"Nakita niyo ba dati ang mukha ni Alli, masasabi niyo talagang ampon siya ni tita" napairap ako sa pagkwento ni Uni sa mga kaibigan kong nakikinig. Akala mo naman ang halaga ng sinasabi. "Malapad na mukha, hanggang balikat ang buhok" inaksyonan pa niya habang nagkukwento "Kung nakita niyo lang talaga, kulang na nga lang ng bangs para masabing siya ang taong version ni dora" sabi niya sabay tawa. Lang'ya! Kung di lang pinaglaruan ni
Alley ang photo album ko di sana 'yon nakita ni Unika pagka punta niya sa bahay kahapon."Ang unfair bakit 'di namin 'yon nakita!" Sabi pa ni Xy.
"Galit ka nyarn?" Pang-aasar ni Zai. Mahinhin kasi ang pagkakasabi ni Xylem kaya 'di mawari kung galit ba o hindi. Natawa tuloy ako, muntik ko ngang maibuga ang ininom kong kape kay Yhel na ngayon ay busy sa kakapanood ng tiktok.
"Sana tinuloy mo" bulong pa sa'kin ni Uni. Kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Ayaw ko pang makatikim ng sapak no" sagot ko. Nakakatakot kaya minsan yang si Yhel. 'Di kasi palasalita.
"Anong plano sa birthday mo Lona?" Biglang tanong ni Yhel.
"Hindi ko alam. Nakakapagod magplano tapos hindi matutuloy" sagot nito.
"Edi wag na lang planuhin, 'di rin naman yan matutuloy" nakatanggap naman ako ng tag-iisang batok mula sa kanila.
Totoo naman ang sinabi ko ah. Bakit pa magpaplano kung di rin naman matutuloy. Ilang ulit na yang nangyari, gaya no'ng buong section namin sa grade 10. Nagplano na maliligo ng dagat, nakahanda na lahat ng dadalhin, nakaset na kung kailan pero ang ending 'di natuloy kasi 'di pinayagan.
"Ang nega talaga nito" sabi ni Zai "Pasalamat ka may captain ka na" tinapon ko naman sa kaniya ang baso ng kape na wala ng laman.
"Lang'ya ka Zai! Di ka sana makapasa sa exam"
"Kaya pala may pangiti-ngiti kang nalalaman ha. Si Captain Yuhan pala" pang, aasar rin ni Unika sa'kin.
"Ayieee, di na NBSB"
"Tumigil nga kayo! Nakakahiya sa customer na nandidito" saway ko sa kanila dahil sa totoo lang ay masyado na kaming maingay dito sa coffee shop nina Aling Bibang. "Para namang bago sa kanila" sabi pa ni Ylona.
"Hindi porque lagi tayo dito tuwing sabado ay pwede na tayong mag-ingay lagi" sobrang sama na ng tingin ni Aling Bibang sa'kin. Kaaway pa naman 'to ni mama sa mga halaman. Mahilig kasi si mama sa halaman kaya halos puno ang bahay namin kaya lang ayaw ni Aling Bibang kaya galit siya kay mama.
"Ylona, si Xyrus yan di ba?" Nanlamig ako sa kinauupuan ko. Hindi ko halos maigalaw ang gamay ko. Napatingin lahat ng mga kaibigan ko sa pintuan na nasa likuran ko bago tumingin sa'kin.
"Alli, kalma ka lang" bulong sa'kin ni Yhel at hinawakan ang kamay kong nasa ibabaw ng mesa.
"Hindi ka niya malalapitan. Nandito kami" pagkasabi nun ni Unika ay para akong nabunutan ng maraming tinik. Hindi ako takot sa kaniya sadyang di ko lang talaga gusto na makita siya.
"Lalabas na lang tayo dito" nagsitayuan naman sila at hinawakan ako sa braso "Sa bahay na lang tayo" sabi ko sa kanila.
Tahimik kaming naglalakad papunta sa bahay namin. Anong ginagawa niya dito sa lugar namin? Masyado ng malayo ang bahay nila sa lugar namin. Anong kailangan niya? Pumunta kaya siya sa bahay?
Tumakbo na ako papunta sa bahay namin. Kapag nalaman talaga 'to ni Kuya Red ay lagot ako. Iniwan ko si mamang nag-iisa kanina pero di ko na naman alam na pupunta ang hayop na 'yon dito. Pagkapasok ko sa bahay namin ay kaagad kong hinanap si mama. Mula sa mga kwarto hanggang sa labas pero wala akong nakita pati si bunso ay wala rin.
"Kumalma ka nga, Alli!" Hiningal-hingal pang saad ni Uni. Kasunod niya ang iba na pawisan din.
"Paano ako kakalma kung nandito ang hayop na 'yon at wala pa sila mama dito" di ko na mapigilan ang sarili ko kaya natass ang boses ko. "Paano kung pumasok 'yon dito?" Niyakap na lang nila ako. Bumuhos na ang mga luha ko.
Hindi pwede na magkita sila, hindi pwedeng babalik na naman ang lahat sa dati. Hindi... Hinding hindi ako makakapayag, Xyrus.
"Shh... Hindi naman pakapapayag si tita Allen na kukunin nila si Alley." Sana nga Xy. Sana.
"Oo nga, mana ka yata sa mama mo. You're not Morales for nothing kaya" sabi ni Uni.
"Baka may pinuntahan o binili lang ang dalawa" wika ni Yhel saka naglakad papunta sa kusina.
"Si Ylona pala na saan?" Tanong ko sa kanila at nilibot ang tingin sa kabuuan ng bahay baka nandon lang sa isang sulok pero wala akong nakita. Wag niyang sabihing- wag naman sana. Sana mali ang iniisip ko.
"Nagpaalam no'ng tumakbo ka na uuwi na daw" si Yhel na kakalabas lang ng kusina at may dalang juice. Mga walang hiya talaga ang mga feeling bahay nila pero okay lang naman ganito naman kaming lahat kapag bibisita kami sa bahay ng iba.
"Mare, wala ba kayong alsukal?" Tanong ni Zai "Anong gagawin mo sa asukal?" Tanong ko rin sa kaniya. "Ilalagay sa Juice, parang tubig lang yata 'to na kinulayan ng pink e" reklamo pa niya kaya nahila ko ang palda niyang mahaba.
"Tama ka Zai, dapat may partner rin ang Juice ano. Wala bang Fudgee Bar chocolate diyan, Alli" dugtong rin ni Uni.
"Aba! Ang kakapal talaga ng mga mukha ha! Wala naman kayong ambag sa grocery namin. Kung makademand naman ang mga 'to" tumatawa lang sila na para bang wala akong sinabi na masama sa kanila. Naglakad ako sa kusina at kumuha doon sa kabinet ng sinasabi nilang chocolate na Fudgee bar.
Hindi pa ako nakakalabas ng pintuan ay may humablot na sa dala ko. Ang nakita ko na lang ay ang likuran ni Uni at Zai na tumakbo pabalik sa kinaroroonan nina Yhel at Xylem na tumatawa. Napailing na lang ako sa mga ugaling ng mga batang 'to. Ang takaw di naman tumataba.
Pinaparinggan mo ba ang sarili mo, Alli?
"Oh nandito pala kayo" sabay kaming napalingon sa pintuan. Kakapasok lang ni mama kaya sinalubong ito ni Xylem saka kinuha si Alley.
"Heyoww, Allen. Wazzup" sinalubong ni Unika si mama at humalik ito sa pisngi. "Yoww" tugon ni mama nito. Natawa na lang ako sa kinatatayuan ko. Parang barkada lang din naman ang turing ni mama sa mga kaibigan ko lalong lalo na kay Zai saka kay Unika.
"Magandang hapon po tita" bati ni Yhel dito. "Hello, Yhel. Musta na ang papa mo"
"Mabuti naman po tita, natapos na rin sa operasyon niya" ang papa kasi ni Yhel ay may cancer sa atay. Classmate din naman ni mama si tito noong high school kaya kilala niya.
Napuno ng kwentuhan ang hapunan namin. Nanunuod kami ng mga cartoons dahil kasama namin si Alley. Kasiyahan ang bumalot sa buong bahay. Halakhakan dito, halakhakan doon ang tanging naririnig ko. Sobrang saya talaga kapag puro positive vibes ang nakakapaligid sa'yo di mo namamalayan ang oras at nakakalimutan mo pansamantala ang mga problema sa buhay.
Being with my love ones is the best moment that I will consider as my happiness.
BINABASA MO ANG
The lost Recipe
Teen FictionUnbreakable Series 1 ~•~•~•~•~ Loving someone is fun, not until he/she accidentally broke your heart. Meet Alliah the girl who loves the captain of Lucky Five. Is she lucky to have him o she's not, because of loving hi...