"LYKA! ANO BA KANINA PA KITA TINATAWAG!"
Na patalon ako mula sa kinauupuan ko ng marinig ko ang boses ng senior doctor ko dito kaya agad akong na patayo mula sa pagkakahiga ko.
"Hindi ka namin tinanggap dito para matulong tulong lang!"
Bulyaw niya sa akin at para siyang tigre ngayon na handa ng lumapa dahil sa sobrang gutom.
"eh doc hindi naman po kayo ang tumanggap saken dito eh, kayo po ba yung pinag applayan ko?" tugon ko.
yun ang isa sa pagkakamali ko dahil lalo siyang na inis sa akin at parang gusto ko niya na din ibato saken yung hawak niya.
nagbibiro lang naman ako eh, sobra kasi niyang seryoso
"code red tayo ngayon, kailangan ka ni doc leo sa E.R! dalian mo!" sigaw na utos niya sa akin kaya nagmamadali kong kinuha yung gown ko saka nag-mamadaling lumabas doon dahil baka tuluyan na akong lapain ng senior ko.
aba ayokong makain ng buhay noh! baka mamaya may lahi palang aswang yang si doc hindi lang niya sinasabi edi namatay na ako.
pumunta na ako sa E.R at madami din ang pasiyente ngayon dahil nga sa may gumuhong mall malapit dito kaya madaming pasiyente ang dinadala dito ngayon pero madami naman kaming mga doctor dito kaya hindi din kami na hirapan na asikasuhin silang lahat.
nag-papahinga lang ako kanina dahil na pagod ako sa buong umaga kong ginagawa, madami nga kami dito pero na uubos na din yung iba naming gamot dito, hindi naman kasi namin inaasahan na guguho pala yung mall na malapit dito.
sa first floor ay madami kang makikitang mga nag-mamadaling mga doctor at nurse doon habang pinapasok dito sa loob ang mga bagong dating na mga sugatan.
bago ako pumasok sa loob ay sinuot ko na ang surgical gloves ko pati na ang surgical mask ko, lumapit na ako sa may pinto saka pinihit na pabukas ang pinto kaya pumasok na ako sa loob.
"doc lyka, kanina pa kita kailangan dito"
sabi ni doc leo kaya lumapit na ako sa kaniya, pumunta na ako sa puwesto ko saka ginawa na ang gagawin ko. malapit ng mag-isang oras pero hindi pa din kami tapos dito, na iinip na ako dahil tumatagal na kami dito.
"doc pwede naman natin yan hayaang mamatay nalang, doon din naman ang bagsak niyan eh, pinapahirapan pa natin" komento ko habang tinatanggal ang mga bubog sa ulo ng pasiyente.
"na kalimutan mo na naman bang inumin yung gamot para sa utak na binigay ko sayo?"
"gamot para sa utak? doc naman wala naman akong sakit sa uta eh"
"meron, at malala na yang tama mo" sabi niya at na rinig ko pang nag-pipigil ng tawa yung ibang nurse dito na kasama namin, tinapos ko nalang yung ginagawa ko at ng na tapos na ay agad na akong lumabas doon.
tinanggal ko na ang suot kong surgical mask at surgical gloves, naglakad na ako papunta sa cafeteria dahil balak ko sana bumili ng ice coffee para naman magising ako, na papahikab din ako habang naglalakad ako papunta doon.
"doc! doc! kailangan po ng tulong ng boss namin!"
sigaw sa akin ng isang singkit na lalake kaya na patingin ako sa doon sa akay-akay nilang kasama at na kita kong may tama siya sa balikat at tagiliran.
"may ibang doctor diyan, doon nalang muna kayo lumapit, shift break ko na kasi eh" sabi ko at ng mag-lalakad na sana ko papasok sa loob ng cafeteria ay bigla nila akong hinarangan.
"mauubusan na po ng dugo ang boss namin doc!" sigaw ng kasama niya kaya na pahinga nalang ako ng malalim.
ng makapa ko ang bulsa ng suot kong coat ay may syringe akong na hawakan kaya kinuha ko iyon, ito pala yung na kuha ko kanina sa may counter
![](https://img.wattpad.com/cover/275678000-288-k320977.jpg)
YOU ARE READING
The Innocent Doctor and The Heartless Mafia Lord (COMPLETED)
RandomLyka Suarez was a doctor with a mysterious personality with her past, pilit niyang tinatakasan ang nakaraan niya na kahit kailan ay hindi na niya gugustuhin pang balikan. One day she encountered Phoenix Vance Koufax Monroe, the mafia lord, in their...