaina mula 'yon sa ilalim ng kama. May inilabas siyang puting gown. Nanlaki naman ang mata ko.

"Gusto niyo na akong ilibing?" Nanlaki ang mga mata kong tanong sa kanila.

"Depende kung tatahimik... Hindi. Pero kung magsasalita ka pa baka, Oo" sagot sa akin ni Unika. Kaya itinikom ko na lang ang bibig ko at hinayaan sila sa gawin nila sa 'kin. Isang oras tapos na. Iniharap niya ako sa gawi niya. Tango lang ang maging tugon nila. Nagulat pa ako no'ng hilahin ako ni Yhel palabas. Kasunod niya si Xy na may kawak-kawak panghukay.

Marami ang nakatingin sa 'min dito sa hallway ng hospital may bulungan pang nangyari. Nagtataka siguro sa nakikita nila ngayon. Ramdam ko sila dahil maski ako ay walang clue kung bakit ganito ang ayos ko. Mukhang ililibing talaga ako ng mga kaibigan ko ng buhay dahil may dala-dala nga silang panghukay.

Sumakay kami sa puting van at si Yhel ang nagmamaneho.

"Bilisan mo Yhel dahil naghihintay na sila roon" hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa sinabi ni Xy. Nawala na sa isip ko na byaheng langit pala kami Basta ni Yhel ang makahawak ng manubela. Napahawak ako ng mahigpit sa upuan ng van. Gusto ko ng buksan ang bintana saka tatalon ako palabas.

Ilang ulit ako napamura sa isipan ko. Hindi ako mamamatay sa lilibingan nila sa 'kin kundi dahil sa sakit sa puso. Napatulala ako no'ng huminto na ang sinakyan namin. Nakahinga ako ng maluwag no'ng hilahin na nila ako palabas.

"What the— anong gagawin natin sa tabi ng dagat?!" Pasigaw kong tanong sa kanila pero imbes na sagutin ako ay hinila lang nila ako papasok sa loob. Medyo masakit sa paa dahil wala akong suot na sapatos ni tsinelas man lang buti na lang at mahaba itong gown na pinasuot nila sa 'kin kaya hindi na halata.

"Good luck" sabay na sabi nila sa 'kin bago ako itinulak doon sa may pintuan. Nauntog pa ako doon balak ko sana silang sigawan pero gano'n na lang ang gulat ko no'ng bumukas ang pintuan. Natanaw ko sa di kalayuan ang mga taong nagkangiti pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang isang lalaki kahit nakatalikod ito ay nakilala ko siya.

No! Hindi pwede!

Nagmadali akong naglakad papasok doon. Nagasilingunan ang mga tao sa gawi ko. Gulat na gulat sila sa nakita. May nagtangka pang humarang sa 'kin pero may mabilis na pumigil sa kanila. Mga nakadamit ng long sleeve na may hawak pang baril.

"Ano ang ginagawa mo rito?!" Galit na tanong niya sa 'kin. Deretso pang ako ng tingin sa lalaking nakangiti ngayon sa 'kin.

"Babawiin ko lang kung ano ang ninakaw mo sa 'kin." Hinila ko si Yuhan papunta sa likuran ko. "Akala mo siguro mamatay na ako pero nagkakamali ka, buhay ako at nakita kong ikaw ang nagtangga na barilin si Yuhan" gulat ang mga tao sa paligid namin pati ang ama ni Yuhan ay nanlaki rin ang mga mata.

"Baliw ka na! Anong pinagsasabi mo? Paano ko papatayin ang ama ng anak ko!"

"Nahihibang ka na, paano tayo magkakaanak ni halik nga ay hindi ko ginagawa sa 'yo" sabat naman nito si Yuhan

"Anong wala! Nakita ko kayo sa mismong pamamahay ko pa" pinanlisikan ko ng mata si Yuhan. Tumawa lang siya at umakbay sa 'kin.

"Hindi 'yon natuloy" siniko ko naman si Yuhan. Bwesit talaga!

"Hindi mo makukuha si Yuhan sa 'kin" tinangka niyang hawakan ang baby ko pero inilayo ko 'yon sa kaniya.

"Kahit hindi ko na siya kunin sa 'yo ay akin na naman talaga 'to" turo ko sa lalaking nasa likuran ko.

"Tama...Tama" tumango-tango pa ito.

"Hindi ako makapapayag. Sana tinuluyan na lang kita" dahil sa sinabi niya ay napahalakhak ako. Tinuro-turo ko pa siya habang tumatawa "Huli ka pero kulong" may lumapit agad sa kaniya na mga police. Pinusasan siya at dinampot ito palayo sa 'kin. Nawalan naman ng malay ang ama ni Sarrah kaya isinugod ito sa hospital.

"Good job honey" sabi ni tita sa asawa. Tumawa naman si Tito at niyakap ang asawa "Tapos na ang problema natin sa babaeng 'yon. Pwede na nating ituloy ang naudlot na kasalan" sabi nito.

"Thanks Mom, dad"

"Welcome anak. Sabi ko naman sa 'yo e, just go with the flow" kumindat pa ang si tita sa 'min.

"Sa wakas na solve na rin" maligayang sabi ni Xylem. Agad kaming nagyakapang anim.

"Akala ko hindi na kayo darating" napalingon kami sa tinutukoy ni Yuhan. Nakita kong papasok sina Owen at Zyrone kasunod ang mga magulang kong halos mapunit na ang labi.

"Mabuti naman at gumising ka na, baby sis" sinalubong ako ng yakap ni Kuya Red.

"Sino ba ang hindi magigising sa lakas ng sigaw ni Unika"

"Isang linggo ka na namin ginising e. Nakakasawa ka tingnan na mahimbing na natutulog lagi. Paano kung hindi ka na magigising? Kaya habang maaga pa ay ginising ka na namin" may luha pang tumulo sa mata niya. Agad naman siyang niyakap ng boyfriend niya. Tinukso naman siya ng mga kasamahan namin.

"Akala ko nga kanina lilibing niyo na ako ng buhay. E paano naman kasi may dala-dalang panghukay itong si Xylem" nagtawanan sila.

"Gagi! Kung ginawa ko 'yon ay panigurado tanggal na ako sa trabaho ko" sagot ni Xy sa 'kin.

"Galing 'yon sa bahay ko binitbit ni Xy. Make up kit ang ipinadala ko pero 'yan ang kinuha" natatawang pangbubuking ni Ylona.

"Sorry naman. Kanina ko pa talaga naramdaman ang tunay na kaba. Nagpapanic ako bigla" paliwanang niya pero hindi kami kumbinsido. "Lalo na no'ng pinaharurot ni Yhel ang Van." 

"Byaheng langit 'yang isa e" tahimik lang si Yhel na nakikinig sa 'min.

Tawanan at asaran lang ang ginawa namin. Umuwi na rin ang mga magulang namin. Kami lang ngayon ang naiwan rito para magcelebrate. Hindi pa ako nakapagbihis, nangangati na nga ako.

"Salamat sa pagdating" bulong niya sa 'kin bago hinalikan ang tutok ng ulo ko.

The lost RecipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon