"Mare, busy ka ba? Kung hindi punta ka sa may ilalim ng puno dito sa field. Nandito ako" napakunot ang noo ko matapos basahin ang message ni Uni sa'kin.
Tumayo ako at lumapit kay ate joy na ngayon ay naggugupit ng mga letters para sa birthday ng kaklase namin.
"Ate Joy, lalabas lang ako sandali, kung dumating si ma'am Sophie pakitext ako" tango lang ang naging sagot niya dahil nasa bibig niya ang papel na ginamit niya.
"Ito talaga si Alli, masyadong stalker" sabi ni Alex, pinsan ni ate Joy na bakla.
"Lang'ya ka! Ako pa talaga ha. Ikaw kaya itong kumuha ng litrato sa lalaking 'yon at ginamit mo pa ang cellphone ko" bulyaw ko sa kaniya. Tumawa lang ang gaga.
"Aminin mo na kasi, Alli. May gusto ka kay Xyrus" nandire naman ako sa sinabi nila.
"Ako" turo ko pa sa sarili ko " magkagusto sa lalaking 'yon? Hahaha never no!"
"Baka magbago ang ihip ng hangin, Alli" pati si ate Joy ay nakiasar na rin sa'kin.
"Tama ka insan, mabait naman si Xyrus ah saka mayaman at gwapo pa" ngumiti pa si Alex na parang kinikilig at lumapit kay ate Joy. Napairap ako.
"Kung alam niyo" napailing-iling pa ako bago tuluyang lumabas sa room namin.
Si Xyrus ay isang member ng Lucky Five, kaya di ako magtataka kung pati ang mga bakla ay nalilink sa kaniya. May hitsura siya, maputi kasi may dugong bughaw at bonus pa ang kayamanan. Kung alam lang nila baka mandire rin sila sa mga pinagsasabi nila.
Nakalabas na ako ng building, sobrang tahimik na ng mga hallway kasi pasado alas otso na ng umaga. Sa 'di kalayuan ay natanaw ko si Uni na mag-isa. Mukhang may malalim na iniisip kasi nakatanga ito sa malayo na pati nga ang paglapit ko ay di niya napansin. Umupo ako sa tabi niya.
"Mag-isa ka lang?" Tanong ko. Akala ko pipilosopohin niya ako, pero tumango lang siya at inalok ako ng stick-o. "Nakakatakot pala mag-isa ano?" 'Di ko alam kung tanong ba yon o pahayag lang niya. Tahimik lang akong kumain dahil alam kong kailangan niyang ilabas kung ano man ang hinanakit niya. "Pero mas nakakatakot palang magkunwaring may kasama ka sa laban kahit ang totoo ay wala naman talaga"
"You have us, Unika. Kahit kailan di namin ipinaramdam sa'yo na wala kang kasama"
"I know." huminga siyang malalim bago nagsalita ulit "Kung kayo ang usapan ay wala na akong maisumbat pa, pero ang pamilya ko, Alli, sobrang dami kong gusto sabihin sa kanila" pagkabanggit niya sa salitang pamilya dun na kusang nagtuluan ang luha niya. I hug her, sa pamamagitan nito maramdaman niya na di siya nag-iisa. Si Uni at ang pamilya niya ay wala sa tamang condition. Kaya kahit ano pa ang sabihin niya ay nandito kaming mga kaibigan niya para suportahan siya.
"Thank you, Alli"
"Welcome. Nandito lang kami para sayo. Kung kailangan mo ng bahay, bukas ang bahay namin para sayo" natawa naman siya.
"Sira! Di naman ako pinalayas"
"In case lang naman"
"Btw, may sinabi sa'kin si Zai" sabi niya na nagpalaki ng dalawang mata ko. Wag niyong sabihing- "Kaklase daw ni Ylona ang kapatid mo" hays! Buti na lang.
"Eh ano naman ngayon?" Sabi ko at kumuha ulit ng stick-o saka sabay yung sinubo sa bibig ko. Ayaw kong may masabi pa tungkol sa kanila. "Mare, he's trying his best to be a good brother. Pagbigyan mo kaya" umiling ako. At nagsubo ulit ng mga stick-o sa bibig. Ayaw ko talaga sa ganitong usapan e.
"Nasa iyo pa rin naman ang desisyon, ang sa'min lang bilang mga kaibigan mo, palayain mo na ang galit diyan sa puso mo" nanatili akong walang kibo at nagpanggap na di narinig ang sinabi niya pero alam ko sa sarili kong papatulo na ang luha ko. "Nasa huli ang pagsisisi, Alli" sabi pa niya.
