Chapter 32

2.5K 64 3
                                    

Lyka POV

"ma'am lyka gising na ba kayo?"

na patigil ako sa pagsusuklay ng buhok ko ng marinig ko ang boses ni chasin mula sa labas kaya ibinalik na sa loob ng drawer ko ang suklay ko saka nag-lakad palapit sa pinto, ng makalapit ako ay agad kong pinihit pabukas iyon.

"bakit, may kailangan ka?" tanong ko ng mabuksan ang pinto

"wala naman po, pinapatanong lang sa akin ni boss kung gising na kayo----------ay este! ang ibig kong sabihin ay gusto sana namin kayo yayain na kumain sa lumabas?" pag-iba niya ng sinasabi niya kaya na patango ako.

"si phoenix pala na saan siya?" tanong ko dahil ng magising ako kanina ay wala na siya dito, may dalawa kasing kama dito na malaki at hindi din kami magkatabi na tulog.

"I'm not sure if he's still at the garden? baka nasa library si boss" sagot niya kaya tumango nalang ako sa kaniya.

sinara ko na ang pinto ng makalabas ako at umalis na din si chasin kaya agad akong nag-tungo sa may library dahil baka nandoon nga siya, hindi naman malayo dito yung library nila dito at ng makatigil na ako sa tapat ng pinto nito ay kumatok muna ako ng dalawang beses bago tuluyang pumasok sa loob. 

ng makapasok ako ay wala akong na datnan na phoenix, walang tao dito sa loob kaya na pag-pasiyahan ko nalang na lumabas na at mag-tungo sa labas dahil baka nandoon siya, agad naman akong lumabas 

sobrang ganda ng gising ko ngayon lalo na at sobrang ganda din ng mga pinuntahan namin, limang araw na din kasi ang na kalipas simula ng mapuntahan namin ang mga na kalagay sa journal ko at kahit na winter season na ngayon dito ay pinuntahan pa din namin lahat ang mga na kalagay sa journal ko.

kasama din si phoenix sa mga iyon at madami din akong na kuhang picture sa bawat pinuntahan namin lahat.  Ng makalabas ako ay hindi ko nakita si phoenix kaya na pagpasiyahan ko nalang na bumalik sa loob dahil sobrang lamig din sa labas.

habang naglalakad ako pabalik sa kuwarto namin ay na patigil ako ng biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon mula sa bulsa ng suot ko at ng mapatingin ako sa screen ay na kita ko ang pangalan ni Eloise at ni Jamie, nag message sila na gusto nilang makipag-video call.

malapit naman na din ako sa kuwarto namin kaya binilisan ko ng kaunti ang paglalakad ko at ng makalapit na ako sa pinto ay agad na akong pumasok sa loob saka tinungo ang desk table namin dito at nasa ibabaw din nito ang laptop ko.

agad kong binuksan iyon saka umupo na, agad naman lumabas sa screen ng laptop ko ang pagtawag nila kaya agad kong sinagot iyon saka inayos ang pagkakatutok ng web camera sa akin.

na pangiti ako ng makita ko na silang dalawa at ngayon ko lang uli sila makakausap dahil simula ng pinuntahan namin ang mga lugar na gusto ko ay hindi ko na sila na kakausap kaya ngayon ay wala na kaming pupuntahan at wala din naman akong gagawin na.



[oh mabuti naman at pumayag ka na din na makipag-usap sa amin] masungit na pagakakasabi ni Eloise 

"I'm sorry, masiyado lang talaga kami naging abala dito, lalo na at madami pa kaming mga pinuntahan dito" sabi ko 

[Kumusta naman ba ang honeymoon niyo diyan ni phoenix? malapit ng magdalawang linggo] tanong naman ni jamie 

"maayos naman, sobrang saya nga eh at buong linggo din kami magkasama ni phoenix, ang dami ko na ngang picture dito sa gallery ko eh" sagot ko

[aba't dapat lang! anim na araw mo kaming hindi pinansin noh! dapat lang talaga na nag-saya ka diyan, dahil kung hindi-]

[dahil kung hindi ano? pupuntahan mo si doc leo at mag-susumbong ka na hindi naging masaya si lyka sa honeymoon nila dahil sa kapatid niyang si phoenix] pag-putol ni jamie sa sinasabi ni Eloise na ikinatawa ko.

The Innocent Doctor and The Heartless Mafia Lord (COMPLETED)Where stories live. Discover now