Lyka POV
Kaagad namin dinala sa pinakamalapit na hospital si phoenix, sobra din akong nag-aalala dahil sa dami ng dugo na nawala sa kaniya.
ng tumigil na kami ay agad kong binuksan ang pinto ng sasakyan saka nag-mamadaling lumabas at tinulungan din ako ni chasin na mailabas si phoenix.
may mga lumabas na ilang mga nurse mula sa loob at ihiniga sa stretcher kaya agad na namin itong tinulak papasok sa loob.
"phoenix nandito na tayo! please huwag ka munang matulog!"
sigaw ko habang tinataik tapik ang mukha niya para gisingin pero kahit anong gawin ko ay hindi niya pa din dinidilat ang mga mata niya.
"nurse pakibilis naman! ang dami ng nawawalang dugo sa kaniya!" sigaw ko sa kanila kaya lalo pa nilang binilisan ang pagtutulak at na kasunod din si chasin.
"phoenix! please hold on!"
mahahalata sa tono ng boses ang pag-aalala at ang panginginig ng boses ko, ng makarating na kami sa E.R ay na patigil ako ng pinigilan nila akong makapasok sa loob.
"I'm a doctor, I'm doctora Lyka Suarez Monroe from Leonardo Hospital" nag-kandautal-utal ang boses ko habang nagpapaliwanag ako.
"please at least let me help?"pakiusap ko at hindi ko din na pigilan ang panginginig ng mga kamay ko.
"doctora lyka kami na po ang bahala dito, kaya naman po namin gamutin ang tama niya, we will do our best to save him, but for now all you can do is to wait" paliwanag nito.
gusto ko sanang tumulong kaya lang hindi din nila ako basta-bastang hahayaan na tumulong lalo na at hindi ito sakop ng hospital ni doc leo.
hindi na ako nag-salita pa at bago tuluyang maisara ang pinto ay na pasulyap muli ako kay phoenix.
ng tuluyan ng sumara ang pinto ay tuluyan ng bumigay sa panlalambot ang mga tuhod ko na ramdaman ko ang paglapat ng balat ko sa malamig na sahig.
sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko at para akong na walan ng lakas ng makita ko ang kalagayan ni phoenix ngayon.
hindi ko na napigilan ang paglabas ng mga luha ko hanggang sa na pahagulgol nalang ako ng iyak.
p-please don't cry, hindi ko gustong na kikita kang umiiyak...
s-smile, please?
Muling bumalik sa isip ko ang boses ni papa.
h-hindi!
h-hindi na mangyayari uli iyon.
hindi pwedeng pati si phoenix ay mawala sa akin.
Parang pinipiga ng paulit-ulit ang puso ko ngayon at ng mapatingin ako sa kamay ko ay punong-puno ito ng dugo kaya hindi ko mapigilan ang panginginig ng mga kamay ko.
"ma'am lyka tumayo na po kayo diyan, kailangan din magamot yang sugat sa kamay niyo" na tauhan ako ng marinig ko ang boses ni chasin.
pinahid ko ang luha sa mukha ko gamit ang kaliwang kamay ko saka pilit na tumayo kahit na nanlalambot pa din ang dalawang tuhod ko.
umiling nalang ako kay chasin ng akmang tutulungan niya ako at kahit na nanlalambot ang buong katawan ko ay pinilit ko pa din maglakad.
"ma'am lyka kailangan-"
"i-ikuha mo nalang ako ng first aid, ako ng bahala maglinis nitong sugat ko at pakuha na din ng dress ko sa loob ng handbag ko" utos ko sa kaniya at hindi ko pa din mapigilan ang panginginig ng boses ko.
YOU ARE READING
The Innocent Doctor and The Heartless Mafia Lord (COMPLETED)
RandomLyka Suarez was a doctor with a mysterious personality with her past, pilit niyang tinatakasan ang nakaraan niya na kahit kailan ay hindi na niya gugustuhin pang balikan. One day she encountered Phoenix Vance Koufax Monroe, the mafia lord, in their...