"Ingat ka, Alli" sabi ni mama bago ako lumabas ng bahay at sumakay sa tricycle na pinara ni kuya kanina.
Dalawang linggo na ang nakakalipas magmula no'ng nagkita-kita kaming magkakaibigan kaya mas lalo akong naexcite no'ng matanaw ko na ang entrance ng BAU. Maraming studyante sa tabi at ang ilan pa ay may kaniya-kaniyang sasakyan pa.
"Manong dito na lang" sabi ko no'ng mapansin kong halos di na makausog ang tricycle dahil sa mga tumawid na studyante at sa mga nagdaanang mamahaling kotse.
Pagkatapos kong magbayad ay tumabi ako. Sa gilid na lang ako dumaan kasabay ang iilan. 'Di talaga maipagkakaila na halos lahat ng nakapasok dito ay mayayaman, may sariling yaya pa ang iilan.
May bumusina sa gilid ko kaya napatingin ako doon. Dumungaw si Xy, sa nakabukas na bintana. "Alli, sabay kana sa'min. Mahihirapan kang makapasok sa loob dahil marami pang studyante" tumango naman ako at pumasok sa kotse ng pinsan niya.
"Salamat kuya" tumango naman si Kuya Sean. Ang tahimik talaga niya.
"Xy, nagtext sayo, sila Yhel?" Tanong ko. Nakalimutan ko kasi ang cellphone ko sa pagmamadali kanina.
"Yup. Nasa gilid daw sila ng guard house." Sagot niya. Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa mismong parking lot, nagpasalamat kami kay kuya Sean at sabay kaming pumasok ni Xylem sa loob ng main gate.
"Mga mare! Dito!"
Nakisabay kami sa daloy ng mga studyanteng naglalakad. Malawak naman ang BAU kaya di na namin kailangan magsisikan pa.
Hindi na unang beses na nakapasok ako dito sa BAU, no'ng college days kasi ni kuya ay isinama ako ni mama pa minsan-minsan dito kaya 'di na ako gaya ng ibang kong kaibigan na halos malaglag na sa semento ang mga baba sa kakanganga.
Malaki ang BAU, lahat ng strand ay nandito na. Kaya di kataka-taka kung binansagan itong perfect school. Mula sa naglalakihang department na may iba'ibang kulay, malawak na soccer field, malaking arena na kung saan kaysa ang sampung libo na tao, at hanggang sa naglalaking classroom. May aircon pa saka free internet ang ilang bahagi ng BAU at ang mas lalong nagdala sa ganda nito ay ang higanteng fountain na nasa bungad ng main gate ng campus.
"Kita na lang tayo sa cafeteria girls. Malapit na ang first subject ko" aniya ni Zai at di man lang kami pinasagot dahil tumakbo na ito palayo.
"Okay ka lang ba, Alli?" Tanong ni Yhel sa'kin at kinapa pa ang noo, pisngi at leeg ko. Na parang bang chenecheck niya kung may lagnat ba ako. Bahagya kong inilayo ang sarili ko sa kaniya.
"I'm okay, Yhel. Naninibago lang siguro ako kasi di na tayo magkasama sa iisang room"
"Yeah. Kahit nga ako pero kailangan e. Hindi naman sa lahat ng oras ay kailangan nating magdikit lahat. Sometimes mas mabuti rin na gawin natin ang para sa sarili" minsan lang 'to magsalita pero tagos sa puso. Tinapik niya ang balikat ko. "See yah!"
Naglakad ako papasok sa magiging room ko. Nakipagsabayan ako sa mga babaeng studyante. Kaniya-kaniya silang display sa kanilang mamahaling gamit. Balak ko sanang mag-elevator kaso mahaba ang pili, no'ng mapatingin naman ako sa hagdan ay iilan lang ang gumamit nun kaya, 'yon ang ginamit ko para makarating sa third floor, kung na saan ang cookery room.
Ang cookery ay ang peach na color ng building. Pinagitnaan ito ng STEM saka GAS. Pagkapasok na pagkapasok ko ay pumwesto ako sa hulihang bahagi. Syempre, sino bang studyante ang may lakas ng loob na umupo sa unahan, ga'yong unang araw palang. Edi syempre hindi ako 'yon.
Kahit no'ng grade school pa namin ay nasa may hulihan kaming naka-upo. Ang kaibahan nga lang ngayon ay ako lang mag-isa samantala noon ay magkakasama kami.
