Lyka POV
"Lady Lysandria hindi pa po kayo kumakain simula pa noong nakaraan araw, kumain po muna kayo kahit saglit lang" dinig kong sabi ng mom ni jamie habang na katulala ako sa kabaong na nasa harap ko ngayon.
"hindi ako gutom" pagtanggi ko.
paano naman ako magkakaroon ng gana na kumain sa nangyayari ngayon, hindi din ako nakakaramdam ng gutom.
"pero lady lysandria hin-"
"Ang sabi ko hindi ako gutom, kapag sinabi kong hindi ako gutom, hindi ako gutom" pagputol ko sa sinasabi niya.
"tita ako na pong bahala dito, mag-pahinga na muna kayo"
" okay, just call me if you need something"ng mapatingin ako sa gilid ko ay nakita ko si fritzie na nakatingin sa akin kaya agad kong binalik ang paningin ko sa harap.
"lyka-"
"lysandria, that's my name not lyka" pagputol ko sa sinasabi niya.
"okay then lysandria. Ano balak mo bang gutumin yang sarili mo hanggang sa ikaw naman ang magkasakit?" seryoso nitong tanong pero hindi ko siya sinagot.
"paano naman ako mag-kakagana na kumain sa nangyayari ngayon. Nasa hospital pa si eloise kakagising niya lang, si jamie naman...." hindi ko matuloy ang sinasabi ko dahil parang may kung anong bumabara sa lalamunan kon
"w-wala na si jamie" dugtong ko.
kahapon lang na gising si eloise at na sabi na din sa kaniya ni fritzie ang nangyari kay jamie.
hindi ko pa siya na dadalaw sa hospital at kailangan niya pang mag-pagaling muna, hindi pa siya pwedeng lumabas ng hospital.
mamaya na din namin ililibing si jamie, buong linggo ay nandito lang ako at hindi umaalis.
na tuyo na din ang mga mata ko dahil wala ng lumalabas na mga luha sa mga mata ko dahil na din siguro sa kakaiyak ko ng ilang araw.
"hindi ibig sabihin na wala na si jamie ay pababayaan mo na ang sarili mo lysandria. Wala ka pang pahinga, I'm just worried about you!"
"I can handle myself fritzie, dito lang ako. Hindi ako aalis" seryoso kong saad at na pahawak nalang ako sa necklace na suot ko na binigay sa akin ni jamie.
"hindi naman sa aalis ka talaga, magpahinga ka lang muna sa kabilang kuwarto. Sa ginagawa mong yan ay lalo mo lang pinahihirapan ang sarili mo"
"dapat ko naman talaga pahirapan ang sarili ko. Ako din naman ang may kasalanan kung bakit namatay si jamie, ng dahil sa akin kaya siya namatay. Kung na kinig lang sana ako sa kaniya noong simula palang ay hindi mangyayari ang ganito, hindi siya mamamatay, buhay pa sana siya ngayon" seryoso kong saad.
ako naman talaga ang may kasalanan ng lahat eh.
kung sinunod ko lang sana ang mga siansabi niya ay hindi mangayayri ito, kung na kinig lang sana ako sa kaniya ay buhay pa sana siya ngayon.
pero hindi ako na kinig eh, mas pinili ko pang sundin itong nararamdaman ko kaysa sa alam kong tama.
"Dapat noong una palang ay hiniwalayan ko na siya pero hindi ko ginawa dahil ang akala ko magiging maayos din ang lahat kung mananatili ako sa tabi niya, ang akala ko kaya kong panindigan ang deisyon na ginawa ko. Pero mali pala ako dahil imbis na ayusin ko ay lalo ko pang ginulo ang lahat" dugtong ko.
para akong unti-unting pinapatay sa loob ko, para akong sasabog dahil sa bigat nitong nasa loob ko.
"may mag-babago ba kung pahihirapan mo ang sarili mo? mabubuhay ba niyang pagpapahirap mo sa sarili mo si jamie? kaya ba niyang buhayin ang kaibigan niyo?" sunod-sunod nitong tanong kaya na patingin ako sa kaniya.
YOU ARE READING
The Innocent Doctor and The Heartless Mafia Lord (COMPLETED)
RandomLyka Suarez was a doctor with a mysterious personality with her past, pilit niyang tinatakasan ang nakaraan niya na kahit kailan ay hindi na niya gugustuhin pang balikan. One day she encountered Phoenix Vance Koufax Monroe, the mafia lord, in their...