Lyka POV
"doc lyka sigurado ka bang ligtas kami dito?" nag aalalang tanong sa akin noong singkit na lalake.
"ligtas kayo dito, private property ko 'to"
sagot ko habang pinipigilan ang paglabas ng madaming dugo.tinawagan ko na kasi ang caretaker ko sa dati kong mansion.ilang sandali pa ay nandoon na kami, tinahak pa kasi namin ang mahabang daan papunta doon.ng tumigil na ay agad kaming lumabas sa loob at sinalubong kami ng mga tauhan ko dito sa mansion.
"ma'am lyka ano pong nangyayari? bakit may tama siya?" nag aalalang tanong sa akin ng caretaker kong si manong berning.
"mamaya ko na po ipapaliwanag, yung mga gamit po ba hinanda niyo na?"
"yes ma'am. na kahanda na" sagot niya kaya na patango ako
"ipasok niyo siya sa loob ng matanggal ko na ang bala sa tagiliran niya"
utos ko saka na unang naglakad papasok sa loob, ng makapasok kami ay agad kong dinala si phoenix sa itaas kung saan ay nandoon ang mga gamit ko.
"ilapag niyo diyan"
sabi ko kaya ilinapag na nila at agad kong kinuha yung mga gamit na gagamitin ko."ako ng bahala dito, sa labas na muna kayo" sabi ko dahil mas gusto kong wala akong ibang kasama.
sumunod nalang sila kaya sinimulan ko na ang gagawin ko.sinimulan ko ng tanggalin yung bala sa tagiliran niya.ng matanggal ko na ng maayos ay agad ko ng linagyan ng bandage iyon.
mabuti nalang at hindi malalim ang pagkakabaon ng bala. kaya ko naman gawin ang mga ganitong bagay.
ng na tapos na ako sa ginagawa ko ay tinawag ko na sila.
"ilipat niyo na siya sa kabilang kuwarto para makapagpahinga na" sabi ko habang tinatanggal ko ang surgical mask at surgical gloves ko. maingat nilang ilinapat sa kabilang kuwarto si phoenix at sumunod din ako sa kanila.
"doc kamusta na po si boss?"
"maayos naman na siya, na tanggal ko na ang bala, kailangan nalang niyang magpahinga" paliwanag ko saka naglakad palapit sa kanila.
"baka naman ngayon ay pwede niyo ng ipaliwanag sa akin kung ano ang nangyayari?" sabi ko kaya nagkatinginan silang dalawa.
hindi ko talaga alam kung anong nangyayari at bakit may mga humahabol sa kanila.mas mabuti siguro kung dito ko muna sila patutuluyin pansamantala.
YOU ARE READING
The Innocent Doctor and The Heartless Mafia Lord (COMPLETED)
De TodoLyka Suarez was a doctor with a mysterious personality with her past, pilit niyang tinatakasan ang nakaraan niya na kahit kailan ay hindi na niya gugustuhin pang balikan. One day she encountered Phoenix Vance Koufax Monroe, the mafia lord, in their...