Chapter 4

171 9 0
                                    

"Maglalaro tayo ngayon ng bring me, alam niyo na ang mechanics ng larong yan diba? Yung magpapakuha ako ng mga bagay sa inyo at kung sino man ang unang makadala nito sa'kin ay may isang puntos. Hanggang dalawang round lang ang laro natin ngayon." Paliwanag pa ni ma'am. Nakasuot kami ng maikling P.E short na kulay skyblue saka white T-shirt na may nakatatak na logo ng Black Ace University sa harapan at sa likuran naman ay ang apelyedo ko.

Alam ko na ang larong 'to dahil minsan ay nilalaro namin to ng mga kaibigan ko kapag nasa labas kami at walang magawa sa buhay. Kaya di na kami mahirapan pa maliban na lang sa mga maarte kong kaklase na, nakabusangot ang mukha. Anak mayaman kaya panigurado di to alam.

Laking pasalamat ko talaga at nakaranas pa ako ng pangsinaunang laro. Yung takbuhan sa kalye, magluluto ng mga dahon at ang ibabayad rin ay dahon. Kaysa sa mayayaman na ang mga laruan ay mamahalin at di nila naranasan maligo sa ulan.

Kaya naisip ko rin di ko hinangad na magkaroon ng maraming ari-arian sa future ang gusto ko lang ay maiahon sa hirap ang magulang. I know mahirap ang buhay pero mas hihirap pa ito kung ang mga tao ay di kikilos at mag-aabang lang sa ibibigay ng goberno.

"Let's start!" Sigaw ni ma'am. "Bring me a disposable spoon" nagtakbuhan kami sa bawat building para makahanap sa pinapahanap sa'min. Napadpad ako sa building nina Uni at Zai kaya mabilis ako nakabalik. Muntik pa akong masubsob no'ng binilisan ko pa ang pagtakbo dahil may kasabay ako. Syempre sayang ang points pangbawi na rin sa mga kulang ko sa quizzes.

"Okay. Here's your question miss Morales" nanlaki ang mata ko.

"Ma'am naman! Di mo sinabi sa'min na may question pala kaming dapat sagutan" reklamo ko pa. Kung alam ko lang edi sana nagpahuli ako. "Scammer ka ma'am!" Sabi ko pa. Natawa naman ang mga kaklase kong kararating lang din.

"Walang trill ang bring me kung walang twist kaya imbes na magsaya lang kayo, may inihanda din akong question para sa inyo." Nakangiti niyang sabi sa'min.

Ang saya mo ma'am ah. Samantalang ito ako ngayon, kinakabahan na. Hindi pa naman ako nag-aral sa itinuro niya.

"Psst. Ate Joy" tawag ko sa president namin na nakipag-usap sa isang pinsan niya na kaklase rin namin. "Bakit?"

"Ikaw dito" sabi ko na ikinatawa nila.

"Kaya mo yan" sabi niya sa'kin at nagkwentuhan ulit sila. Putek talaga!

"Bakit cookery ang kinuha mo ngayong senior high" Tanong ni ma'am sa'kin. That's a simple question na mahirap na masagot ko. I have no idea kung ano ba ang dapat kong isagot. "Morales?"

"Honestly, di ko alam kung bakit ma'am" napayuko pa ako ng kaunti dahil ramdam ko ang tingin nila sa'kin. Ilang secondo ang lumipas na walang nagsalita kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na magpatuloy "I have no idea kung bakit ako nag cookery ngayon. 'Di dahil hindi ko to gusto kundi kailan man ay di sumagi sa isip ko na balang araw maging cook ako sa isang hotel o kaya naman ay sa isang restaurant." Huminga ako ng malalim bago nagpatukoy "Pero isa lang ang masasabi ko. Hangga't kaya ko ay gagawin ko to ng buong puso. Kung marealize ko man na ang cookery ay di bagay sa'kin? Then, I'm willing to be better" pumalakpak si ma'am na naging dahilan ng pag-angat ng ulo ko. Nakangiti siyang nakatingin sa'kin.

"Class, laging ninyong tandaan na di lahat ng 'di mo nakikita o di mo nakikita ang sarili na gagawin mo yan sa future ay di na talaga yun ang mangyayari sa buhay mo. Sometimes you need to believe what you can do. Believing the things that you can't see is different kind of happiness when you achieve it"

Gusto kong magprotesta sa huling sinabi ni ma'am Sofie. Gustong ipaalam sa kaniya at sa mga makakarinig na di lahat ng hindi mo nakikita ay magiging masaya ka kapag nakita mo na ito. May mga bagay na gustuhin mo ng 'di na makita pa sa hinaharap dahil ayaw mo ng masaktan pa. Ayaw mo ng magkaroon pa ng kaugnayan sa mga bagay na'yon.


Uwian na. Gaya ng sinabi ni Kuya Red ay sinundo niya ako, dahil wala naman kaming kotse. 'Di naman kami pinagpala ng kayamanan kaya heto kami nakikisiksik sa loob ng Bus. Nasanay na lang ako sa ganitong tagpo dahil wala namang mangyayari sa'kin kung mag-iinarte ako.

"Subukan mong dumikit sa kapatid ko, makikita mo talaga ang hinahanap mo" nagulat pa ako no'ng nagbanta si Kuya Red. Di ko naman napansin na may lalaki na palang lumapit sa likuran ko. Kinabig pa ako ni kuya palapit sa kaniya at niyakap na di dumikit sa iba. Nakita ko naman ang ngisi no'ng lalaki at para bang di siya natatakot sa banta ng kuya. Umusog parin siya papunta sa'kin at nangilabot ang buong katawan ko sa lagkit ng tingin niya sa'kin. Napayakap ako kay kuya at isinubsob ang mukha sa dibdib nito.

"Tang*na! Pangit na nga bobo pa. Sinabi ko na sa'yo na h'wag kang didikit sa kapatid ko pero dahil dakila kang manyak ay di mo ko sinunod" nagulat ang mga tao sa galit na sigaw ng kapatid ko. Nakita ko na ang lalaki na nakabulagta na sa sahig ng bus at
wala ng malay.

Natahimik ang mga tao habang palipat-lipat ng tingin sa'min at pati sa taong 'yon at kalaunan at bumalik sa kani-kanilang ginagawa.

"Ang swerte naman niya sa kuya niya"

"Akala ko nga kanina mag-jowa sila e. Nakita mo 'yon kung paano protektahan ng lalaki si ate girl"

"Oo nga, sana may kuya rin akong gan'yan"

Palitan ng salita ng dalawang studyanteng babae na kaedad ko rin. Napatingin ako kay kuya no'ng ilagay niya ang jacket niya sa baywang ko. Kaya ang nangyari ay nakasando na ito. Siya naman ngayon ang pinagtitinginan ng mga kababaihan, nakisali pa nga ang mga may anak at may jowa na. Napailing na lang ako. Curious ako kung bakit hindi 'to nag-girlfriend. Kung iisipin na nasa tamang edad naman siya.

"Kuya saan pala tayo pupunta?" I ask him no'ng bumaba kami sa may supermarket. Nakaangkla ang braso ko sa kaniya. Ganito talaga ako sa tuwing may kasabay ako sa paglakad.

"Magpapasama lang ako sa'yo nabumili pambudget sa bahay" sagot niya. Napakunot naman ang noo ko at kalaunan ay ngumiti.

"Basta bilhan mo akong pizza saka chocolate cake na rin" parang bata kong sabi sa kaniya. Ginulo niya ang buhok ko habang tumatawa pa na may kasamang pag-iling.

"Oo na, patay gutom ka talaga"

Mga pangunahing kailangan lang namin ang binili namin. Mula sa mga karne hanggang sa mga gulay at prutas. Kahit nagtataka ako kung bakit marami ang binili ni kuya ngayon ay minabuti kong mamaya na lang ito itanong sa kaniya. Malapit na rin naman maghapunan, kailangan rin naman makarating sa bahay bago mag-alas sais para makapaghanda pa at maagang makatulog ang bunso naming kapatid.

The lost RecipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon