Chapter 19

67 5 0
                                    

"Handa ka na ba?" My mother asked me. Tumango ako kahit ayaw ko "Mag-iingat ka do'n, Alliah. Tatawagan mo ako kung may mangyaring masama. H'wag na 'wag mong gugutumin ang sarili saka matulog ka ng maaga. Hindi pwedeng pababayaan mo ang sarili porque malayo ka sa'min ng mga kapatid mo" Nakikinig lang ako sa mga habilin ni mama bago ako aalis. "Kapag inapi ka ng asawa niya ay magsumbong ka" tumango na lang ako. Tiningnan ko lang si mama habang isinisilid ang ilang mga damit ko sa bag na dadalhin ko papunta sa mansyon nila.

Ilang minuto pa ay narinig na namain ang busina galing sa labas ng bahay namin. "Halika na, nandiyan na si Miguel."

"Ma, sorry. Maiiwan ko kayo. Wala akong ibang choice e" naluluha kong sabi sa kaniya. Niyakap niya naman ako at hinaplos ang buhok ko. "Naiintindihan kita anak, saka pasyensya na. Kayo tuloy ang nagsakripisyo sa mga nangyari"

"Ma, mag-iingat kayo rito ah. Tatawag rin ako kapag wala na akong ginagawa" tumango siya. Nagyakapan muna kami bago ako lumabas ng bahay. Gusto pa na ihatid ako ni mama sa labas pero hindi ako pumayag. Ayaw kong makita siyang kumakaway sa'kin pakiramdam ko kasi parang di na kami ulit magkikita. 'Di na ako lumingon pa sa bahay namin hanggang sa makapasok ako sa loob ng kotse. Nakatulala lang ako, naramdaman ko ang pag-andar noon kaya naipikit ko na lamang ang mga mata at sumandal sa upuan.

"I'm sorry, wala akong nagawa" aniya pero nanatili akong nakapikit. "Sinubukan ko naman e pero ayaw talaga niya" dagdag niya. "Masaya akong makasama ka ngayon, pakiramdaman ko tuloy nanalo ako sa isang laro na ang premyo ay ang makasama ka" nakinig lang ako sa mga pinagsasabi niya.

Bahagya pa siyang napatawa "Kahit patuloy mo akong ipagtulakan, mananatili ako sa tabi mo, kapatid kita e. Hangga't kaya ko, ipaglalaban kita sa ama natin. Alam kong mas pinili mo ang tumira sa'min kaysa sa iwanan siya. Yup! I know, alam ko na kayong dalawa na. Wala namang problema  sa'kin kasi alam kong mahal na mahal ka rin niya" pagkatapos niyang sabihin ang mga 'yon ay katahimikan ang bumalot sa aming paligid.

Ilang sandali pa ay huminto na ang sinasakyan namin, nagpanggap pa rin akong tulog. Mahinang pagyugyog ang naramdaman ko.

"Missy, we're here" unti-unti kong idinilat ang aking mga mata. "Ang mga yaya na lang ang kukuha sa mga gamit mo"

"Kaya ko naman" sabi ko. Kinuha ko ang dalawang back bag ko at isinabit 'yon sa balikat. Sariwang hangin ang yumakap sa'kin pagkababa ko ng sasakyan niya. Malaking fountain ang unang kong nakita nay nakaulit pa na maliliit na diamond sa paligid. Nilakbay ko rin ang paningin sa kabuuan ng lugar. Sa likuran namin ay ang patayog na gate na may nakaulit na letter M sa taas. Puno rin ng mga halamang 'di namumulaklak ang paligid at ang kapansin-pansin ay ang mga armadong lalaki na naka-longsleeves na nagikot-ikot sa paligid.

"Kailangan sila for family safety" sabi ni Miguel kahit 'di ko ito itinanong "Kailangan na nating pumasok sa loob, naghihintay na sila sa may hapag kainan" sumunod lang ako sa kaniya. Sa laki ba naman ng bahay nila ay baka maligaw ako.

Pagkapasok namin sa magarang pintuan ay 'di ko maiwasang 'di mamangha, sobrang laki ng sala nila double pa ito sa laki ng bahay namin. Mula sa tiles hanggang sa mga kagamitan ay yari ito sa mga mamahaling bagay. May ginto pang Vase na gilid ng daan.

Nakasunod lang ako sa kaniya habang patuloy na inukot ang mga mata, bukod kasi sa pagkamangha ko ay inihanda ko rin ang sarili kung sakaling may tumaga  sa'kin habang naglalakad. Hindi sa pagiging praning, gusto ko lang handa ako sa bawat laban na hindi ko alam.

Ilang pinto na ang pinasukan namin bago kami makarating sa isang malaking silid. Nasa gitna ang mahaba at malapad na mesa na puno ng mga pagkain.

"We're here" napatingin ang tatlong tao sa'min nong banggitin 'yon ni Miguel. Tumayo siya na para bang ang saya-saya niya sa nakita. Syempre sino ba naman ang hindi, nasunod ang gusto niya dahil ginamit niya ang pera at kapangyarihan niya.

Naglakad siya papunta sa gawi ko pero ang tingin ko ay diretso sa dalawang babaeng nakaupo. Nakita ko pa kung paano ito sabay na umirap sa'kin. Kaya napairap din ako rito. Mukhang alam ko na kung ano ang mangyayari sa'kin sa bahay na 'to.

"Masaya akong nandito ka na"

"Ako hindi e" sagot ko sa kaniya.

"Let's eat, dad. Mamaya na kayo magkumustahan" pumagitna si Miguel sa'ming dalawa saka hinila papunta  sa upuan.

"H'wag kang mahiya, Missy. Kumain ka lang" bulong sa'kin ni Miguel. Kumuha lang ako ng kunti kasi 'di ko feel ang kumain kasama sila, hindi ako sanay pero kailangan kong makisama sa kanila kahit papaano ay may natira pa naman akong respeto sa kanila. Nasaksihan ko ngayon kung paano sila nagkwentuhan habang kumakain, kung paano sandukan niya ang anak nilang babae at kung gaano sila kasaya habang tumitingin sa isa't isa.

Upon seeing this scene, pumasok sa isip ko ang mga alaala noon. Kung paano nagdusa si mama, kung paano siya umiyak ng ilang ulit, habang patuloy na sinisisi ang sarili niya. Kung paano siya bumangon at naging ama't ina sa'ming tatlo.

"No'ng nakita ko na tumulo ang luha sa mga mata niya, pakiramdam ko nabigo ako bilang anak niya"

Laking pasalamat ko no'ng matapos ang pagkain namin at hanggang ngayon ay nakasunod ako kay Miguel papunta sa kwarto na tutuluyan ko.

"Wala bang kwarto sa baba, ayaw kong makasalubong isa man sa inyo paggising ko sa umaga" direktang sabi ko sa kaniya no'ng papaakyat na kami papunta sa ikalawang palapag.

"Meron naman pero sa mga maids lang 'yon" sagot nito sa'kin.

"Okay lang ako doon—"

"No!" Napalingon ako sa may sabi no'n. Naglakad siya papalapit sa'min habang seryoso pa rin ang mukha. "Maraming kwarto sa itaas, kung gusto mo ay sa tabi na lang ng kwarto ni Xyrus medyo malayo sa'min" tumingin ako kay Miguel na naghihintay sa isasagot ko. Tumango ako sa kaniya at 'di pinansin ang isa.

Binuksan niya ang pintong katabi sa kwarto niya. "Matagal na 'tong kwarto na ito. Pinalinisin ito ni daddy para kung pumunta ka rito ay may matulugan ka"

"Ayos na ako rito, makakaalis ka na"

"Kung may kailangan ka, kumatok ka lang sa kabilang pinto o 'di kaya ay magtext ka lang sa'kin at ako ang kukuha sa gusto mo" sabi pa niya. Tumango lang ako sa kaniya at inayos ang mga gamit ko. Narinig ko ang pagsara ng pinto kaya tumigil na ako. Sa totoo ay nagpanggap lang ako para umalis na si Miguel. Alam kong ginagawa niya lahat para maging maayos ako. Ramdam ko naman 'yon pero hindi ko maiwasang 'di mag-isip ng mga ibang bagay.

Kinuha ko ang cellphone ko.

"Bakit wala siyang text?"

I try to dial his number pero out of coverage. Ilang ulit ko pa 'yong ginawa pero gano'n pa rin.

Kaya nag-iwan na lang ako ng message sa kaniya pagkatapos ay humiga ako sa kama.

Habang nakatighaya ay pumasok sa isip ko ang eksena kahapon. Bakit kaya nando'n si Yuhan sa head master office? Hanggang ngayon kasi ay 'di pa rin siya nakaka-usap tungkol do'n.

The lost RecipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon