Kabanata 30

3.5K 128 47
                                    

KABANATA 30

NAPAHILAMOS ako sa mukha at napaupo sa kama. Malalim na buntong hininga ang nilabas ko at inangat ang tingin sa kisami ng kwarto. Umuwi ako sa bahay para matulog at makapagpahinga. Pero kahit anong higa at pikit ko ay hindi parin ako dinadalawan ng antok. Hapon pa kaya naiintindihan ko kaya hindi ako makatulog pero pagod ang katawan ko. Gusto kong magpahinga.


Tumayo ako at lumabas sa balkonahe. Humawak ako nang mahigpit sa balustre ng balkonahe. Tinanaa ko ang kotse ni Zero na papaalis. Saan naman kaya siya pupunta?

Nagtataka at naguguluhan parin ako sa mga salitang binitawan niya kanina. Naramdaman ko tuloy na parang may kasalanan ako sa kaniya kahit siya naman itong may kasalanan sa akin. Hindi ko alam kung papaano nakaya ng puso ko ang mga nalalaman. Akala ko hindi ko kakayanin pero hito ako ngayon, kung umakto ay parang wala lang sa akin ang lahat.

Pero sa totoo, gusto kong umiyak at sumigaw. Gusto kong lumayo sa mga tao at mapag-isa. Pero habang iniisip ko 'yun, napapatanong ako kung kaya ko nga bang mag-isa. Na walang nakikinig sa hinanakit ko at walang umaalo. Nakakatakot. Ayaw ko ng ganito.

Hindi ko alam kung papaano sila kakausapin nang normal. Hindi ko alam kung papaano tignan si Mommy nang hindi siya hinuhusgahan sa pagsisinungaling sa akin. Hindi ko rin alam kung papaano harapin ang ama ko. Parang hindi ako handa sa lahat at nabigla lang. Gusto kong umiyak, pero ayaw ng mata ko.

Pumasok din ako sa kwarto nang marinig na nag-ring ang cellphone. Kinuha ko iyonnat tinignan kung sino bago sinagot. Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita.

“Hello? Dale bakit?”

Ilang segundo pang tahimik ang kabilang linya bago ito nagsalita.

“Hestia? Anong nangyari sa pag-uusap niyo ni Hanz?”


Bahagyang nangunot ang noo ko.

“Darren?” paniniguro ko kung sino ang kausap.

Nakarinig ako ng tawa ni Dale sa kabilang linya at mahinang pagmura ni Darren.

“Paano mo nalaman na ako 'to?” inis nitong tanong


“Hindi Hanz ang tawag ni Dale kay Uncle Zero.”

Natahimik muli ang kabilang linya. Bagaman kakambal sila ay malalaman ko parin kung sino si Dale at Darren. Medyo magkaiba sila ng boses kaya madali kung malaman. May pagka-strikto ng kunti ang boses ni Darren at parang galit din ito kung magsalita. Si Dale naman ay minsan seryoso minsan gago.

“Nagalit ba sa'yo?” si Dale na ang nagtanong.

“Hindi naman. Nasa kwarto ako at umalis siya.” sagot ko sa kaniya.

Marami siyang tinanong sa akin at sinabi. Maya-maya pa ay binaba narin nila ang tawag dahil may pupuntahan pa ang dalawa. Bumaba nalang rin ako dahil hindi ako makatulog. Nang dumating ang hapon sinabi sa akin ni Ate Mara na umuwi si Mommy sa bahay ngunit bumalik din sa hospital. Bagaman narinig kong tinawag nito ang pangalan ko hindi ako bumaba at nagpanggap na lang na tulog.

Mahirap humarap sa kaniya ngayon. Hindi ko nga alam kung paano ko pa siya haharapin.

“Okay ka na ba?” tanong sa akin ni Ranz kinabukasan sa school.

Naglalakad kaming dalawa sa hallway nang makita ko si Shiela na kausap si Kuro. Ngunit napatigil din ang dalawa nang makita kami ni Ranz na nakatingin sa kanila. Kesa batiin ang dalawa, nilampasan namin sila ni Ranz. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yun. Ayaw ko lang na baka iba na naman isipin ni Shiela. Ayaw ko na ng gulo.

My Step Father's Temptation(Completed) Where stories live. Discover now