Chapter 24

75 4 0
                                    

H'wag kang magpapadala basta-basta sa imosyon mo, 'yan ang isa sa mga natutunan ko sa mga nangyari sa buhay ko. Dapat pala ang unahin ang pagtupad ng pangarap kaysa sa magmahal ng walang kasiguraduhan.

Dalawang klase kasi ang pagmamahal. Pagmamahal na nagtutuwid sa pagkakamali natin at pagmamahal na naglilihis sa'tin sa mabuting gawain. Bilang isang kabataan kailangan nating pumili ng mas nakakabuti, 'di lang sa'tin kundi pati na rin sa mga taong nasa paligid natin.

"Congratulations sa'ting lahat!"

Masiglang ani ni Unika sa'min. Nagyakapan kami at kumuha ng mga litrato. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na we did it.

"Parang kailan lang nag-iyakan tayo dahil sa mga maling tao tapos ngayon ay nakapagtapos na tayo"

Nagtawanan kami. Nandito kami ngayon sa bahay nila Yhel, dito namin naisip na mag-celebreate para sa aming pagtatapos sa kolehiyo. Mahirap man ang napagdaan ngunit nanatili kaming naninindigan.

"Maraming marupok pero si Alliah ang pangbato ko" Pang-aasar ni Unika at na sundan pa 'yon ng mga kaibigan ko.

"Si Mendez lang malakas"

"Lapitan mo na ang baby mo, Alliah" napairap ako sa mga kalokohan nila.

"Matagal na kaming wala guys, saka may girlfriend na 'yong tao. Ayaw kong makaapekto sa kanilang relasyon ang pang-aasar ninyo" napatingin ako sa gawi niya. Napangiti na lamang ako nang makita kong masaya silang dalawa ng girlfriend niya. Umiwas ako ng tingin no'ng mabaling ang tingin niya sa'kin. Nagpanggap akong nakikinig sa usapan ng mga kaibigan ko.

Lumipas ang araw, buwan at maging ang taon at ngayon ay kailangan ko ng magtrabaho. Naglalakad ako ngayon papunta sa isang restaurant para makapag-apply. Marami din ang nakapila kaya matiyaga akong naghihintay sa isang tabi. Habang naghihintay ay ilang ulit kong ichenick ang mga requirements ko at inihanda ang sarili para sa maging katanungan nila.

"Miss Morales"

Tumayo ako at naglakad papunta sa babaeng sekretarya na tumawag sa'kin. Inabutan niya pa ako ng mga flyers kung saan makikita doon ang history at background ng restaurant na inaaaplyan ko ngayon.

"Please come in"

Tumango ako sa kaniya. At pumasok roon sa itinuturo niya. Huminga muna ako ng malalim bago ako tuluyang pumasok sa loob. 

"I didn't know na gano'n kakapal ang mukha mo para mag-apply sa kompanya ko."

Nanatili lang ako nakatayo. Habang siya ay nakaupo at nakangising tumingin sa'kin.

"Balita ko, bagsak na daw ang kompanya ng ama mo. Kawawa ka naman, ikaw tuloy ang sumasalo sa lahat ng paghihirap ngayon" she said it in a sarcastic way.

"Maling kompanya yata ang napasukan ko. I'm sorry Mrs. Morales...I mean Mrs. Robert. I didn't know na may sariling kompanya na pala ang mga ahas ngayon. Wow! May improvement ah"

Tumayo siya at naglakad papalapit sa'kin, dala niya ang tasang ipinag-inuman niya ng kape. Pinagsingkitan niya ako ng mga mata kaya napa-smirk ako. How dare her, after niyang sinira ang pamilya ang namin. Tapos andito na naman siya.

"Magkakaroon ka talaga ng sariling kompanya kapag ginamit mo ang utak mo"

"Utak pala ang ginamit mo? Really?" Sarkastiko akong napatawa. "Kaya pala sa sobrang paggamit mo sa utak mo, nawala lahat sa'yo" natigilan siya sandali at pinanlisikan ako ng mata.

"Look, ikaw ba sana ang pinakaswerteng babae sa buong lugar natin. Taglay mo na ang pangalan na inaasam-asam ng karamihan. May mga anak kang nagmamahal sa'yo at may asawa kang handang iwan ang unang pamilya para makasama ka but sadly everything will change because of your selfishness... Look  at you now, you're trying to be a tower pero alam mo sa sarili na hindi mo kaya."

"Wala kang pakialam sa akin, your just nothing Alliah. You didn't know everything! Hindi mo alam ang pinagdaanan ko kasi wala kayo sa pwesto ko. Pagod na akong maging pangalawa lagi, pagod na akong maging choices lang! Pagod na ako maging sunud-sunuran" tumalikod siya sa'kin at tumingin sa labas. She wipes her tears. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Ibinaling na lang ang pansin ko sa mga painting na nasa loob ng opisina niya.

"Alam mo ng may pamilya siya pero pinatulan mo pa, ngayon sabihin mo sa'kin kung bakit ka napapagod kung alam mo na pala!?"

"I'm sorry. Hindi ko gusto ang sumira ng pamilya—"

"Pero ginawa mo pa rin"

"Because I didn't have a choice that time. Ipapalaglag ng daddy ko si Xyrus kapag hindi ko siya pipiliting pakasalan ako. Itatawil niya ako bilang anak kapag hindi ko siya sinunod. I am a daddy's girl kaya lungkot na lungkot ako no'ng mga panahon na 'yon. Dumating ako sa punto na kikitilin ko ang buhay ko dahil ayaw kong makasira ng pamilya lalo na no'ng nalaman kong buntis din ang mama mo pero unfortunately dumating siya at iniligtas ako. Masaya ako dahil ako ang mas pinili niya pero habang nagtagal kami, pakiramdam ko nakikihati lang ako. Kasama ko siya pero lagi niyang bukambibig ang mama mo"

Pinipigilan ko na tumulo ang mga luha sa mata ko. Kami dapat ang masaktan, galit ako dapat sa kaniya e pero dahil sa mga sinabi niya ngayon, lumambot ang puso ko.

Umalis na ako roon na wala man lang sinabi sa kaniya. Naawa ako sa kalagayan niya ngayon. Umalis papuntang ibang bansa si Miguel dahil galit siya sa mama niya. Ang isa naman niyang kapatid ay nando'n sa'min nakatira. Unti-unti kong natanggap sila, natanggap kong kapatid ko sila dahil mismo sa tulong ni mama. Sa mga nakalipas na taon ay hindi ko kinausap si papa lalo na no'ng nalaman kong naghiwalay sila ni tita dahil nalaman nilang kasal pala ito sa ibang lalaki.

Nagpunta na lamang ako sa isang Café para kahit papaano ay mabawasan ang mga negatibong iniisip ko ngayon. Nadagdagan pa ang problema ko sa paghahanap ng trabaho. Marami na kaming dapat bayaran dahil si kuya naman ay may asawa na.

"Alli" napalingon ako sa katabi mesa. Napangiti ako at lumipat doon. "Akala ko ba busy ka?" She asked me. Habang iniligpit ang mga papel na nagkalat sa mesa.

"Busy naman talaga akong tao." Sagot ko sa kaniya. "Ikaw bakit ka nandito?"

"May client kasi akong makikipagkita dito kaso hanggang ngayon ay wala pa" sagot niya sa'kin. Napangiti ako, malaki talaga ang pinagbago niya. Mula sa mahinhin, nagiging matured na sa pananalita.

"Sure ka bang kliyente 'yan?"

"Oo naman. Wala na akong time sa ibang bagay, alam niyo 'yan. I'm still focusing my work"

"Namiss ko ang kaibigan natin Xy. Last graduation pa yata tayo huling nagkita-kita. It almost 3 years na."

"Ang tagal na no? Hindi na bale kapag naipasa ko ang case, ako ang gagastos sa outing natin"

"Sinabi rin yan ni Ylona e"

"Masaya ako at naging ayos na kayong dalawa"

"Hindi ko nga rin aakalain na ako ang unang lalapit sa kaniya at manghingi ng tawad"

"You know what. Tita Allen raised you well. Bihira lang kasi sa isang taong ginawan ng kasalanan ang manghingi ng sorry. Base sa case na nahandle ko na, kapag nagpakumbaba ka, talo ka."

"Laging kasing sinasabi ni mama na, laging mapagpakumbaba. Saka Ylona is my friend kaya mas matimbang sa'kin ang pagmamahal sa kaniya kaysa sa galit na naramdaman ko noon towards her. Hindi rin naman niya kasalanan kung bakit nahulog si Yuhan sa kaniya. She's beautiful inside in out"

Nagpatuloy kami sa pagkwe-kwentuhan hanggang sa napagdesisyonan namin na umuwi na.

The lost RecipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon