Chapter 2

4.2K 88 1
                                    

Lyka POV

Ng makababa na ako ay agad akong nag-tungo sa loob ng office naming mga doctor dito, nag-mamadali ako sa paglalakad ko papasok sa loob at ng makapasok ako ay agad kong tinanggal ang gown na suot ko saka sinabit sa gilid.

oras na ng new episode ng kdrama na pinapanood ko at dito nalang ako sa office manonood dahil kung uuwi pa ako ay hindi ko na maabutan iyon, tapos na din naman na ang shift ko dito kaya may oras na ako para makapanood, binuksan ko na ang laptop ko saka hinanap yung new episode, ng mag-simula ay talagang tutok na tutok ako.

"oh tapos na ang shift mo?"

na patigil ako sa panonood ng marinig ko ang boses ni doc jamie kaya na patingin ako sa kaniya.

"oo eh, kakatapos lang" sagot ko saka ibinalik na ang paningin at atensyon ko sa panonood ko.

"baka naman hindi mo na magawa yung pinapagawa sayo ni doc leo niyan" sabi niya

"mamaya ko nalang tatapusin iyon" sagot ko, hindi talaga ako kumurap sa panonood ko at malapit na ding matapos ito eh kaya talagang inaabangan ko.

isang oras ang lumipas at na tapos na kaya na pasandal ako sa upuan saka na paunat ng mga braso ko.

"oh ano tapos na?"

"oo eh kakatapos lang, grabe hindi pa din ako makapaniwala na malapit ng matapos" sagot ko habang nag-uunat.

"naku bilisan mo na diyan at baka biglang dumating si doc leo" sabi iya at ang tinutukoy niya ay yung mga file report ng mga patient namin dito sa hospital, binigay sa akin iyon ni doc leo kanina dahil may gusto daw siyang ifollow up sa mga file.

"Lyka are you here?" na patigil ako sa pag-uunat ng madinig ko ang boses ni doc leo na tinatawag ako, "oh speaking of doc leo" sabi ni jamie saka nag-lakad na palayo.

"bakit doc?" tanong ko saka tumayo na kaya na patingin siya sa akin at na kita kong naglakad siya palapit sa akin.

"yung patient sa room 204 sa third floor sa private room, na saan na yung form na pinapagawa ko sayo?" tanong niya ng makalapit siya.

"ah yun ba doc, nandoon pa sa kanila eh, binigay ko sa kanila sila na daw ang mag-sasagot ng form"

"hindi ba sinabi ko sayo na asikasuhin mo iyon dahil kailangan ko na yung form na yun" mariin niyang saad

"ito na nga po doc kukunin ko na" sabi ko at agad na pinatay yung laptop ko saka sinuot yung gown ko.

"hurry! kanina ko pa sayo inuutos sayo yan!" sigaw ni doc leo kaya nag-mamadali akong lumabas doon, agad akong pumunta sa third floor, siguro naman ay tapos na nilang sagutan yung form, ng nasa tapat na ako ng pinto ay kumatok muna ako bago puamasok sa loob.

"doc! nandito po pala kayo!" sabi sa akin noong singkit na lalake ng makita ako, "kukunin ko lang sana yung form na binigay ko kanina" sabi ko.

"ito po, tapos na po naming sagutan"

binigay nila sa akin iyon kaya kinuha ko na saka binasa yung na kalagay sa loob ng form, na basa kong 'phoenix' ang pangalan ng pasiyente, tinanong ko din sa kanila kung tapos na bang inumin ng pasiyente yung gamot pero wala akong na rinig na sagot mula sa kanila.

"ang sabi ko, tapos na ba niyang inumin yung gamot na binigay ko kanina?" pag-uulit ko saka lumapit sa kanila na busy sa panonood ng laptop at agad pang na patayo yung dalawa ng makita akong lumapit sa kanila.

"sandali ano yang pinapanood niyo?" tanong ko at agad nilang sinara yung laptop, "wala doc!"

sabay nilang sagot saka pasimpleng ilinayo yung laptop. 

The Innocent Doctor and The Heartless Mafia Lord (COMPLETED)Where stories live. Discover now