Third Person POV
"LYKA UMAAPAW NA YUNG TUBIG!"
biglang sigaw ni eloise dahilan para matauhan si lyka mula sa pag-kakatulala nito.
na gulat ito ng makitang umaapaw na ang linalagay niyang mainit na tubig para sana sa coffee na kaniyang tinitimpla.
sinubukan niya itong hawakan pero pinigilan siya ng kaniyang pinsan dahil alam nitong mapapaso ito kapag hinawakan niya ito.
"ano ka ba huwag mong hawakan yan, mapapaso ka sa ginagawa mo eh" sabi nito saka hinila siya palayo doon at pinunasan iyon.
na pansin nito ang pagkabalisa ni lyka simula ng dumating siya na para bang may ibang iniisip ito na malalim.
"ano bang nangyayari sayo? kanina ka pa ganyan ah?" tanong nito ng matapos na siyang magpunas.
"w-wala, may iniisip lang ako" sagot nito at pilit pang pinasigla ang boses niya.
"may problema ba? nag-talo na naman ba kayo ni phoenix?" tanong nito dahil nag-aalala siya para sa kaniya.
"hindi naman, hindi ko lang kasi alam kung paano ko sasabihin sa kaniya ang totoo" paliwanag nito kaya na pakunot ang noo niya.
"what do you mean?"
"Eloise I'm the one who killed layla" diretso nitong sagot kaya hindi agad ito na kakilos.
bigla nalang nag-bago ang ekspresyon ng mukha nito ng marinig ang sinabi ni lyka.
"lyka alam kong hindi ka marunong magpatawa kaya kung pwede huwag ka naman mag-biro ng ganyan" sabi nito.
hindi niya kayang tanggapin ang sinasabi nito dahil alam niya kung ano ang mangyayari kapag nalaman nila kung sino talaga sila.
"It's true, sinabi niya sa akin ang lahat. Eloise ako ang na kapatay kay layla" saad nito pero umiling-iling lang ito.
"talagang maniniwala ka sa sinasabi ng kapatid mo? lyka huwag ka ngang maniwala sa mga sinasabi niya. Hindi pwedeng ikaw ang na kapatay sa kaniya, alam mo kung ano ang mangayari kapag nalaman nila kung sino tayo" giit nito.
na tatakot ito sa pwedeng mangyari kapag nalaman nila kung sino sila lalo na kapag nalaman ng mahal niyang si leo kung sino talaga siya.
"alam ko pero eloise ako talaga yung na kapatay kay layla, hindi ko makakalimutan yung araw na napatay ko siya. Yun din yung araw na.....na" hindi nito matuloy ang sinasabi niya dahil para siyang pinapatay ng paulit-ulit sa loob niya kapag naalala niya iyon.
hindi niya nakakalimutan ang mga mukha ng mga pinatay at napatay niya noon.
hindi na kapagsalita ang pinsan niya at gustuhin man nila na itanggi ay hindi din nila ito matatakasan.
na balot sila ng katahimikan at walang gusto ang mag-salita ni isa sa kanila hanggang sa pumasok sa loob ng kusina ang kaibigan nilang si jamie.
"Oh bakit ang tahimik niyo? may problema ba?"
pagbasag nito sa katahimikan na bumabalot sa dalawa kaya umiling nalang silang dalawa.
"kamusta na pala yung inaasikaso mo?" tanong ni lyka kaya na patingin sa kaniya si jamie.
"maayos naman na, naayos ko na yung problema sa negosyo namin. Pero mawawala din ako ng ilang araw dahil baka matagalan pa ako bago makabalik dito" paliwanag nito saka na upo sa tabi nila.
hindi naman na bago sa dalawa kung aalis na naman ang kaibigan nila dahil ilang beses na din nangyari ang ganoon sa kanila.
tinignan ni jamie ang dalawa at alam niyang may problema sa pagitan ng dalawa pero kahit tanungin niya ay hindi din siya sasagutin ng dalawa.
YOU ARE READING
The Innocent Doctor and The Heartless Mafia Lord (COMPLETED)
RandomLyka Suarez was a doctor with a mysterious personality with her past, pilit niyang tinatakasan ang nakaraan niya na kahit kailan ay hindi na niya gugustuhin pang balikan. One day she encountered Phoenix Vance Koufax Monroe, the mafia lord, in their...