Chapter 10

102 10 0
                                    

"Uminom ka muna" medyo nagulat pa ako no'ng may lumitaw na C2 sa harapan ko. Tinanggap ko naman 'yon kanina pa kasi ako na uhaw na uhaw. Hindi ko rin naman maiwan itong mga gamit ko baka mawala pagbalik ko, saka malayo-layo kasi ang cafeteria sa main library na kinaroroonan ko ngayon. "Magpahinga ka muna, ako ang tatapos sa assignment mo" napahinto ako sa pagtatype sa cellphone ko no'ng marinig 'yon. "Wala ka bang laptop o pc?" He asked. Umiling ako at sandaling itinigil ang ginagawa.

"Wala, 'di naman kami mayaman para bumili ng mga gano'n" mahinang sagot ko sa kaniya. Kahit naman nakapwesto ako sa pinakasulok ng library ay maririnig parin kami ng iba dahil sa sobrang tahimik.

"May laptop ako doon sa locker, ipapahiram ko muna sa'yo" umiling ako

"H'wag na. Sanay na naman ako na ang gamit lang ay itong cellphone ko. Salamat na lang" alam kong mabait itong si Yuhan pero kahit crush ko 'to at umamin siyang gusto niya ako ay hindi ko dapat samantalahin ang ipinapakita niya.

"Okay basta kapag kailangan mo 'yon puntahan mo lang ako sa ABM 1 kung hindi text mo na lang ako" pahayag niya. Tumango ako at sumandal sa may pader. Hinilot ko pa ang sentonado ko dahil sumakit ito. "Ano ba yang assignmemt niyo?" Tanong niya ulit.

"Statistics" maikling kong sagot. Grabe naman 'to si ma'am magbigay ng assignment e. Kaya nga ayaw ko sa ABM dahil sabi nila marami daw'ng math pero di ko naman alam na pati pala sa cookery ay mayroon din. Nakatingin lang ako kay Yuhan habang nireview niya ang mga naging sagot ko at may isinulat rin siya baka ang number 5 na hindi ko pa nasagutan.

"Ang galing mo pala sa math. Muntik ko ng di maintindihan ang solution mo pero no'ng binasa ko ulit. Gumamit ka pala ng shortest method" nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa papel ko. In love yata 'to sa papel ko e.

"Kaya nga ako 'di nag ABM e kasi balita ko marami daw math doon"

"ABM students doesn't need to be good in math." Tiningnan pa niya ako sa mata kaya ako ang umiwas. Nakakailang, para akong naiihi na ewan. "You just need to analyze the every topic. Then, I am sure you will pass"

"Paano ka nakasurvive sa ABM stand?" I asked him. Dalawang buwan na ang nakalipas simula no'ng first day of school namin at hindi biro ang strand na kinuha niya. Even though sinabi niya na hindi kailangan na magaling ka sa math sa strand na 'yon pero kahit na diba? May kaunting math pa rin.

"I manage my time for my studies, nag-aaral ako sa gabi before I going to sleep, mga 1 oras at kalahati. After that nanunuod ako ng mga soccer games then, sleep" napatango naman ako. Samantalang ako pagkadating ko sa bahay ay kakain saka tulog ang gagawin ko.

"Binigyan ko rin ang sarili ko ng freedom sa mga gusto kong gawin" dagdag niya.

"Like?" Syempre gusto ko malaman kung ano ang mga hilig niyang gawin.

"Dito sa tabi mo" sabi niya at nakangiti sa'kin. "I love being here with you"

"Bolero ka, Mendez" mahina akong tumawa pero itong kasama ko ay nakangiti lang sa'kin.

"Hindi ako nagbibiro, Missy. Kung pwede nga lang sa inyo na ako tumira kaso baka masapak ako kapag nalaman ni Red"

"Magkakilala kayo ni kuya?" Tanong ko. Ang alam ko kasi ay si Kuya Sean lang ang naging classmate at close friend niya.

"Yup! Pero sadly nabago at naglaho lahat na parang bula" ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Anong nakaraan ang meron sa kanilang dalawa? At bakit nasira sila?

Tumango na lang ako, ayaw ko namang uusisain pa ang mga bagay na para lang sa kanila. Kung mag kwento siya edi mabuti, ayaw kong magtanong ng mga bagay na 'di na sakop sa'kin. Kapatid ko lang si Kuya Red at may mga bagay na 'di ko na kailangan usisain pa.

Niyaya ko na si Yuhan na lumabas na kami magtatanghalian na rin naman kaya isabay ko na lang siya. Sinamahan niya ako sa library 'di ko nga natanong kung may klase ba siya o wala.

"Yuhan, may klase ba kayo kanina?" Tanong ko no'ng makalabas na kami.

"Wala naman, kaya nagtanong ako sa mga kaibigan mo kung na saan ka, ang sabi nila nasa library ka daw. Kaya dumiritso na ako papunta ng main" mahaba niyang pahayag.

Mabuti naman, porque gusto niya ako ay liliban na siya sa klase niya. Ayaw ko sa mga gano'ng klaseng pag-iisip. Kung gusto ako ng tao gusto kong unahin niya ang pag-aaral kaysa sa'kin.

"Sa'min ka na lang sumabay sa pagkain" nahihiya kong sabi, napayuko pa ako at pinigilan ang sarili kong bawiin ang sinabi.

"Talaga?" Tumango ako. Narinig ko pa siyang nag yes. Hinila ko ang laylayan ng long sleeve niya para tumigil siya. Nakakahiya kasi sa mga studyanteng nang-uusisa.

"Tigil na, Yuhan nakakahiya sa kanila" inangkla ko pa ang braso ko sa kaniya. Tumawa naman siya at kinuha ang librong dala ko.

"Sorry hindi ko napansin na may libro ka pa lang dala"

"Ayos lang, no'ng elementary pa nga ako ay siyam na libro ang lagi kong dala, hindi naman ako nagreklamo"

"Kaya pala 'di ka tumangkad kasi maliit ka pa buhat mo na ang mabibigat"

"Hindi naman doon nakabatay ang katangkaran ah" imbes na mainis ako ay natuwa pa ako sa pang-aasar niya. "Nasa genes yon ng tao. Si mama kasi ay di katangkaran" sabi ko.

"Alam ko" nakangiti niyang sabi.

"Alam mo ang ano?"

"Na si tita ay 'di katangkaran. Nakilala ko na siya no'ng Junior high pa ako" nagulat pa ako pero no'ng maalala ko ang sinabi niya na kilala niya si Kuya Red ay baka magkakaibigan sila dati.

"Tanungin ko si mama, mamaya baka scam yan"

"Anong akala mo sa'kin scammer?" Natatawa niyang tanong.

"Hindi pa natin alam? Baka" pinitik naman niya ang noo ko.

"Kailan man ay di ako mang-scam sa'yo"

"Patunayan mo" hamon ko sa kaniya.

"Tapat ako sa nararamdaman ko sa'yo, Sy. Unang kita ko pa lang sayo ay alam kong ikaw na. Bigyan mo lang ako ng pag-asa"

"Tara doon tayo sa mesang inuupuan namin lagi" pang-iiwas ko sa usapan namin. Ramdam ko naman na seryoso siya sa pinagsasabi niya pero ayaw ko munang mag-aasume kung wala pa akong mapanghahawakan.

Pinaghila niya pa ako ng upuan. Siya na rin ang kumuha sa bag ko sa likuran. Wala sana akong balak tanggalin 'yon pero sabi niya mahirapan ako sa pagkain. Nang tumunog ang phone ko ay sinagot ko ang tawag mula kay Xy.

"Hello na saan na kayo?" Tumingin sa'kin si Yuhan.

"Mga kaibigan ko" I mouthed. Tumango naman siya.

"Sorry, Alli may emergency kami e. Natae si Yhel kaya sinamahan namin magbanyo"

"Tang*ina!" Sabi ni Yhel. Pati tuloy ako natawa.

"Punta na kayo rito. H'wag feeling VIP, ang kakapal talaga ng mukha niyo" sabi ko sa kanila. Nagtawanan lang sila sa sinabi ko.

"Ikaw na bahala sa, Yuhan mo. Ayieee captain" nailayo ko naman ang cellphone ko sa tainga. Ang tinis ng boses. Lang'ya ka Uni!

Napalingon ako, may narinig akong tilian kung saan. At doon ko nakita ang mga kaibigan kong parang tanga na naghahampasan pa sa labas. Nag-approved sign si Uni, Ylona saka si Xy sa'kin habang ang dalawa tahimik lang na nakatingin kung saan.

"Babye na, para kayong tanga" sabi ko at binabaan ko sila ng tawag.

"I'm sorry about that" nahihiya kong sabi sa kasama ko.

"It's okay. You have a great friend ha" tumango ako.

"Oo naman. Pakilala kita sa susunod. May gagawin daw sila ngayon kaya di sila makasabay sa'tin"

Puno ng asaran ang tanghalian naming dalawa. Pakiramdam ko ang dali ng oras kapag kasama ko siya. Nakilala ko ang side niya, siya 'yung tipong lalaki na maalalahanin, gentleman saka palangiti.

Kung sakali mang mahulog ako ng tuluyan sa kaniya, isusugal ko ang puso ko.

"I started love this man named Yuhan Angelou Mendez" bulong ko.

The lost RecipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon