Chapter 32

65 3 0
                                        

Yuhan's pov

"Ang tanga mo Yuhan! Bakit gano'n ang ginawa mong dahilan! Tanga mo dude! Lalo siyang masasaktan sa kagagawan mo at dinamay mo pa ang kaibigan niya!" Sunod-sunod na sabi sa 'kin ni Owen. Kulang na lang suntukin niya ako pero alam kong pinipigilan niya lang ang sarili.

"Ginawa lang namin 'yon para hindi na madagdagan ang iniisip niya. Ayaw ko siyang mahirapan pa"

"Dakila ka talaga tanga! Lalo mo lang siyang pinapahirapan Yuhan. Imbes na ikaw ang magsilbing sandalan niya ngayon ikaw pa itong lumayo sa kaniya—"

"Nahihirapan din ako, Owen. Ayaw ko ng makadagdag ang mga iniisip niya. Mahal ko siya— mahal na mahal pero hindi sapat ang magmamahal ko kung makikita ko siyang pinapahirapan mismo ng ama niya. Ito lang ang naisip kong paraan para matulungan siyang matupad ang pangarap niya. Nasaktan rin naman ako, nasasaktan akong makikitang nakangiti siya sa araw-araw pero malungkot ang mata niya. Itinatago niya ang tunay na nararamdaman para ipakita sa iba na masaya siya. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang hindi na pakawalan pa pero kahit mahirap ay kinaya ko para sa kaniya" nakakabakla man, pero humagulgol na ako ng iyak sa harap nina Zy at Owen. Wala akong pakialam kung pagtatawanan lang nila ako. Sobrang sakit e. Masakit pakawalan siya. Kahit hindi ko gusto pero 'yon ang nararapat.

~•~•~•~

"Hanggang kailan ka magtitiis sa ganitong sitwasyon Angelou! Tinulungan kita kahit nasaktan ang kaibigan ko pero ang makita kang paunti-unting pinapatay ang sarili sa pag-inom ng alak ay hindi okay!" Paulit- ulit akong sinisigawan ni Ylona para matauhan ako. Hinampas niya pa ako at sinampal ng paulit-ulit pero hindi ako nakaramdam ng kahit anong sakit.

"Gumising ka! Sinugal ko ang pagkakaibigan namin para lang tulungan kayong dalawa. H'wag mo namang 'yong sayangin. Bumangon ka! Mag-aral ka ng mabuti para kung malaman niya ang lahat sa hinaharap ay hindi ka niya kabuhian pa lalo. Ibalik mo ang Captain na kilala namin" nakatulala lang ako sa kawalan habang hawak pa rin ang isang bote ng alak. Nawalan ako ng ganang mag-aral pa. Pero paulit-ulit akong sinasabihan ng mga kaibigan namin kaya nagkaroon ako ng tamang desisyon.

"Ayusin mo ang sarili mo. Hindi siya matutuwa na pinabayaan mo ang sarili" sabi ng isa sa mga kaibigan niya. Kung hindi ako nagkakamali ay si Maiden ito. Tinalikuran niya ako at bumalik sa gawi ng kaibigan niya. Napangiti ako no'ng makita ko kung paano niya lantakan ang chocolate cake na dala ni Maiden na galing rin naman sa 'kin.

"Magiging ayos din ang lahat" Zy patted my shoulder bago umalis. Bumawi ako sa lahat ng academics kong bumaba. Nag focus ako sa pag-aaral about business. Naalala ko kasi ang narinig ko sa kaibigan niya na gusto niyang magtayo ng sariling restaurant kaya tamang tama para sa course na kukunin ko.

Kahit papaano ang naging kuntento ako kahit sa malayo ko lang siyang nakikita. I witnessed how she grow, paano niya pinagsikapan ang pag-aaral sa kabilang ng laban niya sa ama. Gusto kong sabihin, gustong- gusto ko isigaw sa buong mundo kung gaano ako ka proud sa kaniya.

"Congrats, baby"

Bulong ko habang nakatingin sa kaniya kasama ang mga kaibigan na kumukuha ng mg litrato. "Lapitan mo na at batiin mo. Pagkakataon mo na 'to" napangiti ako habang sinasabi 'yon ni Ylona. Graduate na kami ng college ngayon.

"H'wag na, baka magalit lang siya. Masira ko pa ang araw niya" nakita kong napatingin siya sa 'kin. Umiling pa ito sa sinasabi ng mga kaibigan niya bago sila umalis sa gym.

"Hindi ka ba sasama sa kanila?" Tanong ko kay Ylona habang nakatingin sa kaibigan niyang papaalis na. "Hindi na, kahit na-miss ko na silang kasama pero nahihiya pa rin ako kay Alliah"

"Hindi mo naman kasalanan. Sorry nasira ko pa ang pagkakaibigan ninyo"

"Okay lang. Napatawad na niya ako. Masaya siya para sa 'tin. Gusto ko na ngang tumawa at sabihin sa kaniya ang totoo e"

"Salamat sis"

"Wala 'yon. Malakas ka sa 'kin e" hinampas niya pa ako sa braso ko. Ylona is my half- sister. Anak siya ng bagong asawa ni dad. Okay lang din naman sa 'kin kasi matagal na rin namang patay si mommy. I want my dad to be happy kaya pumayag akong magpakasal siya ulit. Lately ko na rin nalaman na anak ni tita si Ylona.

~•~•~•~

Inis na inis ako sa traffic dahil malalate na ako sa meeting kasama ang mga business partner ni dad. Ilang ulit akong nagbusina sa mga kotseng nasa unahan ko. Isang oras na akong na-stock sa kalsadang ito kaya no'ng may nakita akong pwede lusutan ay lumusot ako.

May nakita akong babae na muntik ko ng masagasan pero mukhang hindi niya napansin. Nakita kong hinilot niya ang paa at umupo sa gilid. Nilapitan ko ito at gano'n na lang ang gulat ko.

"Bakit nandito siya?"

Binuksan ko ang bintana.

"Get in" nagulat pa siya sa pagbusina ko pero naglakad ulit siya na parang hindi narinig ang sinabi ko. Napahawak ako ng mahigpit sa manobela.

"Get in!"

Nagmadali naman siyang pumasok sa back seat. Sinamaan niya ang tingin. Akala siguro niya ay magpapatinag ako sa kaniya. Gusto kong itanong kung anong nangyari sa paa niya pero mukhang alam ko na.

Pinapababayaan niya ang sarili niya kaya naiinis ako. Nakita ko kung gaano ang ibinawas ng timbang niya. Kaya napagdesisyonan kong kakain muna kami kahit todo reklamo pa siya.

Hanggang sa pag-uwi ko sa bahay ay iniisip ko kung okay lang kaya siya.

"What's wrong?" Napatingin ako kay tita. Nilagpasan ko siya at umupo sa sofa.

"We accidentally met"

"Oww, exciting! Anong kasunod?"

"Kumain lang kami then tapos na"

"Dapat yayain mo ulit lumabas. Alam mo ba na ang batang 'yan ang likas ng mabait. Tingnan mo ngayon ang kapatid mo" turo niya sa anak niyang kaharap ang ipad habang tumawa. Hindi ko narinig ang usapan nila kasi naka earphone ito. "Kahit nakagawa 'yan ng kasalanan kay Alliah pero pinatawad niya agad. Ikaw pa kaya na minahal niya? 'Wag mong sukuan ang isang bagay na mahalaga sa 'yo kahit ilang beses ka niyang ipagtulakan palayo"

"Thanks, ta"

Tumango lang siya at nagtungo sa kusina.

The lost RecipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon