Chapter 35

70 3 0
                                    

Alliah's pov

"He's here" napatayo ako ng tuwid at inabangan ang taong papasok sa kusina ngayon.

"Daddy!" Si Alley lang ang sumalubong sa papa niya na ngayon ay nakasakay na ng wheel chair. Nangulubot na ang ilang balat nito saka medyo pumayat. Wala na rin sa mukha niya ang pagka strikto. Napatingin ito sa gawi ko. Blanko lang akong nakatingin sa kaniya. Nakita kong may kaunting ngiti sa labi niya.

Paano niya nagawang ngumiti sa lahat ng paghihirap ko. Paano niya nagawang magpakita sa kabila ng lahat.

Nagmadali akong lumabas sa kusina at nagpunta sa likod ng bahay namin. "Anak sandali!" Tawag ni mama sa 'kin. Napahinto ako ng maramdaman ko ang kamay ni mama sa pulsuhan ko.

"Bakit siya nandito ma?" Tanong ko.

"Gusto niya kayong makasama—"

"Talaga lang ha! Sa kabila ng lahat kong paghihirap parang wala lang sa kaniya? Kung pumunta siya rito parang hindi niya alam ang pinaggagawa niya. Kung siya rin naman ang makakasabay ko sa pagkain ay mas mabuti pang hindi na lang ako kakain"

"Missy"

"Ma naman! Nabuhay tayo na wala siya. Bakit ngayon nandito na naman 'yan? Ano 'to kung kailan malapit na siyang mamatay saka siya makikihalubilo—"

Napahawak ako sa kaliwang pisngi ko. Halos ma bingi na ako sa sobrang lakas ng pagkakasampal ni mama.

"Pinalaki kitang magalang at puno ng pagmamahal. Pinalaki kitang mapagpakumbaba at may respeto! Para mo na ring sinabi sa 'kin ngayon na, walang akong kwentang ina. Na hindi kita tinuruan ng magandang asal!"

"Ma—"

"Missy naman! Ilang beses ko bang ipaintindi sa'yo. Ama mo siya! Kahit ilang ulit mo pang itanggi pero 'yon ang totoo."

"Allen"

Dumating siya habang tulak-tulak niya ang sarili.

"Pwede mo bang iwanan mo muna kami?"

Nakitang kung tumango si mama. Tinanguan niya ako bago pumasok sa loob ng bahay namin.

"Ang laki mo na"

"Halata naman" walang buhay kong sagot sa kaniya.

"Parang kailan lang, tumutulo pa ang sipon mo. Umiiyak ka pa kung hindi ka bubuhatin" nakinig lang ako sa pinagsasabi niya. "Nakakalungkot lang na hindi ko nasaksihan ang paglaki mo, hindi kita naamoy kapag galing ka sa labas, naglalaro. Hindi kita napaliguan, hindi man lang kita nayakap kapag gabi. Hindi kita nabantayan hanggang sa makatulog." Those words makes me cry. Kahit ilang beses kong sabihin sa sarili na hindi ako apektado pero upon hearing those words tila isa 'yong sampal sa 'kin.

"B-bakit? B-bakit m-mo 'yon nagawa sa 'min?"

"Kung tatanungin mo ako kung pinagsisihan ko ba ang nagawa ko? Ang sagot ko ay hindi—"

"Tang'na!" Bulalas ko. Anong klaseng ama siya?

"Hindi ko pinagsisihan lahat k-kasi dahil sa nagawa ko maraming akong natutunan. Dahil sa nagawa ko ay naging malakas ang isang anak ko, kampante na ako kung sakali mang kunin na itong buhay ko. Masaya ako dahil nakita kong malakas ka. Nakita ko kung paano ka lumaban sa kabila ng ginawa ko" ang luha niya ay unti-unting tumulo. Tila may humaplos sa puso ko sa nasaksihan ko ngayon. "And I'm felt sorry for breaking your heart. Alam kong mahal ka niya, pero mas pinili niyang sundin ang gusto ko kaysa sa pamahamak ka"

"What do you mean?" Takang kong tanong sa kaniya. "W-wag mong sabihing may kinalaman ka—" hindi pa ako natapos ay tumango na siya. Napatakip ako sa bibig ko. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko ngayon.

The lost RecipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon