Chapter 27

77 4 0
                                    

"Umagang umaga para kang baliw na nakangiti diyan. Ano bang mayro'n?" Alley ask me.

Kinuha niya ang heater na nakabatong sa harapan ko saka nagsalin do'n sa hawak niyang tasa. Pagkatapos ay umupo siya sa upuang nasa harapan ko at tiningnan ako ng mabuti.

"Sure ka bang, ayos ka lang?" Tanong niya ulit.

I nodded. Halos mapunit na ang labi ko sa laki ng ngiti ko.

"Ate magsalita ka na man!?" Binato niya pa ako ng kutsara "nakakatakot ka naman e"

"Aray ah! Ba't ka bang nangbabato ng gamit" inis kong tugon sa kaniya at pinulot ang kutsarang nahulog. "Kapag yan nalaman ni mama, makikita mo talaga ang hinahanap mo"

"Secret lang natin 'yon" nag-peace sign pa siya sa harapan ko kaya inirapan ko ito. Kumuha ako ng tinapay ay isinawsaw 'yon sa kape.

"Bakit ka nga nakangiti kanina? Nagkabalikan na kayo ni kuya Yuhan?"

"Porque nakangiti, nagkabalikan na agad? Saka h'wag mo nga isama sa usapan ang lalaking 'yon"

Naiinis ako, ewan ko. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Kahapon ayos pa naman na marinig ko ang pangalan niya, ngayon ay nag-iba na. Kahit hindi ko na siya ipinakilala sa pamilya ko kilala na naman siya ng mga ito. Nakita kasi nila ang wallpaper ko sa cellphone noon.

"Kung hindi dahil kay kuya bakit ka nga nakangiti"

"Mamaya na kapag nandito na sila mama"

Nagpatuloy kami sa pagkakape. Inaasar ko rin si Alley dahil noong nakaraang araw na naglinis ako sa kwarto niya ay may nakita akong mga love letter na naka kahon pa. May mga lantang pink roses pa at may chocolates na tunaw na. Kinuha ko nga ang isa pero agad niya itong kinuha pabalik at itinago 'yon sa cabinet. Natatawa talaga ako, mukhang ito pang kapatid ko ang nililigawan ng babae sa school.

"Ma, aalis na po ako" paalam ko kay mama. 

"Bakit saan ang punta mo?"

"Sa Young's Restaurant po, Ma. Pinapunta po ako doon ngayon"

"Sige mag-ingat ka"

Lumabas na ako sa bahay. Suot ang formal blue dress at may white coat din ito. Nagmadali akong sumakay sa tricycle baka ma-late na naman ako, mahirap na baka hindi pa ako matanggap sa trabaho.

Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin bago ako bumaba at pumasok sa loob.

"Ma'am, dito po tayo" sabi ng sekretarya kaya sumunod lang ako sa kaniya. Dumaan kami sa hallway papasok sa isang kulay brown na pintuan. Ako lang ang pinapasok niya doon dahil daw bawal ang ibang trabahante sa gawing 'yon.

"Miss Morales right?" Hindi pa ako nakakaupo pero sinalubong agad ako ng isang tanong kaya tumango ako.

"Yes po. I'm Missy Alliah Morales po"

Kahit kinakabahan ako sa bawat titig ng isang ginang ay nanatili akong nakangiti sa kaniya.

"I didn't ask your name" mabilis niyang sagot.

Napalunok ako ng sunod-sunod, gusto ko ng lumabas sa silid na ito pero sa tuwing pumapasok sa isip ko ang pamilya ko ay ibubuntong hininga ko na lang ng mahina.

"Your family own a lot of business pero bakit ang isang Morales ay nag-aaply bilang isang chef sa restaurant ko" she laughed sarcastically. "Oh, I'm so-sorry pero nakakatawa lang"

Yeah! Nakakatawa talaga. My father own a lot of business at isa na doon ang pagtatayo ng restaurant. Tama nga naman siya, nakakatawa ang sitwasyon ko ngayon. Doon sana ako dapat magtatrabaho but sadly hindi pwede.

"Ano ng nangyari sa sinasabi ng ama mo na ang pagiging tagapagluto ay walang kwenta?"

"Wala po akong alam sa sinasabi niya Mrs. Young. Nandito po ako para mag-apply ng trabaho hindi para maungkat ang nangyari sa buhay ko"

"At sa tingin mo tatanggapin kita dahil hindi mo alam? Napapatawa ka ba? Ang restaurant ko ay sikat sa buong Pilipinas kaya bakit ako kukuha ng isang chef na galing sa maduming pamilya."

"Sikat? Kayo yata ang nagpapatawa Mrs. Kung hindi dahil sa'min, hindi aangat ang restaurant mo. Isipin mo, kung nakatayo pa ang Morales Restaurant ngayon ay panigurado panis ang mga niluluto niyo. Imbes na manglait ka, bakit hindi ka na lang magpasalamat dahil nalugi kami kaya umangat kayo"

Napaawang ang labi niya dahil sa sinabi ko. Hindi ko mabasa kung ano ba talaga ang gusto niyang gawin sa'kin. Nakakuyom pa ang mga kamao niya saka galit na tumingin sa'kin. Ngumiti lang ako sa kaniya at naglkad patalikod sa kaniya.

"Btw, salamat po sa pagsasayang ng oras ko. Nawa'y magtagumpay pa ang restaurant mo" sabi ko. Bago ako lumapas sa silid na yaon.

Ang Youngs Restaurant na lang ang huling kong pag-asa pero naudlot na naman. Bakit ba kasi apelyedo niya ang dinala ko, kung may sarili na akong pag-iisip sa panahon na 'yon mas pipiliin ko na lang na dalhin ang apelyedo ni mama kaysa sa kaniya. Wala na siyang nagawang mabuti pati ba naman paghahanap namin ng trabaho ay maaapektuhan dahil lang sa apelyedo nakadikit sa pangalan ko? Tang*na! Sawang sawa na ako na ganito na lang lagi. Hanggang kailan ba ako magdadala ng kamalasan dahil lang sa apelyedong ito!

Kung pwede ko lang tanggalin ito, ngayon. Ay gagawin ko na!

Hirap na hirap na ako!

"Ate umiiyak ka ba?" Tanong ni Xianne sa'kin pagka-uwi ko. Para lang siyang hangin sa paligid ko. Dumiritso ako sa kwarto ko. Ipinikit ko ang mga mata para maiwasan ang mga luhang papatulo na.

"H'wag kang iiyak, Alliah. Malakas ka hindi ba. Kaya mo 'tong lampasan! Pagsubok lang 'to...Ano ba yan sinabing h'wag kang iiyak e. Ang tigas naman ng ulo mo" kahit anong pigil ko ay nagsituluan pa rin ang mga luha ko.

"Bukas na bukas ay maghahanap ulit tayo. Bukas ay matatanggap ka na! Kaya 'wag ka ng umiyak" pangngungumbinse ko sa sarili. "Hindi tayo pwedeng sumuko, tao lang sila Alliah. Hindi ka aangat kapag nakinig ka sa kanila" dagdag ko pa habang pinahiran ang aking mga luha.

Naghilamos ako bago huminga ulit sa kama. I close my eyes.

"Alam ko pong marami akong pagkukulang sa'yo. Alam ko pong minsan ay nakalimutan kong lumapit sa'yo at pagpasalamat sa nakarating ko pero Diyos na mahabangin pwede po bang payakap kahit saglit lang. Gusto ko pong maging malakas ulit. Gusto ko pong lumaban pa. Alam kong naghihintay ka na lalapit ako sa'yo, sa totoo po kasi niyan... Nahihiya na ako, marami ka ng ibinigay sa'kin pero heto pa rin ako nanghihingi na naman sa'yo. Nawa'y tulungan mo ulit ako, tulungan mo ulit akong makapanindigan pa. Gusto ko pong matupad ang pangarap ko para sa pamilya. Maari po bang tuparin mo 'yon. Kahit ang akin ay h'wag na lang po, kahit kila mama na lang. Ayaw ko po kasi siyang makikitang naghihirap."

Siya ang makakatulong sa'kin. Alam kung hindi niya pagkakaitan. Bago ako natulog ay itiniwala ko na ang lahat sa kaniya.

The lost RecipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon