Chapter 36

66 5 0
                                        

Alliah's pov

"Where is he?" Tanong ko kay kuya Red pagkarating ko sa bahay namin. Tiningnan niya ako ng may pagtataka. Oo nga pala wala siya kanina nung nangyari ang lahat. "Sino? Kararating lang namin ng ate Criz mo baby sis?"

"Wala. Si mama 'ya na saan?" 

"Nasa taas yata. Cheneck kung natutulog na ba sila Alley at Xianne" tumakbo na ako paakyat sa kwarto ng kapatid ko at tama nga ang sabi ni kuya nando'n si mama sa may pintuan, nakabantay kay Alley na nakapikit pero basi sa nakita ay nagtulog-tulugan lang ito.

"Ma" mahinang kong tawag sa kaniya. Napalingon naman siya sa 'kin at lumapit sa gawi ko. "Bakit ka nandito? Alas nuebe na ng gabi, dapat ay natulog ka na" sabi ko pa sa kaniya.

"Binabantayan ko ang kapatid mo, matagal na naman yang matutulog dahil sa paglalaro ng ML. May pasok pa yan bukas" napatingin namn ako sa hawak niya. Itim na sinturon 'yon ni kuya.

"Naalala ko dati kapag hindi kami matutulog ni Kuya red sa tanghali ay may dala-dala kang walis titing"

"Tapos ako rin lang naman ang mauunang makatutulog kaya ang ending ay naglalaro kayo kasama ang mga kapitbahay natin" pareho kaming natawa ni mama habang binabalikan ang alaalang 'yan.

"Ang sarap maging bata lagi ma no. Yung kain, tulog at pagbawas lang ng dumi ang laging inaalaala" sabi ko.

"Pero nandito tayo sa realidad anak. Sa mundo na ating ginagalawan ay hindi pwede ang lagi pa easy-easy lang dahil hindi tayo matutoto kung nakafocus lang tayo lagi sa saya. Minsan kailangan tayong dumaan sa paghihirap para makamit natin ang hinahangad. Kaya I'm so proud of you. Ginulat mo ako sa restaurant na 'yon"

"Matagal ko 'yong pinag-ipunan ma. Ilang buwan akong nagbibilad sa init para maabot ko ang pangarap ko para sa inyo. Pasasalamat ko 'yon ma dahil kung hindi dahil sa pagpapalaki niyo ng maayos sa 'kin ay hindi ako naging matatag sa lahat ng napagdaanan ko ma. Kaya salamat...kasi nandiyan ka lagi para alalayan ako. Nandiyan ka lagi para gabayan ako sa tamang landas na dapat kong tahakin. Kami na ang pinaka swerteng anak dahil swerte kami sa mama namin" nagulat naman ako nung nagpunas si mama ng luha. Niyakap ko ito at walang sawang nagpasalamat sa kaniya.

"Dapat hindi lang ako ang pasalamat mo. Kahit marami siyang pagkukulang sa inyo ay naging mabuti siyang ama sa inyo kahit hindi niyo nakikita"

"Where is he?" I ask her. She patted my back bago kumalas sa pagkakayakap sa 'kin natuyo na rin ang mga luha niya at nakangiti na itong humarap sa 'kin.

"At your back" nguso niya sa likuran ko kaya nanlaki ang mata ko. Halos hindi ko maigalaw ang leeg ko. Nanlamig din ang buong katawan ko. "Good luck." Bulong ni mama sa 'kin bago ako iniwang nakatulala.

Anong gagawin ko? Haharap ba ako at hihingi ng tawad o tatakbo ako at magkulong sa kwarto ko.

"Ehem" pike siyang umubo kaya napalingon ako sa kaniya. Pagkaharap ko ay kusang tumulo ang luha ko. Nakaabang na rin ang dalawang braso na para bang inaalok ako na yakapin siya. May kung anong naghatak sa 'kin na yumakap sa kaniya.

"P-pa." Banggit ko "Papa" mahigpit kong ipinalupot ang braso ko sa leeg niya. Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko ngayon. Naghalo ang pagsisisi, saya at lungkot.

