It supposed to be my happiest night kasi hinatid ako ni Yuhan at niyaya rin akong kumain sa labas pero no'ng nadatnan ko si mama na umiiyak habang may mga basag ang buong paligid. Naglaho lahat ng saya ko sa katawan.
Tumakbo ako papunta sa gawi niya at mabilis siyang dinaluhan. Yakap lang ang tanging makapagpapatahan sa kaniya kaya ginawa ko ang bagay na 'yon. I love my mom so much. Hindi ko gustong makita siyang umiyak.
"Kinuha nila si Alley. Kinuha nila sa'tin ang kapatid mo" alam ko na ito ang susunod na mangyari kapag 'di ako papayag na makipagkita sa kaniya.
"Kasalanan ko ma, kasalanan ko kasi 'di ako pumayag na makipagkita ako sa kaniya" sabi ko. Mas lalo lang niyang pinaramdam sa'kin na iba ako. "Tahan na ma, babawiin ko si Alley mula sa kanila"
"H'wag mo ng ituloy ang binabalak mo, Alliah. Mapapahamak ka lang kung lalapit ka sa kanila!"
"I'm sorry ma, pero hindi ako makapapayag na ganito na lang tayo lagi. Kahit ama ko pa siya, lalabanan ko siya" tingnan ako ni mama baka sakaling babawiin ko pa ang sinabi ko pero wala siyang narinig sa'kin. Matagal ko na 'tong gustong gawin pero 'di ko ginawa dahil nirerespeto ko siya pero ngayon ay sagad na sagad na ako.
"Matulog ka muna ma. Ako ng bahala sa mga kalat dito"
"Anak—"
"Hindi na magbabago ang desisyon ko ma" sabi ko. Huminga siya ng malalim bago ako iniwan. Iniligpit ko ang mga nagkalat sa sala namin pati ang mga picture frame ay itinago ko.
Sa kalagitnaan ng pagliligpit ko ay tumunog ang cp ko kaya umupo muna ako at sinagot ang tawag na nanggagaling kay Yuhan.
"Akala ko natulog ka na" sabi niya sa kabilang linya. "May problema?" He asked again. No'ng 'di ako sumagot.
"Wala. Wala naman" pinigilan ko ang sarili na h'wag maiyak. "Kita na lang tayo bukas Yuhan. May gagawin pa akong powerpoint" hindi ko na hinintay ang sagot niya at pinatay ko na ang tawag.
Hinanap ko agad ang numero niya at nag send ako ng mensahe na kailangan naming magkita ngayon.
Pumasok ako sa kwarto ko at nagbihis. Nagsuot ako ng hoddie 'saka lumabas sa bahay. Dinala ko na rin ang bike ni kuya Red na matagal ng 'di nagamit. Binilisan ko ang pagpedal para makauwi ako agad at 'di magtaka si mama kung sakaling hanapin niya ako sa bahay.
Nakarating ako sa park na sinasabi niya. Nakasuot rin siya ng hoddie gaya ko. Kaagad siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa swing nang makita ako.
"Anong kagaguhan na naman ito? Kailan niyo ba kami titigilan ha!?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasapak ko na siya. Hindi siya nagsalita at nanatiling nakatingin sa'kin kaya mas lalo akong nainis. "Anong karapatan niyong gawin ito sa'min ha. At dinamay niyo pa si mama at si Alley!"
"I'm sorry—"
"Sorry? Tang*nang sorry 'yan Xyrus! Kailan ba yan mauubos! Sorry ang laging naririnig ko mula sa'yo kapag may ginawa ang ama mo sa pamilya ko!"
"Ama mo rin siya" napatawa ako sa sinabi. How dare him.
"Kailan man ay wala akong ama, Xyrus. Kayo lang ng kapatid mo ang may ama! At kami ni Alley at ni kuya? Si mama lang ang papa namin" nakita ko sa mata niya na nasaktan siya pero bakit? Bakit siya masasaktan kung 'yon ang totoo. "Sinabi ko na sa'yo noon pa na layuan mo na ako pero dahil gaya ka rin niya ay hindi mo ginawa"
"Gusto ko lang naman maging kapatid mo" mahina niyang sabi pero narinig ko 'yon. Tumulo ang luha ko sa narinig.
"Pero ayaw ko" natigilan siya at tumingin sa'kin. "Ayaw ko kasi sa tuwing nakikita kita, nasasaktan ako. Nasaktan ako kasi ikaw ang bunga ng kataksilan niya kay mama. Ikaw ang bunga sa kasalanang nagawa niya at ikaw ang bunga na dapat kinamumuhian niya pero ikaw ang bunga na lubos niyang minahal" halos 'di ko na siya makita dahil sa mga luha na nagsituluan galing sa mga mata ko.
Nanatili siya sa kinatatayuan niya na lumuluha rin. Hindi dapat siya madamay sa lahat pero 'di ko mapigilan ang sarili ko.
"Mahal ka rin naman niya. Sa tuwing kakain kami ng sabay ay ikaw— kayo ang lagi niyang itinatanong" napatawa ako.
"Huwag mo kong paglaruan, Xyrus. H'wag mo kong papaniwalain sa mga bagay na malabong mangyari. Kahit kailan ay 'di na ako makikinig sa inyo" pinahiran ko ang mga luha ko. "Bukas ng hapon dalhin mo si Alley sa exit ng BAU. Doon ko siya hintayin at iuuwi sa bahay namin." Tumalikod na ako matapos sabihin 'yon.
Bumalik ako sa bahay namin at di nga ako nagkakamali dahil nandoon si mama sa sala. Nakabukas ang tv pero nakatingin siya sa pintuan.
"Saan ka galing, Alliah?"
"Sa labas ma, bumili ako ng makakain natin habang papanoorin natin ang drama na inabangan mo gabi-gabi" nakita ko na sumilay ang ngiti siya sa kaniyang labi. Tumango siya at tiningnan ulit ang screen ng tv kung saan nagsimula na ang drama.
Hanggang matapos ang drama ay wala akong naintindihan. Nakatingin lang kasi ako kay mama, napapangiti ako kapag tumatawa at nakikidrama siya sa mga artistang iniidolo niya. Hindi ko na rin binuksan pa ang topic about sa kapatid ko baka di ito makatulog sa buong gabi kakaisip.
Kinabukasan ay maaga akong bumangon. Ako na rin ang nagluto ng kakainin namin ni mama ngayon umaga. Natapos na ako lahat-lahat pero 'di ko nakita si mama na lumabas sa kaniyang silid. Kaba ang bumalot sa aking katawan, parang kabayo kong tinakbo ang kwarto niya. Nakahinga ako ng malalim no'ng makita kong mahimbing pa siyang natutulog. Hinalikan ko siya sa noo bago lumabas ulit. Pagod si mama sa mga gawaing bahay kaya 'di ko na lang muna ginising. Nagdala na lang ako ng niluto sa campus. Yayain ko na lang ang mga kaibigan ko.
"Alli" napalingon ako sa tumawag sa'kin. Bakas sa mukha niya ang saya no'ng makita ako. Bumalik tuloy ang sigla sa katawan ko. "Sorry 'di na kita nasundo" sabi niya no'ng nakalapit na siya sa'kin.
"May locker naman kayo ah. Bakit dala mo itong tatlong libro?" Kinuha niya pa 'yon, hinayaan ko lang siya sa gusto niyang gawin. "Payat ka na nga nagdadala ka pa ng ganito"
"Nag review kasi ako dahil may quiz kami sa Reading and wriiting mamaya" sagot ko sa kaniya at nagpatuloy sa paglakad. Sumabay naman siya sa'kin.
"Kung 'di maiiwasan at kailangan mo talagang mag-uwi ng makapal na libro edi sumabay ka na lang sa'kin lagi" napangiti naman ako. Para-paraan din ang isang 'to.
"Alam kong mayaman ka, Mr. Mendez pero kaya ko na po ang sarili ko"
"H'wag mo nga akong tawaging ganyan. Para akong si daddy e" reklamo niya pa. Natawa ako
"May practice pala kayo" nakita ko kasi ang mga kasamahan niya na nag-warm up sa field.
"Ako ang captain kaya pwede akong malate" inampas ko naman siya pero 'di naman 'yun masakit.
"E sira ulo pala ang captain ng lucky five e" natatawa kong sabi sa kaniya. "Tawag ka na ng coach niyo" sabi ko pa.
"Mamaya na, ihahatid pa kita sa room ninyo"
"Hoy! Wag na. Nasa taas pa ang classroom namin. Nakakahiya sa mga nag-aantay sa'yo"
"Baby, hatid na kita. Please" nag-puppy eyes pa siya sa harapan ko. Kaya napatango ako. Putik! Ang rupok mo, Alliah
Umakbay pa siya sa'kin at sabay kaming umakyat sa hagdanan. Halos mapunit na ang labi ko sa kakangiti. "Niluto ko yan sa'yo na" tiningnan naman niya ang laman ng tupperwear na kanina ko pa hawak-hawak. Inamoy pa niya at may papikit-pikit pang nalalaman. "Amoy pa lang masarap na, baby" nakangiti niyang sabi. Ako naman itong si marupok, kinikilig agad.
"Sige na. Nag-aalburuto na ang coach niyo" natawa naman siya at tumingin din sa field kung saan kitang-kita ang kasama niya.
"See you later" nanlaki ang mata ko sa sunod niyang ginawa. Napahawak ako sa noo ko.
"Hoy! Pasok ka na!" Nagulat naman ako sa biglang paghila ni Alex sa buhok ko.
"Panira ka! Bakla!" Sigaw ko at pumasok na sa loob. Nag emote 'yung tao e.
BINABASA MO ANG
The lost Recipe
Teen FictionUnbreakable Series 1 ~•~•~•~•~ Loving someone is fun, not until he/she accidentally broke your heart. Meet Alliah the girl who loves the captain of Lucky Five. Is she lucky to have him o she's not, because of loving hi...