Lyka POV
Bago ako tuluyang naglakad palayo ay na palingon uli ako sa lapida nila papa, hindi ko pa sigurado kung kailan ko uli sila mabibisita dahil alam kong magiging iba na ang takbo ng lahat kapag bumalik na kami.
"ma'am lyka may problema ba?"
na tauhan ako ng marinig ko ang boses ni chasin kaya agad akong umiling bilang sagot saka agad na naglakad palapit sa kanila, ng makalapit ako ay agad akong sumakay sa loob ng sasakyan.
agad naman pumasok sa loob sila chasin kaya pinaandar na ni theo, bago tuluyang umandar ang sasakyan ay na patingin uli ako sa puntod nila papa, naramdaman ko ang biglang pagtulo ng luha sa mata ko kaya agad kong pinahid iyon dahil ayokong makikita ako ni phoenix na umiiyak.
"s-saan pala tayo pupunta?" tanong ko at pilit kong pinapasigla ang boses ko.
"I don't know, ikaw saan mo ba gustong pumunta?"
"hm? ako........gusto ko sana sa lake mashu? ang sabi kasi nila maganda daw doon eh saka hindi ko pa na pupuntahan iyon" sagot ko habang na kangiti kaya na patango siya sa akin.
pumayag siya na doon kami pumunta na lalo kong ikanatuwa dahil gusto kong makita iyon dahil maganda daw doon, habang nasa biyahe kami ay hindi pa din mawala sa isipan ko ang mga nangyari noon.
"ma'am lyka okay lang po kayo?"
na tauhan ako ng marinig ko ang tanong ni griffin kaya agad akong na paayos ng upo ko.
"oo naman, bakit mo naman na tanong?"
"wala naman para kasing ang lalim ng inisip niyo eh" sabi niya kaya na patango nalang ako sa kaniya at hindi na nagsalita pa.
"phoenix bukod pala sa lake mashu na pupuntahan natin, may iba pa akong gustong puntahan, gusto ko sana kasama ka" sabi ko kaya na patingin siya sa akin.
"where? wala naman akong gagawin" tanong niya na lalo kong ikinatuwa.
"na kalista dito sa loob ng journal ko, madami kasi akong gustong puntahan kaya ilinista ko nalang diyan" sagot ko saka pinakita pa sa kaniya ang mga na kasulat sa loob ng journal ko.
talagang pinagplanuhan ko ang lahat ng pupuntahan namin, minsan lang naman kami makakapaglibot-libot dito sa japan.
"remember the places in that journal, pupuntahan natin lahat yan" seryosong utos ni phoenix sa tatlo kaya lalo akong na pangiti.
wahhhh!!!
ibinigay niya pa kina chasin yung journal ko at hindi na din ako makapaghintay na mapuntahan ang lahat ng mga na kalagay sa journal ko, binasa nila lahat iyon saka binalik sa akin, Ilang oras din ang naging biyahe namin bago makapunta doon, malapit na din kami.
"boss may problema ba?"
dinig kong tanong ni griffin kaya na patingin ako kay phoenix na seryosong na katingin sa labas.
"sa Mt.Fuji tayo pupunta, hindi na tayo tutuloy sa lake mashu" seryosong sagot ni phoenix na ikinagulat ko, agad na iniba ni theo ang direksyon.
"sandali may problema ba? ang akala ko ba sa lake mashu tayo pupunta?" tanong ko, "sobrang lapit na natin oh, bakit iibahin mo?" dugtong ko dahil sobrang lapit na namin doon at hindi ko din maintindihan kung bakit nag-iba ang isip niya.
"just do what I said, hindi na tayo tutuloy sa lake mashu" seryoso niyang tugon kaya na pakunot ang noo ko.
ano na naman ang problema? gusto ko pa naman pumunta doon, na pansin kong panay ang tingin niya sa rear view mirror ng sasakyan na para bang may binabantayan siya.
YOU ARE READING
The Innocent Doctor and The Heartless Mafia Lord (COMPLETED)
De TodoLyka Suarez was a doctor with a mysterious personality with her past, pilit niyang tinatakasan ang nakaraan niya na kahit kailan ay hindi na niya gugustuhin pang balikan. One day she encountered Phoenix Vance Koufax Monroe, the mafia lord, in their...