Chapter 11

99 8 0
                                    

"Happy birthday, Xy" bati ko sa kaniya no'ng makarating ako sa bahay nila.

"Thank you, Alli. 'Di ka na lang nag-abala sana. Ayos lang namin sa'kin na wala kayong gift ang mahalaga kompleto tayong magkakaibigan" sabi niya matapos makita ang dala-dala kong paper bag.

"Ngayon ka pa nahiya sa'kin. Saka kay mama galing ang perang pinamili ko diyan" natawa pa ako. "Hindi na bale, kapag nagkaroon ako ng trabaho, sarili kong pera ang ipang-gagasto ko" natawa na lang siya na may kasama pang pag-iling. Sabay kaming pumasok sa bahay nila dahil medyo mahiyain ako. Naks! Lakas ng loob magsabi na mahiyain.

Ngayon ang ika-labing anim na kaarawan niya. Nakauniform na rin ako kasi may pasok kami ng 1 pm. Mabuti nga at half day ang klase namin ngayon.

"Aba't ang kakapal naman talaga ng mga mukha" mahina kong sabi. Narinig kong tumawa itong kasama ko at hinila ako papunta sa gawi ng mga kaibigan kong masayang kumakain sa iisang mesa.

"Kain ka na, Alli." Yaya pa ni Zai sa'kin

"Hindi ka na namin hinintay. Gutom na kasi kami" dugtong pa ni Uni.

"Hoy, mahiya naman kayo kila tita. Diyan pa talaga kayo umupo sa kainan ng mga bisita" saway ko sa kanila. Nakapatong pa ang mga paa sa upuan.

"Ayos lang yan, Alli. Kumain ka na rin. Wala na naman kayong ibang kasama" sabi ni tita na kararating lang at may dala pang-sanghai na agad nilantakan ng mga kasama ko.

"Salamat tita saka pasyensya na" tumango siya at nagsabing ayos lang.

"Kain ka na, Alli o hintayin mo pa si captain?" Napatingin ako kay Xy, no'ng sabihin yon.

"Pupunta sila ngayon?" Tanong ko. Nahiya pa siyang tumango sa'kin.

"I invited Owen"

"Kayo na?" Mahina kong tanong na nagpamula sa kaniya. Tumango siya.

"Ipakilala mo kay tita ngayon?"

"I'm not sure pero gusto ko munang isekreto sa mga magulang ko. Kasi sabi nila bawal pa" napatango ako at ngumiti sa kaniya.

"Congratulations. Double celebration pala 'to" hinampas naman niya ako sa braso.

"Xy, ang iba mong kaibigan nasa labas na. Sunduin mo na lang, ayaw pumasok e" sabi ng lola niya.

"Sige labas ka muna. Makiupo lang ako sa mga kaibigan natin"

Nagpunta ako sa mesa kung saan naroon ang mga kaibigan ko na hanggang ngayon ay di parin tapos sa pagkain.

"Na saan si Xylem?" Tanong ni Yhel pagka-upo ko.

"Nasa labas, sinundo ang mga lucky five" natigilan naman si Uni sa pagkain at tiningnan ako ng masama.

"Seryoso?" Tumango ako na may pagtataka sa kinikilos niya. Hindi na siya muli nagtanong pa at tumayo na papunta sa kusina.

"Salamat po sa pag-iimbita, Mrs. Veloso" napalingon kami sa pintuan nila. Doon ko nakita ang walong lalaki na nakasuot din ng uniform.

"Naku hijo, tita na lang ang itawag mo sa'kin total kaibigan mo naman itong si Xylem" palihim kaming napatawa ng mga kaibigan ko. Narinig siguro 'yon nila kaya napalingon sila sa gawi namin, napaiwas kami ng tingin no'ng sinamaan kami ng tingin ni Xylem. Mukhang di lang ak ang nakakaalam sa itinatago nilang dalawa.
"O siya, maupo na kayo at kumain na, dahil halatang may pasok pa kayo" nagpunta sila sa kinaroroonan namin. Actually, mahaba naman talaga itong lamesa masyado lang talagang napapasikip lang dahil sa mga bag namin.

"Hi" agad na bati ni Yuhan sa'kin. Hindi ko naman inakala na uupo siya sa tabi ko dahil hindi ko ginalaw ang bag na nando'n.

"Kain ka na" 'yon na lang ang nasabi ko sa kaniya dahil sa hiya. Nakatingin kasi ang mga kasamahan niya sa'ming dalawa.

"Ikaw na tapos na?" Tanong niya habang yakap pa rin ang bag ko. Gusto ko tuloy maging bag para lagi niya akong niyayakap.