Mahirap kasing mag-adjust sa totoo lang. Yung tipong magkadikit kayo tapos bigla na lang nag-iisa ka. Yung wala kang machicka sa bago mong kaklase kasi takot kang husgahan nila. Inabala ko na lang ang sarili sa pagpractice ng signature dahil sa totoo lang ay pati perma ko 'di ko pa nabigyan ng tuldok. Na ito, final na. Madaling magbago ang desisyon ko and I hate it.
Gusto ko maging direct to the point. Gusto ko na magkaroon ako ng isang salita pero kabaliktaran ang natanggap ko. Yung tipong ayaw ko sa bagay na 'yon ngayon pero sa susunod na minuto ay gusto ko na ulit. Like, nakakaputek lang!
Paano ba maghanap ng bagong utak...
"Good morning ma'am" sabay-sabay na bati namin sa pumasok na babae. May salamin siya, di rin naman katangkaran at medyo may katabaan pa. "Here's your schedule. Kailangang laging nakadikit yan sa inyo kundi ako ang magdidikit niyan sa noo ninyo" katahimikan ang bumalot sa silid na pati pagpasa ng mga index card ay walang bakas ang ingay. Lumamig pa lalo ang room kahit ang aircon ay naka 1 lang.
"And one more thing ayokong makakita ng kahit anong kurete diyan sa mga kamay ninyo. Kung ayaw niyong ako ang puputol sa mga darili niyo"
Halos sabay kaming napatingin sa mga kamay namin. Napakagat labi pa ako no'ng makita ko ang kulay itim sa kuko ko. Marahan pa akong umiling dahil nakalimutan ko 'tong taggalin. Si Ylona kasi ang naglagay ng kulay sa kuko ko.
Tatanggalin ko na lang 'to pag-uwi. Ayokong mawalan ng daliri ano...
Puro reminders lang ang sinabi ni ma'am. Di man lang namin alam kung anong pangalan niya dahil di naman siya nagpakilala. Bilin pa niya na ayaw niyang may dugyot sa room niya. Maglagay raw ng light make up.
Nag-uusap na ang ilan sa mga kaklase ko kasi lumabas na si ma'am. Nakahinga ako ng malalim. Ngayon pa ako natakot sa isang guro sa buong high school life ko. Sana talaga matagalan ko 'to kundi baka magshift ako ng bago.
Gaya ng napag-usapan namin ay sa cafeteria nga kami ng BAU nagkita-kita. Aki ang nahuling dumating sa grupo namin kaya ako ang pinag order nila. Kainis talaga ang mga gagang 'to. Pasalamat sila na tumutupad ako sa usapan na tuwing may malate ay sundin ang gusto ng mga nauna.
Nakikipila din ako. Dahil di naman kami VIP kaya heto tiis sa medyo may kahabaan ng pila.
"Excuse me, miss. Pumila ka po ng maayos, 'di 'yung sumisingit ka" sabi ko sa ikatlong sumingit.
"Tss. Walang kang paki" pagtataray pa nito sa kaniya.
"May paki ako dahil tao ako. Pareho tayong gutom kaya wag singit ng singit. Putek! Paano makaratimg sa unahan kung may dumagdag lagi" tinaasan pa ako nito ng kilay bago umalis sa pila. Nakangiti naman ako. Akala niya ha.
I am not Missy Alliah Morales for nothing.
"Bilisan mo ate, kumakain ako ng tao kapag gutom" pasimple akong ngumiti no'ng makita ko ang reaksyon niya.
Sorry te, gutom lang...
Nagpasalamat ako don sa tindera at ginamit ko ang buong lakas para buhatin ang order ng mga langya kong kaibigan na pinagtatawanan lang ako habang naka-upo.
Muntik ng matapon ang pagkin no'ng may tumisod sa'kin, nilingon ko 'yon at 'yung babae kanina pala. Nagtawanan pa silang magkakaibigan. Balak ko sana itong tapunan ng pagkain nang may biglang tumikhim sa gilid ko.
Ang mataray na mukha ng tatlong babae ay napalitan ng maamo. Akala mo kung sinong mga anghel. Tiningnan ko ang gilid ko at nakita ko ang lalaki.
Tumalikod ako at naglakad ng mabilis papunta sa mga kaibigan ko.
Kung ganito lagi ang makikita ko. Aba! Okay lang ganito ang first day of school ko...
BINABASA MO ANG
The lost Recipe
Novela JuvenilUnbreakable Series 1 ~•~•~•~•~ Loving someone is fun, not until he/she accidentally broke your heart. Meet Alliah the girl who loves the captain of Lucky Five. Is she lucky to have him o she's not, because of loving hi...
