Chapter 31

77 6 0
                                    

"Ayusin ninyo ang mga 'to. Ayaw kong maraming kalat sa paligid. Nakakasira ng umaga!"

"Ate, diyan niyo na lang 'yan ilagay" sabat naman ni Miguel na siyang kasama ko ngayon. Napairap ako at naglakad patalikod.

Nakakainis talaga!

"Bakit ka ba galit na galit? Pati mga tauhan mo ay dinamay mo?" Tanong nito sa 'kin.

"Wala ako sa mood ngayon Miguel" malamig kong sabi. Naglakad ako papunta sa upuan ko. Ibinagsak ko rin ang sarili. Tumama pa ang tuhod ko sa mesa ko pero hindi ko 'yon pinansin.

"Ano bang ikinainis mo? O let just say sino?" Tinaasan ko siya ng kilay pero kampante lang siyang tumingin sa 'kin. Nagsalubong ang kilay ko dahil sa bigla niyang pagngisi sa 'kin.

"Wala"

"Wala? Wee hindi ako naniniwala?"

"Tigilan mo ako Miguel, baka masapak kita. May kasalanan ka pa sa 'kin. Remember?" Tumawa naman siya na may kasama pang pag-iling.

"Wala akong kasalanan sa 'yo. Kay Veron lang marami"

"Mabuti at inamin mong kupal ka! Ang hilig niyo talagang manakit!"

"Anong drama na naman 'yan kapatid" sinamaan ko ulit ng tingin si Miguel "Ang bitter naman ng ate ko" binato ko sa kaniya ang ballpen na wala ng laman. Nakailag naman siya kaya mas lalo akong nainis.

"Don't call me ate! Hindi kita kapatid!"

"Kahit magpa-DNA pa tayong dalawa" hamon niya sa'kin. Kaya napailing ako at bahagyang hinilot ang sentonado.

Tatanda ako agad kapag si Miguel ang laging kong kasama.

"So, bakit nga?"

"Tumigil ka! Malapit na akong dumating sa sukdulan, Miguel"

"Sukdulan talaga? Grabe naman pala ang pagka-bitter ng kapatid ko. Nakita mo siguro no'ng isang araw ang baby mo na may kasamang iba no?" Naikuyom ko ang kamao ko. Isa pa! Isa pa Miguel at matatamaan ka na sa 'kin.

"Tapos ipinakilala pa niya sa 'yo. Kawawa naman ang ate ko. Hindi na bale, ililigaw ko ang babaeng 'yon para mabawi mo na ang baby mo. Kaso, paano kung ayaw na niya sa 'yo?" Umakto pa siyang parang nag- iisip. Hindi ko na napigilan ang sarili at sinapak ko siya. Imbes na lumayo ay niyakap lang niya ako.

"Nagbibiro lang ako baby ate" natatawang sabi niya.

"Nakakainis naman e! Kaya siguro naging ganito ay dahil karma na 'to sa 'kin" muntik ng tumulo ang luha ko buti na lamang at napigilan ko.

"H'wag kang umiyak. Hindi mo naman kasalanan. Ginawa mo na lahat kaya h'wag mong sisihin ang sarili. Sometimes pain can turn you into a better version of yourself. Just always remember that, whatever happen we're always here for you. Kaya h'wag ka ng malungkot, mas boto ako kaysa sa Sarrah na 'yon"

Si Miguel ay isa sa mga member ni Yuhan kaya hindi kataka-taka na magkakaibigan sila.

"Sikat lang 'yon sa campus pero takot 'yon sa ipis" natawa rin ako.

"Wee?"

"Bakit hindi mo alam?" He ask. Ngumuso ako habang mahinang umiling.

"Kasi, 'di naman kami nagtagal kaya wala akong masyadong alam sa gusto at ayaw niya" nakakalungkot lang na hindi kami umabot sa pagkakataon na malalaman ang gusto at ayaw ng isa't isa.

"Ayos lang 'yan basta si Yuhan takot siya sa ipis"

~•~•~•~

"Anong nakakatawa?" He ask me pero napakagat labi lang ako habang pinipigilan ang sarili na h'wag humalakhak. Pumasok siya ng tuluyan sa opisina ko, kaya lalong nagdiwang ang kalooban ko. Umupo siya do'n sa sofa kaya napangiti ako. Taka niya akong nilingon kaya nginitian ko lang siya.

"Bubuksan na natin ang branch sa kabilang lungsod pagdating ng katapusan ng January. That's the perfect timing para sa darating na araw ng mga puso." Sabi niya. Napangiti lang ako habang nakatingin sa kaniya. "May gagawin rin tayong special event sa loob ng dalawang buwan para makahatak tayo ng mamimili. Kailangan natin ang tulong ng mga kaibigan mo" pagpapatuloy niya.

Malapit na

Napangiti ako lalo na no'ng malapit na sa ulo niya.

"What the hell Alli! Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko!" Inis na tanong niya sa 'kin kaya nabalik ang attention ko sa kaniya. "Ano bang problema mo?" Sinundan niya ng tingin ang tiningnan ko. Nakita kong nanlaki ang mata niya. Tumalon pa siya sa taas ng sofa at iniiwasan ang ipis na malapit ng mahulog sa ulo niya.

Humalakhak lang ako. At umupo pa sa mesa ko para tingnan siya. Para akong nanunuod ng live comedy sa ganap ngayon.

"Humanda ka sa'kin!" Binilatan ko lang siya at bumalik sa pagkakaupo.

"Payag ako sa desisyon ginawa mo. Dagdagan lang natin ng twist para medyo amazing. Imbes na pusong pula ang gugupitin natin. Try kaya nating gawing itim? Sa halip na photo booth na may nakalagay na hugis puso, try nating gawing horror house" itinaas baba ko pa ang dalawang kilay habang nakatingin kay Yuhan na hanggang ngayon ay nakataas pa rin ang paa sa sofa. .

"Hindi na ako natutuwa sa 'yo Alliah! Ibaba mo 'yang hayop na ipis na 'yan!"

"Hindi hayop ang ipis. It's insects" nakangiti kong sabi sa kaniya.

"Wala akong pakialam. Please ilayo na sa 'kin 'yan" may magnamakaawa sa boses niya kaya na wala ang ngiti ko.

"Ipis lang 'yan Yuhan." Naglakad ako papalapit sa kaniya at kinuha ang plastic na ipis na nakalutang sa ere. "Touch it. Plastic lang 'to" inilayo niya ang sarili niya sa 'kin. Na alarma naman ako no'ng nanginginig siya. Para siyang bata na nilalamig. Nakapatong ang ulo niya dalawang tuhod.

"I'm sorry" sabi ko sa kaniya. Hindi siya sumagot sa 'kin.

Hindi ko naman pinaniniwalaan si Miguel kanina e. Gusto ko lang naman e test kung totoo o hindi. Hindi ko naman alam na takot pala talaga siya sa ipis. Akalain niyo 'yon ang isang gwapo at malaking katawan ay ipis lang ang kinatatakutan?

"M-mommy" napatingin ako sa kaniya. Patuloy pa rin ang panginginig niya. Walang pag-alinlangan ay nilapitan ko siya at niyakap.

"I'm sorry. Nandito lang ako" yumakap siya ng mahigpit sa 'kin. Biglang na lang bumilis ang tibok ng puso ko pero binaliwala ko lang ito. "Ayos ka na?" I asked him pero umiling siya at yumakap pa ng mas mahigpit.

"I'm sorry"

This time ako na man ang natigilan.

~•~•~•~

A/N:

•Next chapter will be Yuhan's pov

Salamat sa pag-aantay ng update❣

The lost RecipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon