Lyka POV
Mabilis naman lumipas ang oras dahil gabi na ngayon, tambak pa din ang mga ginagawa ko dahil naipon ang lahat ng mga iyon.
na patigil ako sa ginagawa ko ng may maglagay ng coffee sa ibabaw ng table ko kaya ng mapaangat ako ng tingin ay na kita ko si doc jamie.
"coffee, alam ko kasing hindi ka pa kumakain simula kaninang lunch kaya ayan na muna" sabi niya kaya na pangiti ako.
"salamat"
"kamusta na pala yung patient sa room 204? yung patient ni doc leo?" tanong niya saka umupo na sa swivel chair niya.
"maayos naman na siya, bukas na bukas din ay madidischarged na siya" sagot ko
dahil ang akala ko kanina ay umalis na siya dahil nga sa na kabihis na siya pero hindi pa pala siya umaalis.
"doc lyka pwede bang ikaw muna ang magbigay nito gamot sa patient sa third floor room 206" sabi ni doc leo kaya na patingin ako sa kaniya.
"okay doc ako ng bahala, may patient din pala ako sa room 209 isasabay ko nalang" sabi ko saka tumayo na, oras na din pala para pumunta ako doon ngayon.
agad kong kinuha iyon sinuot na ang gown ko, naglakad na ako palapit sa pinto saka pinihit iyon pabukas at lumabas na doon.
agad akong natungo sa elevator saka pinindot iyon, hinintay kong bumukas ang pinto at may ilan din akong kasabayan ng pumasok ako sa elevator.
pinindot ko agad ang number three at hinintay kong bumukas uli ang pinto, ng nasa third floor na ako ay agad akong lumabas sa elevator saka inuna ko muna ang inuutos ni doc leo.
nagtungo ako sa room 206 at ng nasa tapat na ako ng pinto ay agad akong pumasok sa loob saka binigay na sa pasiyente ang gamot.
hindi naman ako nagtagal doon dahil may pasiyente pa ako na kailangan kong tignan.
agad akong pumunta doon saka tinignan ang pasiyente ko, ng makapasok ako sa loob ay na kita kong na tutulog na siya kaya iniwan ko nalang ang gamot na dala ko para sa kaniya saka lumabas na doon.
ng maisara ko na ang pinto ay na patigil ako ng makita kong may mga dugo sa sahig at ng sinundan ko iyon ay na patigil ako sa tapat ng pinto ng kuwarto ni phoenix.
agad akong pumasok sa loob at hindi ko alam kung anong meron kung bakit may mga dugo sa sahig.
"phoenix bakit may-"
hindi ko na natutuloy ang sinasabi ko ng makita ko si phoenix na nakaupo sa ibabaw ng hospital bed at may tama siya sa tagiliran niya.
nandito din yung dalawa at na gulat pa sila ng makita ako.
"sandali anong nangyayari, bakit may tama ka?" nag-aalala kong tanong.
"kailangan natin yan gamutin baka maimpeksyon ka-"
na patigil ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko para pigilan.
"doc kailangan na po namin umalis dito"
"sandali ano bang nagyayari, bakit may tama siya saka saan niya na kuha yan?" sunod sunod kong tanong.
"pwede namin yan sagutin mamaya doc pero kailangan na po talaga namin mailato si boss dito" sabi niya saka tinulungan na makatayo si phoenix.
"sandali lang sabi-----AHHH!"
na patili ako ng may biglang nagpaputok mula sa likod ko at na ramdaman ko nalang na nakadagan sa akin yung isang kasama ni phoenix.
"damn! they're here!" dinig kong bulong niya
"sandali sino sila?"
"you need to come with us"
seryosong tugon ni phoenix saka hinawakan ang kamay ko at hinila palabas doon kasama ang mga kasama niya.
sumakay kami kaagad aa elevator, gusto kong magtanong sa kung ano ba talagang nangyayari pero walang lumalabas na salita sa bibig ko.
ng nasa parking lot na kami ay may tumigil na van sa harap namin.
"boss tara na! malapit na sila!"
sigaw noong isa at agad akong hinila ni phoenix papasok sa loob.
"sandali lang anong nangyayari?"
"mamaya na namin ipapaliwanag doc, sa ngayon kailangan na muna natin lumayo" sabi niya ng makaandar na ang van.
"pero saan naman tayo pupuntax paniguradong na kaabang na sila sa atin doon" problemadong ani pa nito.
hindi ko alam kung dapat ba akong makielam sa problema nila pero kung hindi ko sila tutulungan ay baka kung ano pa ang mangyari sa kanila.
"may alam akong lugar, pwede ko kayong dalhin doon" pagsingit ko kaya na patingin sila sa akin.
"pero doc ligtas ba kami diyan?"
"oo ligtas kayo doon, sigurad ako" sabi ko.
hindi ko alam kung anong nangyayari at bakit may gustong pumatay sa kanila pero kailangan nila ng tulong ko.
YOU ARE READING
The Innocent Doctor and The Heartless Mafia Lord (COMPLETED)
RandomLyka Suarez was a doctor with a mysterious personality with her past, pilit niyang tinatakasan ang nakaraan niya na kahit kailan ay hindi na niya gugustuhin pang balikan. One day she encountered Phoenix Vance Koufax Monroe, the mafia lord, in their...