Chapter 31

2.5K 70 5
                                    

Lyka POV 

Kaagad akong sumakay sa loob ng sasakyan at na kita ko din na malapit na sila dito, ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto ng sasakyan at na unang sumakay sa loob si phoenix kasunod sila chasin, ng makapasok na sila ay agad na pinaandar ni chasin ang sasakyan. Siya ngayon ang nag-mamaneho.

kinuha ko nalang ang phone ko sa maliit ko na pouch saka binuksan iyon, ibinaba ko ang bintana ng sasakyan dahil gusto kong kuhanan ng picture ang mga na dadaanan namin, madami din kasing pwedeng kuhanan ng picture.

lumipas ang ilang oras bago kami tuluyang na karating sa kanagawa, agad naman itinigil ni chasin ang sasakyan kaya ng makatigil ay agad ko ng binuksan ang pinto ng sasakyan saka na una ng lumabas, lumabas naman na sila phoenix at hindi naman madami ang mga tao ngayon dito.

"phoenix doon tayo!"

sabi ko saka tinuro pa, na una na akong naglakad sa kanila at bawat na dadaanan ko ay kinukuhanan ko ng picture.

nagpakuha pa ako ng picture kay phoenix, yung tatlo naman ay humiwalay sa amin dahil may iba din sila na gustong puntahan kaya kami nalang ni phoenix ang magkasama ngayon.

bawat na dadaanan namin ni phoenix ay kinukuhanan ko ng picture at siyempre kahit din siya ay kinukuhanan ko ng picture, habang naglalakad kami ay na pansin ko na dumadami na ang mga tao dito ngayon.

ng na tapos na kami sa kanagawa ay sunod naman namin pinuntahan ang hakone shrine, tinawag pa namin sila theo dahil mga isang oras at mahigit din ang magiging biyahe namin mula dito sa kanagawa papuntang hakone shrine.

ng makarating kami doon ay agad na akong lumabas ng sasakyan saka inaya na si phoenix dahil gusto ko ng makita ang hakone shrine, habang naglalakad ay patuloy pa din ako sa pagkuha ng mga picture.

malapit naman na kami, kailangan nalang namin akyatin ito para makapunta kami sa itaas, na una na ako kay phoenix pero na gulat nalang ako ng bigla akong matapilok dahilan para mapatigil ako.

"ma'am may problema po ba?"  tanong ni theo ng makalapit sila

"wala, na tapilok lang ako pero okay lang naman ako" sagot ko saka tumayo na, ihinakbang ko na ang paa ko pero bigla nalang akong na tumba ng biglang sumakit ang paa ko.

na painda nalang ako sa sakit at halos hindi ko na din maigalaw ang paa ko dahil sa sakit, gusto ko pa naman sana na umakyat kaya lang hindi ko din magagawa dahil sa masakit ang paa ko at hindi ko naman pwedeng pilitin at baka lalo pang sumakit.

na gulat ako ng maramdaman kong lumutang ako at ng mapatingin ako sa bumuhat sa akin ay na kita ko si phoenix.

"s-sandali lang-"

"I will carry you until we get up there, we're going to have a lot more place to go" seryosong saad nito saka nag-simula ng humakbang paakyat.

gusto ko sana umangal pero wala din akong magagawa dahil masakit pa ang paa ko, may ilan kaming mga kasabayan sa pag-akyat at ang mga iyon ay na papatingin sa amin ni phoenix. Lalo akong na pakapit sa batok ni phoenix at ng mapatingin ako sa kaniya ay kitang-kita ko sa malapitan ang gwapo niyang mukha, sobrang kinis din ng mukha niya. 

ngayon ko lang na realize na sobrang gwapo pala ni phoenix, nagiging mabait na din siya sa akin ngayon, hindi naman sa masama siya o kung ano, madalas kasi ay palagi siyang masungit at walang pakielam sa mga nasa paligid niya.

habang paakyat kami ay kinuha ko ang phone ko sa dala kong pouch saka binuksan iyon. Balak ko sana na mag-picture kami, hindi niya pinansin ang ginawa ko kaya pasimple kong itinutok iyon sa amin saka pinindot ang gitna.

The Innocent Doctor and The Heartless Mafia Lord (COMPLETED)Where stories live. Discover now