The Lost Recipe

164 5 6
                                        

I still remember when the day I saw my mom silently crying. Kung hindi ako nagkakamali ay apat na taong gulang palang ako noon. Sa murang edad ay agad na pumasok sa isip ko na gusto kong magkaroon ng powers. As in agad-agad.

Ang tanging dahilan ko that time ay para gawin ko ang sarili ko bilang panyo at malambot na unan. Nakakatawa mang isipin pero 'yan ang gusto ko noon. Gusto ko maging panyo para magpahid sa mga luha ni mama. Gusto ko ring maging unan para ulanan at mayakap niya habang tulog siya.

When I was in high school. I didn't know kung ano ba talaga ang kukunin ko. I have no idea kung ano ang daan na dapat kung tahakin pero sabi nga nila mother knows the best. Siya yung nandiyan sa tabi ko kapag kailangan ko siya hindi ko pa man maibubuka ang bibig ko ay alam na niya ang gusto ko. Wala siyang palya na paalahanan ako sa tuwing may liko akong gawin. Para sa iba nakakainis ang ganyan, totoo naman talaga dahil naramdaman ko rin na mainis sa tuwing paulit-ulit na sasabihin ni mama na ama ko siya pero ngayong malaki na ako. Naiintindihan ko na ng lubos.

The Lost Recipe of my life are acceptance and realization. Nakalimutan ko kasi ang pagtanggap sa mga mahahalagang bagay dahil sa hindi ko narealize ang tunay na halaga ng mga ito. Kaya I'm very happy kasi finally nabuo ko na ang recipe ng buhay ko.

~•~•~•~

Seeing her walking towards me is very unbreathing scene. We almost walk in the different paths but now I am very sure that we will be together until our last breath.

She's unbreakable. She's beautiful and she's my everything.

"Bakit ka umiiyak?" She mouthed habang naglakad sa mahabang aisle na puno ng mga petals ng roses. Nakaangkla ang braso  sa braso ni Tito. Mas lalo akong naiiyak no'ng makita ang ngiti niya.

"I love you" I mouthed back. Mahina siyang napatawa kaya napalingon tuloy ang magulang niya sa kaniya.

Hindi na ako makapag-antay na mahawakan siya. Gusto ko nga na ako na ang sumundo sa kaniya dahil ang totoo ay hindi na ako mapakali baka takasan niya pa ako.

I heard Xyrus chuckled. He's my best man anyway. Mapilit ang isang 'to e. "Relax dude, hindi scammer ang baby ate ko hindi katulad mo" bahagya ko naman siyang binatukan. Tinawanan niya lang ako.

"Shut up! Morales!"

"Oww. Baka nakakalimutan mo na kapatid ko ang magiging asawa mo" inirapan ko lang siya at itinuon ang tingin sa babaeng pinakamaganda sa lahat.

Inabot ni Tito sa 'kin ang kamay ng anak niya. "Ingatan mo ang anak namin kung hindi baka ikaw ang ilibing ko ng buhay" tumango ako at ngumiti.

"Yes po Tito" tiningnan niya naman ako ng masama.

"Anong Tito? Siguro may iba kang asawa kaya Tito lang ang tawag mo sa 'kin" tumawa si Alliah sa sinabi ng papa niya.

"I love your daughter po, wala na akong papakasalanan pang iba kundi siya" narinig ko ang pang-aasar ng mga kaibigan namin. Nilingon ko ito at agad silang nagpanggap na hindi nakikinig sa usapan namin.

"Ayusin mo lang. Just call me daddy"

"Yes Dad"

"Daddy nga" tumango naman ako at inulit ang sinabi niya.

"Ingatan mo ang anak namin Yuhan" sabi naman ng mama niya.

"Yes po ma"

Naglakad kami papunta sa harapan ng magkakasal sa 'ming dalawa. I hold her hand tightly pero hindi 'yon masakit. Napatingin siya sa kamay namin bago ngumiti sa 'kin.

"Bakit ka namumutla?" She asked me pero ngiti lang ang naging sagot ko. Napapikit pa ako dahil sa naramdaman ko ngayon. Hays... Bakit ngayon pa!?

