"Hey, akala ko di na kita maabutan pa" hingal na hingal pa niyang sabi sa harapan ko. Nakahawak pa ito sa dalawang tuhod niya.
"Wala kayong practice?" Tanong ko. Papauwi na kasi ako ngayon, kakatapos lang namin magluto. Pasado alas singko na rin naman kaya nakapagtaka na nandito pa 'to.
"Sabi ko nga sayo kanina na kinancel ko diba?" Tumango naman ako. 'Di naman ako tanga para di yun maalala. Gusto ko lang may maitanong sa kaniya. "Hinintay talaga kita kasi alam kong matagal matapos ang pagluluto niyo" pagpapatuloy niya pa.
"Uy, wag ka na. Ako na lang ang pagdadala nito" sabi ko sa kaniya no'ng kukunin niya ang bag ko. "Let me. Kanina pa kita nakitang nahihirapan sa pagdadala niyan" sabay turo niya sa tupperwear na pinadala ni ma'am Sophie sa'min.
Tumango na lang ako at pinaubaya ang bag ko sa kan'ya. Nagmukha tuloy siyang macho na bakla dahil sa shoulder bag kong nasa balikat niya. "Mabuti na lang at itim ang kulay ng bag ko kundi baka mapagkamalan ka nilang bakla" sabi ko na may halo pa yung mahinang tawa.
"Hindi naman mahalaga sa'kin kong ano ang itawag nila sa'kin." He smile "As long as kasama ko ang mahal ko, there's nothing to worry" di ko alam kong sino ang tinutukoy niya sa sinasabi niyang mahal niya pero bakit pakiramdam ko ako ang taong 'yon. Pasimple ko siyang tiningnan no'ng busy siya sa cellphone niya, alam ko naman ang ibig sabihin ni kuya na mag-ingat ako sa mga lalaking taga BAU dahil scammer daw sila, pero kung si Yuhan lang din naman handa akong magpa-scam.
Kapag nagmahal ka handa ka rin masaktan. Yan ang sinasabi ni mama sa'kin simula no'ng namulat ako sa katotohanang wala akong amang kasama.
Pero ayaw ko rin namang mangyari sa future kung ano man ang nangyari sa nakaraan ng pamilya namin."Dito na lang, Yuhan" sabi ko sa kaniya. Inihinto naman niya ang sasakyan sa medyo may kalayuan pa sa bahay namin. Ngayon ang alis ni kuya Red kaya ayokong dagdagan ang mga iisipin niya kapag nakita niyang may kasama akong lalaki.
"You sure?" Tanong nito. Tumango na lang ako. "Yeah. Salamat sa paghatid. Ingat ka" paalam ko sa kaniya bago tumakbo paalis. Kahit di ko gustong iwan siya doon pero wala akong choice kasi malapit na mag alas sais ng gabi.
"Hello ma" sinagot ko ang tawag galing kay mama habang tumatakbo parin papunta sa bahay namin.
"Malapit ka na ba? Paalis na ang kuya mo"
"Malapit na po ako. Pakisabi hintayin ako" pinatay ko na ang tawag at binuksan ang maliit naming gate. 'Di ko na yon isinara dahil sa pagmamadali.
"Kuya! Mama!" Sigaw ko pagkapasok sa bahay namin. Lumabas naman sila galing sa kusina at nakatakip pa ang dalawang kamay sa tainga.
"Kung makasigaw naman 'to" reklamo ng kuya ko. Patakbo akong lumapit sa kaniya at niyakap siya ng sobrang higpit. Narinig kong tumawa siya dahil sa ginawa ko. Naramdaman ko rin na hinaplos niya ang buhok ko na nagpaluha sa'kin.
"Mamimiss kita" sabi ko.
"Kung kailan ako aalis saka ka yayakap sa'kin" pinalo ko naman siya sa braso niya. Sobrang seryoso ko nga dito e, nakakainis talaga 'to!
"E kasi naman e, di sana tayo mag-aaway kung di ka manggigising sa'kin gamit ang malamig na tubig" pansisisi ko pa. Tumawa naman siya sa kagagawan niya. Sino ba kasing tao ang di mabadtrip kapag ginising ka sa umaga gamit ang tubig na galing pa sa refrigerator. Okay lang sana kung kunti lang, pero lang'ya isang tabo.
Mabubuhay talaga ng mabilisan ang sistema mo.Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya saka ngumuso. Nakabihis na rin pala siya. Totoo talagang aalis na siya, di ba pwede pigilan pa?
"Baby sis, kailangan kong magtrabaho para sa future mo" lalo akong napanguso dahil sa sinabi niya. "Inalala mo ang future ko samantalang ikaw dapat itong pagsabihan ko ng ganyan" ginulo naman niya ang buhok ko.
"Hindi na baleng ako itong hindi makatapos, Sy." Tiningnan niya ako ng seryoso kaya nakinig na lang ako "kasi kaya ko ang sarili ko, kaya kong buhayin kayo-"
"Kaya ko rin naman ah"
"Alam ko." Mabilis na sagot niya. "Alam kong kaya mo ang sarili mo, baby sis. Idol kaya kita, kasi naalala mo ba no'ng nalaman mo ang tungkol kay papa?" He ask. Aba! Oo naman, sino ba ang makalimot sa pangyayaring iyon. "Sinuntok mo pa nga ang anak nilang kaedad mo diba?" Napatawa tuloy ako ngayon. Pinapaalala pa talaga.
"Dapat lang 'yon sa kaniya ano? Anong karapatan niyang tawagin akong ate"
"Kaya idol kita e, kasi alam ko na kapag di mo yon gusto di mo talaga gusto" natigilan ako kasi kabaliktaran ang nararamdaman ko ngayon. Naaawa ako kay Miguel, kahit saang angulo ko siya tingnan. Di maipagkaila na magkapatid kami sa ama. "Magtatrabaho lang si kuya, baby. Magpakabait ka kay mama at tandaan mo ang lagi kong sinasabi sayo na h'wag muna mag-boyfriend kasi alam mo na. Ang mga lalaki sa BAU..." Tiningnan niya a ako kaya alam ko ang susunod niyang sasabihin.
"...ay mga scammer!" Sinabayan ko siya sa pagsabi nun saka napairap ako. Hindi ko alam kong ano ang rason ni Kuya Red para masabi niya na scammer ang mga lalaki sa BAU. Na-scam na ba siya ng pera? Pero kung titingnan ang status ng buhay ng mga studyante na pumapasok sa BAU ay wala lang kami sa kalingkilangan nila.
Nasa kanila na lahat ng materyal na bagay, pati ang magandang buhay pero sabi nga nila nobody's perfect kaya may mga bagay rin na nasa amin na wala sa kanila. That's life.
"Mag-ingat ka doon, Martin. Wag kang mangbabae baka makabuntis ka ng maaga. Jusko! Wag naman sana" bilin pa ni mama. Napatawa tuloy ako sa likuran nila. Nandito kami ngayon sa labas, hinatid namin si kuya hanggang rito. "Aray!" Tinapunan ba naman ako ng takip ng balde ni mama na nasa gilid niya. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Mama, si kuya o muntik ng matamaan si bunso" sumbong ko. Karga-karga ko kasi ngayon ang bunsong kapatid namin. Apat na taong gulang ito. Nakita kong binatukan siya ni mama kaya binilatan ko siya.
"Martin, makinig ka sa'kin h'wag kang bubuntis ng babae ng di mo pa kilala" paalala ulit ni mama. Pulang pula na ang mukha ni kuya, nahihiya siguro dahil tumawa si mang Ronald, tricycle driver na inarkilahan nila para maghatid kay kuya sa airport.
"Ma, paano yan makakabuntis e wala naman yang girlfriend" pang-aasar ko pa.
"Saka wala yata yang plano, baka tatanda yang binata" dagdag ko pa. Lumayo naman ako sa kaniya no'ng nagbalak na naman siyang batuhin ako."Tumigil nga kayong dalawa." Saway ni mama "Sy, pumasok na kayo sa loob baka malamigan ang kapatid mo"
"Bye, kuya. Video call na lang tayo" paalam ko saka yumakap at humalik sa pisngi niya.
"Bye, bye my two babies" sabi niya at pareho kaming hinalikan ni bunso sa noo. Nag-group hug kaming apat bago umalis si kuya.
"Ma, pasok na tayo" nakita kong kanina pa siya tumayo sa labas.
"Akala ko kaya ko ng may aalis sa bahay" I felt her pain. Alam kong di pa rin nakamove on si mama sa nangyari 10 years ago. "Pumayag akong magtrabaho ang kuya mo dahil yon ang gusto niya sa pag-aakala kong kaya ko ng may malayo pang isa sa mga mahal ko sa buhay. Pero ngayon ko napapatunayan na hindi pa pala" humingos pa siya kaya inakbayan ko siya. Nakatulog na rin si bunso nandon sa kwarto nila mama.
"Ma, kaya natin to. Malakas yata tayo." Naiiyak na rin ako pero pinigilan ko. Kasi ayaw kong makita ni mama na mahina rin ako. "We're not Morales for nothing, ma" sabay yakap ko ng mahigpit sa kaniya.
Yan lang ang nagpapalakas sa'kin. Kukumbinsihin ang sarili na kaya ko. Na malakas ako. Self support is the best kumbaga.
BINABASA MO ANG
The lost Recipe
Teen FictionUnbreakable Series 1 ~•~•~•~•~ Loving someone is fun, not until he/she accidentally broke your heart. Meet Alliah the girl who loves the captain of Lucky Five. Is she lucky to have him o she's not, because of loving hi...