Lyka POV
Mabilis naman lumipas ang oras at hindi din ako na katulog ng maayos kagabi kakaisip sa honeymoon na sinasabi ni ate rhea.
hinatid pa kami ni ate rhea sa airport kanina, maaga ang flight namin papuntang japan kaya maaga din kaming naghanda.
hindi naman madami ang dinala kong mga gamit at ako din ang nag-ayos ng mga gamit ni phoenix dahil wala na siyang oras para gawin iyon.
hindi kasi siya umuwi kanina at sa airport nalang kami nagkita, mga dalawang linggo din ang pinayagan ni doc leo na hindi ako pumasok.
nandito na kami ngayon sa mansion nila phoenix, traditional ito pero maganda, habang nag-aayos ako ng mga gamit ko ay na patigil ako ng magring ang phone ko kaya ng kunin ko iyon ay nakita kong si eloise ang tumatawag kaya sinagot ko na at linoud ang speaker.
[oh nasa japan na ba kayo?]
"oo kakadating lang namin dito" sagot ko at sinabi ko din sa kaniya na pupunta kami dito ni phoenix.
[talagang diyan niyo pa na piling mag-honeymoon ah?]
"hindi naman sa ganoon pero pinoproblema ko talaga yung pagsasalita ko ng japanese, alam mo naman na hindi ako marunong magsalita ng japanese"
[really lyka? sa tinagal-tagal nating tumira noon diyan sa japan ay hindi ka marunong magsalita ng japanese? sinong linoko mo! ang galin galing mo kayang magsalita ng japanese!]
"noon yun, pero na kalimutan ko na eh saka matagal na din kasi simula ng huli akong makapunta dito"
tugon ko saka inayos na ang pagkapatong-patong ng mga damit namin dito.
[alam ba ni grandpa na nandiyan kayo ngayon?]
"hindi ko pa nasasabi sa kaniya eh pero siguro mamaya din sasabihin ko"
[anong balak niyo diyan? since na honeymoon niyo naman ay maglilibot ba kayo ngayon diyan? madami kayang magagandang lugar na pwede niyong puntahan diyan]
"sa ngayon wala pa kaming napag-uusapan ni phoenix, mamaya ko palang siya kakausapin"
[dala mo ba yung pangginaw mo? malapit ng magwinter diyan ngayon sa japan, paniguradong malamig na diyan sa susunod na araw]
"dala ko, nandito sa akin"
[good, huwag mo din kakalimutan na dalawin siya diyan, ngayon ka lang uli na kabalik diyan, dalawin mo siya diyan, magwawalong taon na simula ng ilinibing natin siya diyan]
"oo dadalawin ko siya, gusto ko din siyang makita"
[sayang hindi ako makakasama sayo diyan ngayon, honeymoon niyo kasi eh saka balak ko ding pumunta diyan kasama ka]
"pwede naman siguro kung mauulit pa"
[hanggang kailan mo ba kasi balak takbuhan ang lahat? lyka ang tagal na ng bumalik ka diyan, bumalik ka nga diyan pero para sa honeymoon naman]
"alam mo naman ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay ayoko pa ding bumalik dito"
[of course I know your reason, pero baka pagbalik mo niyan ay may buntis ka na? you know.....]
"baliw! hindi mangyayari yang nasa isip mo!"
[sigurado ka ba? baka mamaya-]
"callate!"
Translation Spanish to English: Shut up
tugon ko saka na patingin nalang sa labas, hindi ko na kasi siya na pupuntahan dito, siguro magdadala nalang ako ng paborito niyang bulaklak, binaba ko na ang tawag saka lumabas ng makita ko si phoenix.
YOU ARE READING
The Innocent Doctor and The Heartless Mafia Lord (COMPLETED)
CasualeLyka Suarez was a doctor with a mysterious personality with her past, pilit niyang tinatakasan ang nakaraan niya na kahit kailan ay hindi na niya gugustuhin pang balikan. One day she encountered Phoenix Vance Koufax Monroe, the mafia lord, in their...