"Hindi pa. Kararating ko lang din" sagot ko. Tumango siya at pinagsandukan ako. Double ang hiya ko no'ng inasar kami ni tita.

"Ganyan na ganyan sila mama at papa noon. Kaya 'di malabong kayo ang magkakatuluyan"

"Tita naman, h'wag mong asarin baka maudlot" sabi ni Unika.

"Kumain ka na lang diyan, Uni. Kaya ka 'di nagkakajowa e" pang-aasar ni Ylona sa kaniya.

"Grabe kayo sa'kin ha! Bakit sa'kin napunta ang usapan e kay Alliah ang ipinag-usapan" sabi pa niya kaya natawa ako.

"Itong si Zy, walang girlfriend baka type mo" sabi no'ng isang kasama ni Owen. Kilala ko na si Owen siya 'yung payat na matangkad kaya bagay sila ni Xy.

"Ayaw ko sa maiingay" masungit na sagot no'ng lalaki na may hikaw gaya kay Yuhan.

"Tss. As if naman gusto ko sa mga lalaking masusungit" sagot ng kaibigan ko.

"E ikaw Zainang kailan ka magboyfriend?" Tanong ni tita. Nakisali na rin pala siya sa'min.

"Wala pa po akong balak 'ta. Tama ng ang lesson ang maging dahilan ng pagsakit ng ulo ko" natatawa niyang sabi.

"Tama ka. Kaya sinasabi ko nga dito kay Venez na h'wag munang magboyfriend hangga't wala pang 18" nasamid pa si Xylem sa sinabi ng ina. Natawa nama ako sa pamumula ni Owen.

"Bagay na bagay talaga" bulong ko.

Natapos ang kainan namin at nagpagdesisyonan ng umalis kami at bumalik sa BAU.

Balak pa sana nila kaming pasakayin pero tinanggihan namin ito. Ayaw rin namin ng issue lalo na kilala sila sa loob ng campus. Mabuti na lang at umuwi si kuya Sean kaya pinilit naming ihatid kami nito. Nakabusangot ang mukha nito pero inasar lang namin kay Ylona dahil nakwento ni Xy noon na crush ni kuya si Ylona.

"Sana 'di na kayo tumangkad!" Masungit na saad ni kuya Sean bago pinaharorot ang montero niya palayo sa campus.

Pagkapasok namin ay agad bumungad ang dalawang lalaki sa harapan namin.

"Mauna na kami girls" paalam sa'min ni Xylem at umalis kasama si Owen.

"Mauna na rin kami sa inyo" sabi ni Yhel

"Nakakahiya kung kami pa ang maiwan" sabi pa ni Unika.

"Bye guys. Ingatan mo yang si Alliah, Yuhan ha" tumango naman itong kasama ko. Kami na lang naiwan rito sa may gate.

"Anong oras ang labasan niyo?" Tanong niya

"Alas kwatro pero kung may cooking kami ay baka alas sais na ng gabi" sagot ko sa kaniya. Ang tagal kasi kapag nagcooking kami e. No'ng JH namin ay isang oras lang o di naman ay kalahati lang pero ngayon malaki na ang kaibahan.

"Okay text mo na lang ako kung saan ka. Ihahatid kita sa inyo" sabi niya.

"Sige. Ingat Yuhan"

"Ingat din baby ko" nanlaki ang mata ko sa itinawag niya sa'kin. Paglingon ko sa kaniya ay wala na siya. Napangiti tuloy ako ng malaki.

"Ano ba Yuhan, binabaliw mo naman ako" sabi ko pa at naglakad na papasok sa building namin.

Hindi ko inasahan ang taong makikita ko sa labas ng classroom ko. Balak ko pa sanang bumalik sa dinaanan ko pero huli na dahil nakita na niya ako. 'Di ko na siya pinansin at nilagpasan na lamang ngumit bigla niya akong hinarang.

"Anong ginagawa mo rito?" Walang buhay kong tanong sa kaniya.

"Gusto ka makita ni daddy" mahina akong napatawa sa sinabi. Anong akala niya sa'kin tanga? "Please, Alli. Ako na ang nagmamakaawa sa'yo" inilayo ko ang kamay ko nang hawakan niya 'yon.

"Alam mo na ang sagot ko" seryoso kong saad "Pasok na ako" pumasok ako sa loob ng room at iniwan siya doon. Nakita ko pa ang pagsambunot sa buhok niya.

Nagbabadyang tumulo ang mga luha ko pero huminga lang ako ng malalim bago naglakad papunta sa upuan ko. Buti na lang at 'di ako napansin ng mga kaklase ko dahil may ginagawa sila.

The lost RecipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon