Lyka POV
Mabilis naman lumipas ang oras dahil umaga na ngayon, agad naman akong nag handa dahil kailangan ko pang tignan si phoenix, ang pinsan ko namang si Eloise na galing pa sa America ay nasa kabilang kuwarto.
pwede ko naman siyang kausapin, minsan kasi ay mahirap siyang kausap kapag galit siya, pero mabait naman siya na kakatakot nga lang kapag galit.
kaya iniiwasan ko talagang hindi siya magalit dahil baka tuluyan na niya akong ilibing ng buhay, mainitin pa naman ang ulo, ng na tapos na ako magbihis ay lumabas na ako ng kuwarto ko saka naglakad na palapit sa kuwarto ni phoenix.
"Lyka!"
na patigil ako ng marinig ko ang boses ng pinsan ko kaya na palingon ako.
"good morning insan! may kailangan ka?"
"good morning din" pagbati niya
"na saan pala yung mga lalake na dinala mo dito?"
"baka nasa baba na sila kumakain, bakit?"
"I just want to talk to them" sagot niya kaya tumango nalanga ko.
naglakad na siya palayo kaya lumapit na ako sa kuwarto ni phoenix saka kumatok at pumasok sa loob.
"phoenix gising ka na ba?" tanong ko ng makapasok ako saka sinra ang pinto, nag lakad na ako palapit at na kita ko siya sa may veranda.
"lilinisan ko pala ang sugat mo" sabi ko saka ilinapag yung dala ko.ng mapatingin ako sa kaniya ay na pansin kong sobrang seryoso niya na para bang may malalim na iniisip.
"phoenix?" pagtawag ko uli kaya na palingon siya.
"lilinisan ko sana ang sugat mo?" pag uulit ko kaya naglakad na siya palapit sa akin habang seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha, umupo na siya kaya sinimulan ko ng linisab ang sugat niya.
"sino nga pala yung mga himahabol sa inyo?" tanong ko habamg linilinis ang sugat niya pero wala akong ba rinig na sagot mula sa kaniya sa halip ay malamig niya lang akong tinignan.
"that's non of your business" malamig niyang sagot at ilang sandal pa ay tumahimik na uli ang buong paligid.
"hindi ka din palakuwento noh?" pagbasag ko sa katahimikan.
"nga pala may iba ka bang pamilya na pwede kong tawagan?"
"for what?"
"sasabihin ko lang sana na maayos ka, baka kasi nag aalala na sila" sagot ko saka pinalitan ang bandage niya.
kailangan ko na ding pumasok dahil ang dami ng missed calls sa akin ni doc leo, paniguradong sesermunan na naman niya ako dahil sa biglaan kong pag-alis kahapon ng walang maayos na paalam.
ayoko sanang pumasok kaya lang baka sunduin ako dito ni doc leo at sipain pabalik sa hospital, sinabi ko kay jamie na bukas na bukas din ay babalik na ako.
"how about wife? do you have a wife?" tanong ko at saktong na tapos ko ng ilagay ang bandage.
na kita kong nagbago ang ekspresyon ng mukha niya na para bang hindi na dapat ako nag tanong.
kinuha niya ang damit niya saka naglakad palabas, hindi ko nalang siya pinansin at ilinigpit ko nalang ang mga gamit ko, agad akong bumaba saka pumunta doon.
"good morning!-"
hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng makita kong naglalakad palayo yung tatlo at papunta sa gawi ko..
"buhay pa tayo diba? diba? diba?" dinig kong tanong ni theo na para bang na trauma silang tatlo at mga tulala.
"may problema ba?" tanong ko saka hinawakan sila sa balikat pero na gulat ako ng bigla silang nag sisigaw at tumakbo palayo.
"sandali anong nangyayari sa mga iyob; may ginawa ka na naman ba?" tanong ko.
"wala, I'm just talking to them, bigla nalang sila nagkaganyan"
"sigurado ka? eh parang na trauma yata sila dahil saysay eh" sabi ko.
hindi ko alam kung ano ang mga pinag usapan nila, pero isa lang ang sigurado ako at iyon ay tinakot na naman niya ang mga dinala ko dito!
![](https://img.wattpad.com/cover/275678000-288-k320977.jpg)
YOU ARE READING
The Innocent Doctor and The Heartless Mafia Lord (COMPLETED)
RandomLyka Suarez was a doctor with a mysterious personality with her past, pilit niyang tinatakasan ang nakaraan niya na kahit kailan ay hindi na niya gugustuhin pang balikan. One day she encountered Phoenix Vance Koufax Monroe, the mafia lord, in their...