Pagsisisi dahil sa sinayang ko ang pagkakataon. Kung hindi sana ako nagmatigas pa ay matagal ko na sanang naranasan ang pangyayari ngayon. Kung pinatawad ko sana si papa noon pa man ay edi sana nagagawa ko na ang gusto ko kapag kasama siya. May saya pa rin sa puso ko kahit papaano dahil sa wakas ay na-let go ko na ang issue ko sa papa ko. Sobrang sarap pala sa feeling na mayakap ang papa mo. I miss him. Akala ko ay hindi ko siya kailangan pero isa 'yon sa mga pagkakamali ko. Kailangang kailangan ko pala siya pero sa kabila ng lahat ay di mawawala ang lungkot sa puso ko, na baka isang araw ay bigla na lang bawiin ng may kapal ang lahat ng sayang nararamdaman ko. Natatakot ako na baka maagang kunin niya si papa. Hindi ko yata kakayanin yun.

"Matulog na kayo" kumalas ako sa pagkakayakap kay papa nong may magsalita sa likuran ko. Pinahiran ko muna ang luha ko bago humarap sa bagong dating. Nasalubong ko agad ang matamis na ngiti ni kuya Red. "Mabuti naman at nilubayan ka na ng kamanhiran baby sis"

"Bati na rin kayo?" I asked him. Last time I check. Galit din siya sa papa ko. Pakiramdam ko nga mas galit pa siya hindi lang nagsasalita pero nakatago yun sa puso niya.

He chuckled. Umakbay siya kay papa at sabay silang tumango kaya dahil sa saya ay napayakap ako sa kanilang dalawa.

"Parang kang bata baby sis" pang-aasar ni kuya. "Tama na ang iyak. Tingnan mo itong damit ko nabasa na ng mga uhog mo. Paano na ako makakascore kay Criz babe nito—aray!" Reklamo niya nung kurutin ko ang tagiliran niya.

"Kailan ka pa natutuo ng ganyang salita? Ang Red na nakilala ko ay torpe sa babae"

"Ang ate Criz mo kasi ang nanligaw sa 'kin"

Aba! Mayabang din ang kuya.

"Ugok! Sinong lumuhod sa gitna ng kalsada para lang maihatid mo ako?" Dumating si ate Criz kaya natawa ako nong nanglambot agad ang mukha ni kuya Red. Pati si papa ay mahinang nakitawa na rin. "Sinong nagsuhol ng police para lang mag-raid sa opisina?" Dagdag pa ni Ate Criz.

"Oo na babe ako na lahat. Ako na ang talo. Tara matulog na tayo may trabaho pa ako bukas" pigil ni kuya sa mga sasabihin pa ni ate.

"Bakit ate ano ba ang ginawa ng mga police doon?"

"Sinabihan niya lang naman na may magnanakaw. Akala mo kung ilang billion ang nawala sa kaniya yun pala ay sasabihin lang niya..." Si Crizy, siya yung nagnakaw...ng puso ko" kaya natutukan siya ng baril. Kung hindi ko inawat ang officer baka abo na yan ngayon" naghalakhakan kami ni papa dahil sa narinig namin. Si kuya naman ay nagwalk-out at pumasok sa kwarto nila.

"Teka! Susunod ko lang po papa, Alli. Baka umiyak" then she laugh out loud.

"May ganoong side pala si kuya Red? Akala ko kasi torpe lang siya"

"Nakipagbati nga yun sa 'kin para magpaturo kung paano manligaw. Kaya tinulungan ko rin pero kalukuhan ang sinabi ko hindi ko naman alam na seseryusuhin niya"

Don't tell me si dad! "You're the one who told him about that—" tumango lang si dad kaya napatawa ako ng malakas dahil sa nalaman ko. I didn't know.

"I'm the one who told him that he need to do that inorder to win the girls heart, and I think effective naman" sabay kaming tumawa ni papa. May luha pang tumulo sa mata ko dahil sa pagtawa. Natatawa ako, kung nandon ako sa panahong 'yon. Na-ilive ko na sana 'yon sa Insta.

~•~•~•~

A/N:

Four Chapters to go❣

Ayieee bati na sila ng papa niya e, kayo kaya ni Yuhan may pag-asa pa ba?

The lost RecipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon