Chapter 37

69 3 0
                                    

Alliah's pov

"Ma'am nasa labas po ang mga kaibigan niyo. Papapasukin ko po ba?" My Secretary asked me. Napaangat ako ng tingin sa kaniya. "Yes please"

Tinapos ko muna ang pinipermahan ko. Iniligpit ko ito sa gilid ng mesa ko baka madamay na naman ang kawawang papel sa kalokuhan ng mga 'yon.

Napatingin ako agad sa pintuan ng opisina kakapasok pa lang ng mga kaibigan ko na halatang pagod pa. Panigurado kagagaling pa ng mga 'to sa trabaho nila.

"Kumain na kayo?" I asked them.

"Aba! Anong nakain ng isang Alliah at bakit nagtanong ka?" Napairap ako kay Zai.

"Edi don't. Bahala kayo"

"Sus ito naman, nagbibiro lang naman si Zaina e. Diba Zai" tumango-tango naman ito dahil sa sinabi ni Uni.

"Wala ba dito ang isa?" Tanong ni Ylona. Mabilis akong umiling "hays! Mabuti naman"

"Magpapadala na lang ako dito ng makakain natin. Ano bang gusto ninyo?"

"Ikaw na bahala, basta pagkain" sabay nilang sagot sa 'kin.

"Alli, pupunta ka ba?" Natigilan ako nong nagtanong si Yhel "Sa mga Mendez" dagdag niya.

Tumango ako at umupo sa tabi ni Zai na ngayon ay natutulog na. Ang bilis namang nitong makatulog.

"Wala namang dahilan kung bakit ako hindi pupunta sa kanila mamaya. Party 'yon at invited tayo. Kaya, why not diba?"

"Ayos ka na ba?"

"Oo naman. Saka simula nong magkaayos kami ni papa. Pakiramdam ko nawala na ang sakit na dinadala ko. Gumaan ang pakiramdam ko" napangiti si Yhel dahil sa sinabi ko. Tumango siya and then she patted may shoulder.

~•~•~•~

Sabay kaming magkakaibigan na nagtungo sa isang mamahaling hotel kung saan magaganap ang party. Lahat ng nakikita ko sa paligid namin ay kakilala ko lang din. Kung hindi kaklase namin nong high school ay block mate naman namin noong college days. Kaya dahil sa pag-eenjoy ko ay hindi ko namalayan na ako na lang pala ang mag-isa nakatayo rito. Agad kong inikot ang aking paningin. Agad kong nahanap si Yhel na may kausap malayo sa 'kin at si Ylona na sumasayaw na. Malakas na yata ang tama. Kaloka tong babaeng 'tong ilang minuto pa lang kaming nandito pero lasing na. Nakita ko pang may lumapit sa kaniya no'ng makita ko kung sino 'yon ay napangiti ako.

"Hey" muntik na akong matisod dahil sa pagkabigla ko. "I'm sorry. Nagulat yata kita"

"Kunti lang pero ayos lang" I awkwardly smiled. "Happy Birthday" bati ko sa kaniya at inabot ang paper bag na may lamang regalo ko para sa kaniya.

"Akala ko hindi ka dadating. Sabi kasi ni Xyrus may emergency meeting kang dapat daluhan"

"Nagawan ko na 'yon ng paraan, sinalo na ni papa ang bagay na 'yon" sagot ko. Niyaya niya naman akong maupo kaya sumunod ako sa kaniya. Nasa medyo madilim kaming bahagi ng hotel pero tanaw na tanaw ko pa rin ang mga bisita niya.

"Salamat sa gift mo"

Ngumiti ako sa kaniya "Welcome. Hindi ko nga yan inilagay doon sa mga gift sa mesa. Gusto ko kasi ako mismo ang magbigay ng bagay na yan sa 'yo"

"Kiligin na ba ako nito?" Yuhan chuckled.
Napailing naman ako.

"Okay lang na kiligin ka pero h'wag masyadong pahalata" may waiter na dumaan kaya kumuha ako ng isang basong alcoholic drinks at tinungga 'yon ng diretso.

"Umiinom ka na pala ngayon" tumango ako "Oo pero kunti lang"

"Mabuti naman. Masama sa kalusugan ang sobra"

The lost RecipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon