Before reading this chapter play;
AT ANG HIRAP BY: ANGELINE QUINTO
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
"Baby, you look so happy today." Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang lapitan pero hindi ko magawa. Pinagmasdan ko lang siya dito mula sa malayo habang kasama niya ang totoong niyang minahal. Ngayong araw na sana ang first monthsary naming dalawa pero sadly hindi man lang nakarating.
Dapat na sana ay handa na akong makita sila dahil nangako ako sa sarili na hindi na ako masasaktan pero upon seeing them, hindi ko mapigilang tanungin ang sarili ko.
"Gano'n ba ako ka boring para iwan niya?"
"Hindi ba ako maganda para sa kaniya?"
"May nagawa ba akong, hindi niya nagustuhan? Ano pa ba ang dapat kung gawin para bumalik siya?"
I can't help it but to silently cry. Wala akong magawa e, 'yung pakiramdam na wala ng pag-asa. I tried to approach him earier but I've been rejected. Napahiya pa ako sa maraming tao.
Inayos ko muna ang sarili ko bago bumaba sa punong kinaroonan ko. Nagulat pa sila dahil nando'n ako but I tried to be calm and act like nothing.
"We need to talk, Yuhan" natigilan siya. Blangko itong napatingin sa'kin. "Please... Kahit ngayon lang, after this hindi na kita guguluhin." Pansin ko ang pagtutol ni Ylona pero sumunod naman si Yuhan sa'kin.
Nakarating kami sa garden ng campus. Medyo malayo ito at tago. Dito ko rin nakita noon si Uni at si Zyrone.
"Ano ang pag-uusapan natin? Make it faster, ayaw kong paghintayin ang girlfriend ko" malamig na ani niya.
"B-bakit?" Unang tanong ko sa kaniya "Bakit naging ganito tayo, Yuhan? You promise me that you will stay beside me. You say that you love me? Pero tingnan mo ngayon. Ano ba ang dahilan mo para iwan ako ng ganito?"
"I never loved you" napatawa ako ng malakas sa sinabi niya sa'kin. "I love Ylona so much, mula noong makita ko siya, ay siya na talaga." Tumulo ang mga luha ko kahit anong pigil ko sa mga 'to ay hindi talaga nagpapaawat.
"Pero bakit ako? Bakit ako ang niligawan mo? Bakit Yuhan? Dahil ba nakita mo sa'kin ang kahinaan ha!"
"Niligawan lang kita, para makita ko siya lagi" pag-amin niya. Halos napaluhod na ako dahil sa mga narinig ko ngayon. "Niligawan lang kita dahil 'yon ang sabi niya. Naiindihan mo ba ako, Alliah? Hindi kita minahal, minahal kita dahil 'yon ang sinabi niya"
"Pinilit kong ibaling sa'yo ang nararamdaman ko pero hindi talaga e. Sa kaniya lang talaga ako." Kusang lumipad ang palad ko sa pisngi niya. I thought his love for me is true pero umasa lang pala ako. Ang sakit marinig galing mismo sa kaniya.
"Minahal kita e, mas minahal pa nga kita kaysa sa sarili ko. Ayaw ko sanang sabihin 'to sa'yo dahil ayaw kong manumbat, pero dahil nandito na rin tayo..." Pinahiran ko muna ang mga luha ko. "...alam mo ba na kaya ako pumayag na tumira sa bahay ng aking ama kahit ayaw na ayaw ko? Ay para hindi kita mahiwalayan. Oo, tama ang pagkarinig mo! Pinapili ako kung ano ang gusto ko pero I choose you. Hindi ako nag-aatubiling piliin ka! Alam mo bang ikaw ang unang lalaking minahal ko at ikaw rin pala ang lalaking dudurog sa'kin ng ganito. I tried to save our relationship over my scholarship, ang akala ko kasi e... Akala ko worth it ang ipinaglalaban ko. Handa naman kitang ipaglaban, Yuhan e. Sabihin mo sa'kin! Sabihin mo lang sa'kin na ako ang mahal mo at ipaglalaban kita kahit sa kaibigan ko!" I screamed because of pain. Sobrang bigat ng dinadala ko, parang nauubusan na ako ng hininga.
"Sorry but I love her" napahagulgol lang ako, nanlambot ang mga tuhod ko sa narinig. Umayos ako ng tayo at pinahiran ang mga luha ko. Ito lang naman ang gusto kong marinig sa kaniya. Nakangiti akong humarap sa kaniya. Namula rin ang mga mata niya na para bang umiiyak pero wala namang mga luha na tumulo sa mga 'yon.
"Siguro tama ang mga kaibigan ko..." lumuluhang saad ko sa kaniya "Na tumigil na ako. I'm sorry sa drama ko,Yuhan. Sana mag-iingat kayong dalawa. Kalimutan mo na lahat ng sinabi ko sa'yo at kakalimutan ko na rin na minsa'y naging bahagi ka ng buhay ko"
~•~•~•~•~•~•~
"Happy birthday ma" maligaya naming bati sa kaniya. "Maraming salamat mga anak ko. Ang tanda ko na pala tapos ang mga anak ko wala pang-jowa" tawanan ang bumalot sa bahay namin dahil sa narinig mula sa aking ina.
"Tita Allen, h'wag kayong mag-alala baka pag-uwi ni kuya Red ay may anak na siyang dala" nagtawanan ulit kami dahil sa pinagsasabi ni Unika. Kahit iilan lang kami dito sa bahay ay napuno pa rin ito sa saya dahil sa mga kaibigan ko.
"Ang sarap mong ibulsa, Kaye" kung pwede pa na lumusot ang kamay ni kuya sa screen ng laptop ay nakurot na niya siya Uni. "Ako talaga ang pati-tripan mo ah. Samantalang 'yang kaibigan mo may boyfriend na daw. Bakit hindi ko 'to alam, baby sis?"
"H'wag kang masyadong chismoso kuya baka hindi ka magka-jowa" sinamaan niya naman ako ng tingin.
"Sinasabi ko nga diyan sa kapatid mo na ipakilala niya sa'kin ang nobyo niya para naman makilatis ko" pagku-kwento pa ni mama sa kapatid ko. "Pero hanggang ngayon ay wala pa din"
"Chill lang kayo, Ma. Wala namang akong boyfriend e saka kung meron man hindi rin 'yon makakatagal"
"Ayon... Umamin din" kantiyaw ng mga kaibigan ko.
"Aba! Hindi pwede sa'kin 'yan baby sis. Iharap mo sa'kin ang lalaking 'yan at nanag maturuan ko ng leksyon"
"Ang OA mo kuya. Wala nga po akong boyfriend kaya wala akong maihaharap sa inyo" maktol ko. Imbes na tulungan akong patigilin ang kuya ko sa pangungulit ay tuwang- tuwa pa ang mga kaibigan ko sa nasaksihan nila.
"Gusto ko lang malaman, baby sis. Ayaw kitang masaktan"
"Okay, ayaw kong maglihim sa inyo ni mama kaya sasabihin ko" nagtilian ang mgs kaibigan ko, naghahampasan pa ang iilan "I'm in love with someone. He's the great man I ever thought. I always imagine my future together with him, he's not a teacher but he teach me how to love. Dahil din sa kaniya ay nasaktan ako ng sobra. I thought I was the most greatful being but I'm not because of loving him" sandaling katahimikan ang bumalot sa'min. Napatingin ako kay kuya na nakakunot ang kilay kaya umiwas ako ng tingin.
"Pagdating sa pagmamahal kailangan mo ring masaktan para matauhan. Hindi kasi lahat ng taong mamahalin mo ay magkaroon ng katumbas o mas hihigit pang feelings towards you. Laging mong tandaan baby sis, pati na rin kayong mga kaibigan niya na... In love, you must know your priorities as a teenager like you, you need to chase your dreams not a man. The right man will come in a perfect time. Hindi niyo naman ikakamatay ang pagiging single kaya chase your dreams ladies" mahabang payo ni kuya Red sa'min.
Tila may bumara sa lalamunan ko hindi ako makapagsalita ni maktingin ng diretso kay mama. Nakokonsyensya ako dahil sa lubos na pagmamahal ko sa isang tao, nakalimutan ko na ang pangarap ko para sa magulang.Imbes na mag-aral ako ng mabuti, mas inuna ko pa itong bagay na mawawala lang din pala. Pagkatapos maproseso ang mga sinasabi ni kuya Red sa'min ay agad akong napaisip at nakapagdesisyon.
BINABASA MO ANG
The lost Recipe
Teen FictionUnbreakable Series 1 ~•~•~•~•~ Loving someone is fun, not until he/she accidentally broke your heart. Meet Alliah the girl who loves the captain of Lucky Five. Is she lucky to have him o she's not, because of loving hi...