Chapter 60

3.7K 78 9
                                    

Lyka POV 

"Lady lysandria ito na po yung pinapakuha niyo" 

"thank you, you can leave" sabi ko ng makuha ko ang folder na iyon. 

isang linggo na din kasi ang na kakalipas simula ng bumisita ako sa libingan ni jamie kasama sila eloise. 

madami naman kaming ginawa ng araw na 'yun at siyempre kasama ko din si phoenix, sobrang saya ko ng araw na 'yun dahil bukod sa death anniversary ni jamie ay birthday ko din ng araw na 'yun. 

pero may parte sa puso ko ang natatakot na baka may mangyari na naman na masama kapag naging masaya uli ako. 

parang na kakatakot ng maging masaya kung ang kapalit ng pagiging masaya ko ay buhay ng taong pinakamahalaga para sa akin.

kaya nga ginagawa ko ang lahat ng ito para makalaya na ako dahil hangga't hindi ako na kakalaya ay mauulit at mauulit lang ang lahat. 

sa lumipas na isang linggo ay walang araw na hindi ako na kakatanggap ng message at tawag kay phoenix. 

pinipigilan ko ang sarili ko na madala sa mga pagtawag at pag-messsage niya dahil kailangan kong mag-focus sa ginagawa ko. 

kontrolado ko na ang lahat ngayon pero masiyado pa din matigas ang iba lalo na si claire at ang iba kong pinsan na kontra sa gusto kong mangyari. 

tatanggalin ko na kasi ang harang na nag-lilimita sa mga mafia na makapasok sa property naming mga assassins at pinapayagan ko na din sila na makapasok at makalabas sa mga property namin. 

na kausap ko na si phoenix tungkol dito sa plano ko at ang sabi naman niya ay kontrolado na niya ang lahat sa pamilya nila at may iba din na tutol sa gusto niya. 

hindi ko pa na kakausap si grandma tungkol dito pero na kausap ko naman na si grandpa para dito. 

hindi din kasi magiging madali na mapag-sama ang mga mafia at mga assassins dahil na din sa matagal na batas na sinusunod naming lahat. 

hindi namin gagalawin ang mga mafia at hahayaan namin sila na makapasok sa mga property na hawak namin at ganoon din ang mga mafia. 

mag-kakaroon ng bagong kasunduan ang mga mafia at ang mga assassins, na pag-usapan na namin ni phoenix ang tungkol sa ganito. 

hindi naman kasi pwede na habang buhay nalang na ganito, ayokong maulit ang mga nangyayari ngayon para sa mga dadating pa. 

hindi ko din gusto na bumuo ng isang pamilya sa isang magulo na pamilya na mayroon ako.

hindi ko alam kung sino ang puno't dulo ng rule na sinusunod naming lahat pero panahon na din para baguhin ang rule na 'yun since ako naman na ang na mumuno sa buong assassins. 

hindi ko naman gagawin ang lahat ng 'to para lang sa sarili kong kaligayahan, para din naman sa lahat ang gagawin ko at hindi lang para sa 'kin. 

kalat na kalat na din ang balita tungkol sa pagpapakasal ni eloise at leo, sobrang kontra ang iba dahil sa gagawin nila. 

na galit pa ang iba ng malaman na may anak sila, hindi din matanggap ng mga magulang ni eloise ang tungkol sa relasyon nilang dalawa. 

kailangan din nila na ipakita na walang mali sa desisyon na gagawin nila at ngayon na alam na ng lahat ay hinigpitan ko pa ang seguridad nilang dalawa ni lochlan. 

ang mga tauhan ko mismo ang mga pinadala ko para siguraduhin na walang mangyayari sa kanila na masama habang pinag-hahandaan nila ang kasal nila. 

seryoso naman si leo sa ginagawa niya at may tiwala naman ako sa kaniya na hindi niya papabayaan ang mag-ina niya. 

hindi ko pa din na kakausap si eloise simula ng araw na 'yun, madami din siguro siyang ginagawa kasama si leo. 

The Innocent Doctor and The Heartless Mafia Lord (COMPLETED)Where stories live. Discover now