Kabanata 1

8.6K 118 11
                                    

KABANATA 1



Naging madali ang mga araw. Minsan ko na lang nakikita si Daddy Zero pero tuwing gabi, nakakasabay naman namin siyang kumakain ni mommy.






Nasanay narin akong tawagin siyang daddy Zero, sinanay ko ang sarili ko kahit na nakakailang. Naging maayos na rin ang bahay dahil hindi na sila palaging nag-aaway. Minsan naman, nakikita ko silang nag-uusap, kaya masaya na ako roon.






I can now felt the presence of having a complete family.




Ang problema nga lang minsan ko lang sila nakikita dahil palaging busy sa mga bagay bagay.




"Should I put a make up on?" napatingin ako sa bakla na nagsabi nun.





Namomroblema siyang nakatingin sa salamin habang tinitingnan ang maliit niyang tigyawat malapit sa bibig. Nangingiyak na ang mata niya na tila may malaking problema.





Nandito kami sa cr ngayon ng school.





Natawa ako ng kunti dahilan kung bakit siya napatingin sa akin.





"Hestia! Walang nakakatawa!" inirapan niya ako kaya mas lalo akong napatawa.





Ang OA kase! Maliit lang naman ang tigyawat niya sa mukha pero kung makapagsalita siya ay parang mas malaki pa sa earth ang tigyawat niya.





"Calen, maliit lang 'yan." pagpapagaan ko sa loob niya. "Baka malapit na ang dalaw mo" biro ko.





Inirapan niya ako ulit.



Simula nang mag-transfer ako dito, si Calen lang ang nakasundo ko at nakakausap dahil narin sa magkatabi kami ng upuan. Ano rin kase siya...maingay at sa simpleng bagay namomroblema na.


"Paano nalang kapag nakita 'to ni Kuro?"


Napailing ako. Pareho naming gusto si Kuro, minsan nga pabiro niya pang hinihila ang buhok ko dahil mang-aagaw daw ako. 'Tong baklang 'to, napaka weird.

"May gusto sa akin si Kuro kaya hindi kana nun mapapansin" biro ko ulit.

Masama niya akong tinignan.

Kilala si Kuro dito sa campus. Hindi lang naman kami ang nagkakagusto sa kanya. Halos, lahat na ata ng babae dito ay may gusto sa lalaki, sino ba namang hindi? Kilala si Kuro bilang isang basketball player, singer at dancer. Halos tuwing may ganap dito sa school, siya palagi ang nakikita kong sumasayaw at kumakanta. Seguro dahil sa talent niya, sa paraan na iyon maraming nagkakagusto sa kanya. Matalino rin ito at mayaman, I heard na isang model ang kapatid niyang babae. Halos lahat sa kanya perpekto. Kaya rin seguro nagkagusto ako doon.

My Step Father's Temptation(Completed) Where stories live. Discover now