Chapter 15

2.7K 66 0
                                    

Lyka POV

Mabilis naman lumipas ang araw, ngayon na kasi yung oras na dadalhin ako ni phoenix sa kanila para ipakilala niya.

madami ding mga tinanong si grandpa tungkol sa relasyon naming dalawa at na gulat pa ako ng malaman kong bumibili na pala siya ng gamit para sa baby!

talagang gustong gusto na niyang magkaroon ako ng anak ah?

eh wala naman sa plano ko ang pagkakaroon ng anak noh!

"oh kamusta na yung pagpunta niyo sa bahay ng grandpa mo?" tanong ni doc jamie habang naglalakad kami palabas ng hospital.

tapos na kasi yung shift namin at talagang inagahan ko dahil kailangan ko pang maghanda para mamaya.

"maayos naman, mukhang na gustuhan din siya ni grandpa" sabi ko.

"oh mukhang nandito na ang susundo sayo" sabi niya kaya na patingin ako sa harap ko at na kita ko si phoenix kasama yung tatlo.

"mauuna na ako, good luck nalang diyan sa gagawin niyo" paalam niya saka sumakay na sa kotse niya kaya tumango nalang ako, agad akong lumapit kila phoenix.

"oh bakit kayo nandito, mamaya pang 8 pm ang usapan diba?" tanong ko ng makalapit ako.

"we need to prepare" malamig na sagot ni phoenix, "ha? ang aga pa ah?" sabi ko at kaya ko naman maghanda ng mag-isa eh.

"just do what I want" sabi niya saka hinila ako papasok sa loob ng sasakyan niya, hindi na ako umangal pa at sumakay nalang ako sa loob.

hindi ko alam kung saan kami pupunta pero ang sabi nila theo ay may designer daw si phoenix para sa susuotin at ayos ko para mamayang gabi.

tumigil na kami sa tapat ng isang building at pumasok sa loob, may sumalubong sa amin na isang babae.

"siya na ba ang aayusan namin?" tanong niya at ang tinutukoy niya ay ako.

"yes, make her beautiful" sabi ni phoenix na para bang hindi ako maganda!

"come, I will fix your look" sabi niya kaya lumapit nalang ako sa kaniya, dinala niya ako sa loob ng isang kuwarto at ng makapasok kami doon ay puno iyon ng mga gamit para sa babae.

hinayaan ko nalang siya sa mga ginagawa niya sa akin at hindi na ako kumontra, tumagal din ng ilang oras ang pag-aayos ko dahil kinailangan pang ayusin ang buhok ko.ng na tapos na sa pag-aayos ng buhok at paglalagay ng make-up ay pinapili nila ako ng susuotin ko, madami silang ilinabas na pagpipilian ko.

pinili ko yung off shoulder dress na kulay purple at may mga diamond din na nakalagay, sinuot ko na iyon at ng maayos na ang lahat ay lumabas na kami, gabi na din ng na tapos kami.

"so how was it? we really do our best to make her beautiful, well she have average face" sabi niya na para bang sinasabi niyang hindi ako maganda!

"good, let's go" sabi ni phoenix kaya agad akong sumunod sa kaniya.

"do your part, I already do my part" malamig niyang saad ng makasakay kami sa kotse niya.

oo na!

para naman kasing tatakbuhan ko eh

The Innocent Doctor and The Heartless Mafia Lord (COMPLETED)Where stories live. Discover now