Chapter 29

2.2K 54 4
                                    

Lyka POV

Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil kailangan ko pang paghandaan si phoenix ng agahan niya.

nag-isip din ako kagabi kung saan kami pwedeng pumunta ni phoenix para mamasyal, madami din kasing pagpipilian dito na pwede naming puntahan ni phoenix.

minsan lang naman namin mararanasan ang ganitong bagay kaya susulitin na namin dahil kapag bumalik kami ay magiging abala na kami sa mga trabaho namin.

"Ohayou gozai masu!"
Translation Japanese to English: Good morning!

pagbati sa akin ni theo ng makapasok ako sa kusina, na kita kong siya palang ang nandito ngayon at hindi niya kasama yung dalawa.

"good morning, ang aga mo yatang gumising?"

"may pupuntahan papo kasi kami ni boss mamaya kaya inagahan ko yung paggising"

"yung dalawa gising na ba?"

"tulog pa po sila eh" sagot niya kaya tumango nalang ako.

lumapit na ako sa refrigerator saka binuksan iyon, hindi pa naman ako nagugutom dahil na din sa dami ng kinain ko kagabi.

balak kong gumawa ng sushi at misoshiru pati na ng rice ball. marunong naman akong gumawa ng mga iyon dahil dati ay ako madalas ang nagluluto ng pagkain ko dahil madalas ay ako lang ang na iiwan sa mansion namin dati dito sa japan.

kumpleto naman dito sila phoenix ng mga ingredients kaya hindi na ako na hirapan na gumawa, sinimulan ko na ang paggawa ng mga iyon, si theo naman ay pinuntahan yung mga kasama niya.

ng na tapos ko ng gawin ang lahat ay ilinagay ko na sa ibabaw ng dining table at naglagay na din ako ng plato pati na ng iba na gagamitin ni phoenix.

tinanggal ko na agad ang apron na suot ko saka sinabit sa gilid, pumunta na ako sa bathroom dahil kailangan ko ng umalis at may dadalawin pa ako.

matagal na din simula ng na kadalaw ako sa kaniya, hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa din matanggap na wala na siya dahil sa akin.

ng na tapos na akong maligo ay agad akong nagbihis, simple lang ang sinuot ko, nag-suot ako ng red dress ko na lagpas tuhod .

ng na tapos na ako sa paghahanda ay agad akong lumabas ng kuwarto saka nagtungo na sa ibaba para tignan kung kumakain na ba si phoenix, ng makarating ako doon ay na abutan kong kumakain na si phoenix at na patigil pa siya ng makita ako.

"where are you going?" seryoso nitong tanong

"may dadalawin lang ako, babalik din naman agad ako" paliwanag ko

"magsabi ka kung uuwi ka para masundo ka nila" sabi niya kaya tumango nalang ako.

hindi ko siya kinulit dahil kailangan ko na ding umalis at ng makapunta ako doon ng maaga, wala namang ibang gagawin si phoenix ngayon, ang alam ko ay nasa mansion lang siya buong araw pero siyempre hindi ako papayag na nandoon lang siya buong araw.

may plano na ako sa mga gagawin ngayong araw at sisiguraduhin kong sasama siya dahil hindi naman maganda kung ako lang ang pupunta.


Sumakay na ako sa sasakyan na pinahanda ko pa dahil malayo-layo din ang pupuntahan ko, habang nasa biyahe ako ay panay ang pagmessage ko kay phoenix pero sa mga message na sinend ko ay iilan lang ang sinasagot niya.

madami kaming na dadaanan na mga puno ngayon at malapit na ding magwinter,  inabot pa ng apat na oras ang biyahe ko at bago kami makarating doon ay tumigil muna ako sa isang flower shop dito.

binili ko yung paborito niyang bulaklak at ng mabili ko na ay agad akong bumalik sa loob ng sasakyan, malapit na din naman na kami doon.

ilang sandali pa ay tumigil na kami kaya humugot ako ng isang malalim na paghinga saka lumabas na ng sasakyan.

naglakad na ako papasok sa libingan niya at habang naglalakad ako ay nararamdaman kong bumibigat ang pakiramdam ko.

bawat hakbang na ginagawa ko ay siyang lalong pagbigat ng pakiramdam ko, hindi ko pa din talaga kayang harapin siya pero kailangan dahil matagal na din simula ng ilinibing ko siya dito.

ng tumigil na ako sa harap ng puntod niya ay ilinagay ko na sa gilid ang dala ko para sa kaniya saka lumuhod ako para makaupo.

"pasensiya na po kung ngayon ko lang uli kayo na dalaw" sabi ko habang pinupunasan ang lapida nila, may tagabantay naman sila dito na linilinisan ang puntod nila buwan buwan.

"kamust na po kayo diyan papa? alam niyo po bang ang dami ko ng gustong ikuwento sa inyong dalawa, kung nandito siguro kayo ay iba ang magiging takbo ng buhay ko" dugtong ko 

naramdaman kong bumibigat ang pakiramdam ko at hindi ko na din na pigilan ang pagtulo ng luha ko ng maalala ko ang mga nangyari noon.

"gustong gusto ko na po kayong makasama papa, bakit ba kasi hindi niyo nalang ako sinama, ang daya niyo naman eh, iniwan niyo na agad ako, hindi manlang tayo nagkasama ng matagal" pagpapatuloy saka pilit na pinipigilan ang pagtulo ng luha ko.

hindi kasi gusto ni papa na nakikita akong umiiyak, ayaw niyang makita akong umiiyak.

"pa, alam niyo po ba may asawa na ako" kuwento ko,  "deal nga lang po ang meron kaming dalawa pero kahit ganoon ay masaya pa din ako, gusto ko pa siyang makilala, para kasing sobrang lungkot niya? saradong sarado po ang puso niya ngayon, kahit na madalas niya akong sinusungitan ay hindi ko pa din siya magawang layuan, pakiramdam ko po kasi may magagawa ako para kaniya" pagpapatuloy ko saka pilit na ngumigiti.

may kinuwento pa akong ibang bagay sa kanila, hindi ko na din namalayan ang oras, na pagpasiyahan ko ng umalis dahil hindi din ako pwedeng magtagal dito.

"aalis na po ako, baka hinihintay na din ako ni phoenix, hindi ko po alam kung kailan uli ako makakadalaw sa inyo" paalam ko saka huminga ng malalim.

"ma'am lyka!" 

na palingon ako ng may tumawag sa akin at ng mapalingon ako ay na kita ko sila chasin kasama si phoenix?

"phoenix? bakit ka nandito? ang akala ko ba may gagawin ka pa?" tanong ko ng makalapit sila, na patingin pa sila sa lapida nila papa.

"I came to fetch you" sagot niya kaya na tigilan ako.

"ang akala ko ba sila ang susundo sa akin?"

"no, wala naman akong ginagawa kaya na isipan kong sunduin ka, gusto din kitang dalhin sa ibang lugar dito sa japan" seryoso niyang paliwanag kaya na patitig ako sa kaniya pero umiwas siya ng tingin.

"ma'am lyka sino po pala sila?" tanong ni chasin kaya na patingin ako sa kanila.

"one of my relative" maikli kong sagot,   "bakit walang pangalan ang na kalagay dito sa isa?" tanong naman ni theo.

"huwag niyo ng pansinin yan, isa din siya sa pamilya ko" sagot ko saka na patingin pa sa lapida niya.

"let's go"

sabi ni phoenix saka na unang naglakad palayo kaya agad akong sumunod sa kaniya sa kasama yung tatlo.




The Innocent Doctor and The Heartless Mafia Lord (COMPLETED)Where stories live. Discover now