"Masisisi ba nila ako kung ganito ang nararamdaman ko? Masisisi ba nila ako kung 'di ko kayang tanggapin na may ibang kapatid ako? Alam kong wala akong karapatang mag-reklamo dahil anak lang nila ako pero masama bang masaktan? Tao rin naman ako, Uni. Nasasaktan at napapagod" kung iisipin si kuya Red dapat ang magdamdam ng lubos kasi siya yung nakakita sa lahat habang ako ay anim taon pa lang nun at wala pang alam sa nangyari sa paligid.
"Kung ano ang gusto mo nakasuporta lang kami sa'yo" sabi ni Uni at niyakap ako. Kahit papaano ay nailabas ko ang ilan sa mga hinanakit ko na matagal ko nang tinatago. "Alas nyebe na, kailangan na nating bumalik sa room natin" sabi pa niya kaya tumayo na ako at pinagpagan ang palda ko.
"Kita na lang tayo rito mamaya."
"Sige mukhang mas presko ang hangin rito kaysa sa aircon ng cafeteria"
"Update ko na lang sila sa gc, para malaman nila" sabi ko at nag waved sa kaniya. Tinakbo ko ang distansya ng building namin at nagmadaling nagtungo sa elevator sakto namang bumukas yon.
"Kaya pala wala ka sa room niyo kasi nandito ka". Malamang! Napairap ako na may dalang kilig.
"May kailangan ka?" Tanong ko.
"Sana pero, sa susunod na lang. Nakalimutan ko na" napakamot pa siya sa batok niya. Kyut...
"Nakipagkita ang kaibigan ko kaya ayon, lumabas ako" mabuti na lang at kami lang dalawa dito sa hallway. Nanatili ako dito since nakasalubong ko siya sa elevator.
"Lalaki?" He ask. Pakiramdam ko tuloy nagseselos siya kaya napangiti ako. Mapagtripan nga
"Yup, may sasabihin daw e, pero di naman niya sinabi. Nahihiya yata" tiningnan ko ang naging reaksyon niya. Nilubo ko naman ang bibig ko para pigilan ang pagtawa. Nakita ko kasing kumunot ang noo niya.
"Ang hina naman niya kung ganoon" sabi niya at ipinasok ang kamay sa bulsa at sumandal sa pader.
"Porket di nagsabi, mahina na?"
"Sasabihin niya lang na gusto ka niya e, tapos di pa magawa" sabi niya. "Kung ako 'yon, aamin na ako baka maunahan pa ako ng iba"
Napangiti ako "Mas mabuti na rin sigurong di niya sasabihin baka masira ang pagkakaibigan namin" sinakyan ko siya sa mga sinasabi niya.
"So, naniniwala ka talaga na friendship is better than love?" Tanong niya sa'kin. Mukhang mahaba-haba pa 'tong pag-uusap namin kaya nakigaya na rin ako sa kaniya. Sumadal din ako sa pader pero medyo malayo ng ilang centimeters sa kaniya.
"Di naman, ang gusto ko lang sabihin baka magkasira kami dahil sa pag-amin niya kasi wala akong romantic feeling towards him" sabi ko. Mahirap kasi ang sitwasyong ganyan yung mawawala ang friendship niyo because of one sided love.
"Ibig bang sabihin wala kang feelings sa friends mo?" Tanong niya na parang bata.
"Wala kasi... Wala naman talaga akong bestfriend na lalaki" saka ako tumawa. Nanatili lang siyang nakatingin sa'kin.
"Niloloko mo lang ako"
"Bakit naman kita lulokuhin?"
"Wala. Mabuti na lang at wala akong kahati" sabi niya saka ako iniwan sa hallway na nakanganga.
"Totoo?" Tanong ko pa na para bang may sasagot sa tanong ko. "Gusto niya ba ako?"
Napatalon-talon pa ako bago umakyat dahil kanina pa nagtext si ate Joy na pumasok na si ma'am. Hindi na baleng late ako at least nakausap ko siya.
BINABASA MO ANG
The lost Recipe
Teen FictionUnbreakable Series 1 ~•~•~•~•~ Loving someone is fun, not until he/she accidentally broke your heart. Meet Alliah the girl who loves the captain of Lucky Five. Is she lucky to have him o she's not, because of loving hi...
