"Girls, okay na ba itong suot ko?" Tanong ko sa mga kaibigan ko.
"Anong pumasok sa isip mo at nag-ayos ka ngayon, Alli?" Pang-uusisa pa ni Ylona na siyang naglagay sa'kin ng kaunting powder saka liptint.
"Hayaan niyo na lang si Alli, guys. Dalaga na 'tong kaibigan natin" inakbayan pa ako ni Zai, pabiro ko naman siyang sinikmurahan. Tumawa lang siya at lumayo sa'kin.
"Alam niyo, kailangan din nating magmukhang bago sa pananaw ng mga teacher natin. Change for the better kumbaga" sabi ko sa kanila habang inaayos ang mga gamit ko. Nandito kami sa mismong bahay nila Ylona ngayon. Dito kasi namin naisipan na kumain ng tanghalian, nakakasawa na rin kasi sa campus puro pang mayaman lagi ang nakikita namin. Kaya mas mabuti sa bahay na lang makasave saka masarap magluto si tita.
"Tse! Change is coming e, paano naman si Zai na hanggang ngayon pang 90's pa rin ang pormahan?" Nakipagfive pa ako kay Xy, dahil sa sinabi niya. Binato tuloy kami ni Zai ng mga nilukot na papel na pinasulatan niya sa mga formula.
"Mas ayos na tong porma ko ano? Mas maganda kung tatangkilikin natin ang sariling atin" umikot pa siya habang hawak ang mataas niyang palda. "Dalagang Pilipina dapat mga mare" dagdag pa niya.
"Yhel and Ylona left the group" nagtawanan kaming dalawa ni Uni.
Sobrang sama naman kaming tiningnan no'ng dalawa."Walang masama sa pagiging maarte sa katawa no" sabi pa ni Ylona at iniligpit ang make-up kit niya.
"At mas lalong walang masama sa oversize t-shirt, caps at sa jeans ano" sabi rin ni Yhel at naunang lumabas ng bahay.
"Lagot kayo, nagalit yata" pananakot pa sa'min ni Xylem pero tinawanan lang namin ni Uni 'yon bago sumunod sa labas.
I'm so lucky na may mga kaibigan akong ganito, yung laging nag-aasaran sa mga bagay-bagay. Yung di hinahayaan na may mapahamak isa man sa'min. Good friends can make us good but true friends is precious than any materials in this world. Wala na yata akong mahihiling pa, kuntento na ako sa tagpo na to. Di bale ng mahirap at least may pagkakataon pang sumaya.
Nakaranas pa ako ng mga bagay na di naranasan ng ibang mga bata and I'm very proud if it.
"Alli, hinanap ka ni captain kanina" sabi ni Alex pagkapasok ko pa lang sa room namin. Kumunot naman ang noo ko. Sinong captain?
"Captain, who?" Tanong ko rito. Naglakad ako papapunta sa upuan ko dala ang mga librong kakailanganin para sa subject ngayong hapon.
"Hinahanap ka ng captain ng Lucky Five" sabi pa niya. Lalo akong nalito, sino at bakit naman niya ako hahanapin.
"Bakit naman niya ako hahanapin? Di ko nga kilala ang sinasabi mong captain" sagot ko sa kaniya.
"Lang'ya, Alli. Saan ka ba nagpunta no'ng orientation?" Binatukan niya pa ako at umupo sa tabi ko. "Nandoon ako, pero wala namang sinabi sila na may captain pala rito" binatukan niya ulit kaya ginantihan ko siya. Itong baklang 'to!
"Jusko po. 'Di ka nakinig panigurado" saad niya. Tumango ako kasi buong orientation ay nag-uusap lang kaming magkakaibigan. Ang boring kasi puro English ang mga sinasabi.
"Alli, si Yuhan nandito, gusto ka raw maka-usap" sigaw ni ate Joy. Na nagpatayo at tumakbo sa'kin palabas.
"Yowww" pangbungad na bati ko rito. Sobrang laking ngiti ko, gusto kong pigilan baka nagmukha na akong timang pero I can't help it.
"Hey" sagot niya "Nagpunta ako rito kanina pero wala ka. Kasama mo daw mga kaibigan mo" sabi niya, pero bakit mukhang nanghinayang siya.
"Oww. Ikaw ang sinasabi ni Alex na captain?" Out of curiosity ay natanong ko sa kaniya. Tumango siya at ngumiti sa'kin.
"I am lucky because of being close to you na pinapangarap ng ibang tao?" Patanong na sabi ko sa kaniya at tumawa.
"Kahit di tayo maging close, you're still lucky it is because nakuha mo na ang puso ko" nakangiti niyang sabi. Hinampas ko naman siya at kalaunan ay nasalo niya ang kamay ko. Babawiin ko sana 'yon pero hinawakan niya ang kamay ko at pinaglalaruan 'yon. Ramdam ko ang mainit na palad niya kaya napakagat ako sa ibabang bahagi ng labi at pinipigilan ang mapangisi.
"Bakit ka pala nandito?" Kahit kinakabahan ako ay pinilit kong makapagsalita ng maayos sa harap niya.
"I want to see you" sagot niya.
"Bakit?" 'Di ko alam kung bakit niya to ginagawa sa'kin. Gusto kong malaman ang intention niya kung bakit niya ginugulo ako. Totoo ba to o sadyang mahilig lang talaga ako sa imagination.
"Kailangan ba may rason para makita ka?" He ask habang nakatingin sa'kin. Nakita kong itinaas niya ang kamay ko at inilagay yon sa pisngi niya. "I want to see you, Alli. Hindi ko alam kung bakit pero lagi kang hinahanap ng mga mata ko. Kapag di kita nakikita ay laging sinasabi ng isip ko na puntahan kita kaya here I am" sandaling katahimikan ang bumalot sa pagitan namin dalawa. Umiwas ako ng tingin at tinanaw ko ang buong field. Ramdam ko ring nakatingin siya sakin.
"Kung fling lang ang kailangan mo, Yuhan. Sorry di ko 'yon maibibigay sa'yo" isang buntong hininga ang pinakawalan niya. Alam ko kung gaano kasakit mahulog sa isang tao na laro lang ang alam sa lahat. Oo nga, 'di ko pa naranasan ang mga 'yon pero base sa mga napanood ko, sobrang sakit nun. Yung feeling na wala kang magagawa kahit nasaktan ka kasi wala namang kayo. Yung patago mo na lang iiiyak kasi ayaw mong makita nila na nasasaktan ka.
"Gusto kita" lumakas lalo ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Mahina lang 'yon pero sapat lang para marinig ko. "Gusto kitang kilalanin pa, Alli. Labas tayo minsan para mas makilala pa kita" yaya niya sa'kin. "Alam kong natatakot ka pero you can trust me, Alli" sabi pa niya na automatikong nagpatango sa'kin.
-
"Anong nangyari sa'yo?" Tanong agad ni Xy no'ng makita niya ako na naglakad papunta sa gawi nila.
"Mukha naman 'tong ewan." Sabi pa ni Zai. 'Di ko sila pinansin at umupo na lang sa upuan ko. Hanggang ngayon ayaw pa rin mag-sink in sa utak ko lahat ng narinig ko mula sa kaniya kanina.
"Anong problema niyan"
"Aba! Ewan ko rin magkasama yata tayo"
"Mukhang may problema e, kanina a yan balisa"
"Tanungin mo Yhel"
"At bakit ako? Kayo na lang"
"Wala akong problema" sagot ko sa kanila. Natahimik naman sila at ang iba ay nag-umpisang kumain ng snacks nila. Nandito kami ngayon sa pizza house na kinainan namin no'ng mga nakaraang araw.
"E bakit ka nakatulala?" Tanong ni Uni. Sumubo muna ako bago sumagot sa kaniya.
"Ano ang gagawin niyo kung may aamin sa inyo na gusto niya raw kayo?" Tanong ko sa mga 'to.
"Scam" sabay pang sabi nina Zai at Yhel.
"Bitter kayo hmp!" Sabi ni Xy.
"Kung sa'kin nagsabi, edi okay lang." Sabi ni Uni.
"Kilalanin ko muna kapag sa'kin umamin" sagot naman ni Ylona.
"Bakit mo natanong? Kaya ka ba balisa ay dahil sa may umamin sa'yo?" Pang-uusisa ni Uni. Naoatingin silang lahat habang hinihintay ang sagot ko. Unti-unti akong tumango sa kanila. Nagsitilian sina Unika saka si Xylem. Nakangiti lang si Ylona at lugmok naman ang mukha no'ng dalawang bitter.
![](https://img.wattpad.com/cover/274483813-288-k911190.jpg)
BINABASA MO ANG
The lost Recipe
Teen FictionUnbreakable Series 1 ~•~•~•~•~ Loving someone is fun, not until he/she accidentally broke your heart. Meet Alliah the girl who loves the captain of Lucky Five. Is she lucky to have him o she's not, because of loving hi...