Tiniis ko ang sakit. Napapapikit lang ako habang nagsasalita ang tao sa harap namin. Sa tuwing mapapatingin sa 'kin si Alliah ay ngingiti ako na parang walang nangyari.

"Yuhan ayos ka lang?" Tumango lang ako sa kaniya. "Kanina ko pa napansin ang panlalamig mo. Gusto mo magpahinga ka muna?" Agad na nanglaki ang mata ko. Hindi pwede! Ayaw kong mapostponed ang kasal namin dahil lang sa sakit. Kaya ko naman itong tiisin e. Umiling ako.

Nakinig ulit kami sa mga sinasabi ng nagkakasal sa 'min ngayon. Unti-unting nawala ang sakit kaya nakahinga ako ng malalim pero ilang minuto lang ang lumipas ay bumalik ito at mas masakit pa. Hindi ko na kayang pigilan ito baka sumabog ako.

Hinilot ko ang kamay ni Alliah kaya napatingin ito sa 'kin na may pagtataka. Ngumiwi ako.

"May problema ba?"

"P-pwede b-bang aalis muna ako?" Nangunot ang noo niya "Pero babalik ako agad"

"Saan ka ba pupunta? Hindi ba pwede mamaya na yan?" May lungkot na sa boses niya kaya bilang ayaw kong masira ang kaligayahan niya ay tiniis ko na lang muna. Lingon ng lingon din ako sa Kapatid kong pinagtatawanan lang ako habang may ibinubulong sa mga kaibigan niya.

"I'm sorry" napanganga sila dahil sa pagtakbo ko papasok sa loob ng bahay. Napaawang pa ang bibig ni Alliah nong bitawan ko ang kamay niya.

~•~•~•~

Alliah's pov

Hindi ko alam kung ano ang nangyari kay Yuhan. Nakatulala lang akong nakasunod ng tingin sa kaniya hanggang sa nawala siya. Pati ba naman sa mahalagang araw na 'to ay aalis siya?

Aalis na rin sana ako nang matigilan ako sa sinabi ni Ylona.

"H'wag po kayong mag-alala Tito magbabawas lang si Kuya" Tapos tumawa siya pati ang mga kaibigan ko at magulang niya. "May LMB kasi siya kagabi akala ko nga nawala na 'yon pero nakakatawa lang na dito pa talaga siya nagkalat" siya ang may mas malakas na tawa sa aming lahat.

Ilang minuto pa ang lumipas.

"Oh nandiyan na!" Sigaw ni Kuya Red. Napatingin naman ako sa pinagpapawisang si Yuhan na naglakad ngayon sa gawi namin dito sa garden nila.

"Bakit ganyan kayo makatingin?" Takang tanong nito. Parang Ewan kasi kaming nakatingin sa kaniya.

"Dude nag-sanitize ka ba sa kamay bago pumunta rito?" Gusto ko ng hampasin si Miguel dahil sa tanong niya. Napayuko na lang si Yuhan bago lumapit sa 'kin. Napatingin lang ako sa kaniya no'ng hindi niya inalok na hawakan ko ang kamay niya.

"Mamaya na baka may natira pa" mahina akong napatawa at ako mismo ang humawak sa kamay niya.

Yuhan's pov

Nakakahiya talaga. Gusto ko ng magpalamon sa lupa ngayon din. Lalo na ngayon hawak-hawak pa ni Alliah ang kamay ko. Hindi ako mapakali baka mabaho pa 'yon. Letse kasing tiyan na 'to e hindi matigi-tigil nakakahiya tuloy sa mga bisita dahil panigurado sinabi na ni Ylona dahil siya lang naman ang nakakaalam.

Hanggang sa matapos ang tanong sa 'min ng nagkasal sa 'min.

"Congratulations Mr. and Mrs. Mendez"

"H'wag mong hawakan ang mukha ni baby ate baka may tae pa 'yang kamay mo dude" sinamaan ko ng tingin si Xyrus. Nagtawanan naman ang mga bisita namin.

Unti-unti kong inilalapit ang mukha ko sa mukha niya. Hinalikan ko siya na may pagmamahal. Nagtilian naman ang mga nakasaksi sa pagmamahalan naming dalawa.

Ngayon ko talaga masasabi ng buong buo...

Pagmamay-ari ko na ang babaeng ito.

The lost RecipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon