Chapter 15

77 5 0
                                    

Sa kalagitnaan ng paglalakad ko sa hallway ay may biglang humila sa'kin. Muntik ng tumama ang ulo ko sa semento pero mabuti na lang at inilagay niya ang palad para 'di tuluyang tumama ang ulo ko.

Kusang nagsalubong ang dalawa kong  kilay  no'ng makita kung sino ang humila sa'kin.

"Ilang ulit pa bang dapat kitang pagsabihan, Missy?" Nahimigan ko ang galit sa boses niya. Nanatili akong nakatingin sa kaniya at walang buhay siyang tiningnan.

"Ano na naman ba 'to?" Lumuwag ang pagkakahawak niya sa'kin at sinuntok ang gilid ko. Ako ang napa-aray sa sakit pero parang sanay na sanay na siya sa ginagawa. Nakita ko ring tumulo ang dugo sa kamao niya pero sa halip na maawa ako ay napatawa ako.

"Bakit hindi mo sa'kin itinama? Natatakot ka ba baka kamuhian pa kita lalo?"

"Ano pa ba ang dapat kong gawin? Ano pa ba ang dapat kong sabihin sa'yo para lang maniwala ka sa'kin?" Umiwas ako ng tingin no'ng makita kong may tubig na tumulo sa mga mata niya. "Bakit ba ang tigas ng puso mo. Hindi ikaw ang Alliah na kilala ko noon. Hindi na ikaw ang Alliah na madaling magpatawad"

"Kasalanan ko ba kung 'di niya ako maturing na anak sa harap ng maraming tao. Kasalanan ko ba kung ganito ang nararamdaman ko?" Hindi siya sumagot. Nanatili siya sa kinatatayuan niya at nakayukong lumuluha. "I'm sorry" tumakbo na ako palayo sa kaniya.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. 'Di rin naman pwede na pumasok ako ngayon kasi magtataka sila kung bakit pula ang mata ko. Takbo lang ako ng takbo  hindi ako pwede sa mga kaibigan ko dahil ayaw ko silang madamay saka marami rin silang problema na hinarap ngayon ayaw kong dumagdag pa.

May nakita akong maliit at maalikabok na pintuan 'di na ako nag-aksaya ng oras at pumasok na ako roon. Napaubo pa ako ng kaunti pero kalaunan ay maayos naman.

Naghanap ako ng pwede pag-uupuan. May nakita akong isang puno saka may maliit na upuan sa ilalim. Kinuha ko ang cellphone ko para magpa-music kahit papaano may ingay sa paligid ko. Isinandal ko ang sarili sa katawan ng puno.

"Walang magagawa ang pagtunganga mo rito" I automatically open my eyes.

"Kung para sa'yo wala, sa'kin meron" I replied.

"Kanina ka pa hinahanap ni captain" sabi pa niya. Tiningnan ko ulit siya bago nagsalita "Alam ko"

"You know but you didn't told him that you're here...with me" napairap ako. Ang assuming naman pala ng isang 'to.

"For your information, hindi tayo magkasama. Hindi nga kita kilala"

"Girls will always be a girls" napailing pa ito at umupo sa tabi ko pero may pagitan naman 'yon. "You know what, I meet also a girl who's very dramatic. As if her tears can heal her pain. Nagsasayang lang kayo ng tubig sa mga katawan ninyo" sabi niya na para bang kailan man ay hindi pa siya umiyak.

"Nasasabi mo yan kasi hindi ikaw ang nasa sitwasyon namin"

"Try to faced the pain. Try to fight them all and after that you will be free. That's the very easiest way to escape the problem" sabi niya ulit.

"Maaaring tama ka pero hindi madaling gawin ang sinabi mo" paano ko haharapin ang problema ko kung sa paglakad ko pa lang papunta do'n ay mamatay na ako. Madaling sabihin na harapin lang ang problema. Then, boom! Malaya ka na. "Sometimes you need to cry in order to feel better. Hindi porque umiiyak ka ay mahina ka na."

"There are two kind of tears. First it is all about happiness and the other one is all about pain. Which one is yours?" He ask. Napailing na lang ako. Bakit ba ako nagkwento sa isang 'to? I don't know his name but he's one of a lucky five na pumunta sa birthday ni Xylem. "What—" Tatanugin ko na sana siya sa pangalan niya pero may biglang lumabas sa isa pang pinto malapit sa kinauupuan ko, napapikit ako sa sakit dahil bumagsak ako dahil sa gulat.

"Ohh... I'm sorry. Hindi ko inakala na may nagda-date pala dito" the vioce is very familiar napatingin ako do'n at sabay na nanglaki ang mga mata namin.

"Alliah!"

"Unika!"

Sabay naming sabi. Tumayo ako at 'di ininda ang sakit.

"What are you doing here?" Sabay ulit naming sabi. Tinuro ko siya para maunang magsalita sa'ming dalawa pero umiling siya at tinuro ako pabalik.

"Hey! Hindi kayo matatapos kung ganyan kayo." Masungit na saad nito sa'min.

"Anong ginagawa mo diyan sa loob?" Tanong ko kay Unika na nanlisik ang mata sa lalaking kasama namin pero wala itong paki sa kaniya.

"Ano...ahmm.." Pinaglaruan pa niya ang mga darili at umiwas sa mga tingin ko.

"She's also crying"

"Pakialam mo!" Inis na sabi ni Uni sa lalaki.

"Umiyak ka? May problema?" Tanong ko ulit.

"Yeah. Wala na mang bago." Malungkot na sagot niya "lets go Alli. Mala-late na tayo sa second class natin"

"How about you? Sabay ka na sa'min," hinila pa ako ni Uni. Umiling ito "No, ayaw kong may makasamang umiiyak"

"Para 'tong di tao kung magsalita. Bakit 'di ka pa ba umiiyak?" Nakataas kilay na tanong ni Uni.

"Nope and I will never be" sagot nito at iniwan kami.

"That man!" Inis na sabi ng kasama ko.

"May hindi ka pa sinasabi sa'min" sabay naming sabi sa isa't isa.

"I'm sorry. Hindi pa ako handa na sabihin sa iba ang problema ko. Ayaw ko rin namang madamay kayo, Uni"

"Naiintindihan kita Alli dahil gano'n rin ang naisip ko pero naisip ko rin para saan pa ang pagkakaibigan natin kong maglilihiman tayo sa isa't isa."

"Akala ko ba wala kang isip?" I joke.

"Tang*na ka! Kung kailan ako nagseseryoso saka ka naman naging ganyan." Binatukan niya pa ako pero tumawa lang ako. "Sana hindi ka na lumaki" sabi pa niya.

"Si Xylem dapat pagsabihan mo ng ganyan. 'Yun ang pandak sa'tin e."

"At least si Xy may jowang matangkad e ikaw wala. Wala kayong label, baby" sinamaan ko naman siya ng tingin. "Baby ang putek! Akala mo naman may label" dagdag pa niya.

"Lang'ya ka! Wala talaga akong mapapala sa'yo."

"Like baby baby baby ohhh" kanta pa niya kaya ako naman ang bumatok sa kaniya. Lang'ya talaga 'to. Lakas pang-asar! Kung 'di ko lang kaibigan ipapatapon ko to sa Antarctica. Ang sama ng ugali, 'di man lang sumuporta sa'kin.

"Bye baby, see you mamaya" tumakbo ito palayo pero nahawakan ko ang buhok niya. Tawang tawa pa ito habang ako naiinis na. "Yuhan" tawag nito. "Joke lang"

"Sana kunin ka na ni tita"

"Pikon yarn?"

"Unika!" Kung di lang siya tumakbo papasok sa building nila nasambunutan ko na 'yon. "Bye baby" napapikit na lang ako dahil sa inis.

"Alliah niyo pikunin" narinig ko pang sigaw niya. Sana pagalitan siya no? Para matauhan na bawal sumigaw sa oras ng klase.



The lost RecipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon