KABANATA 11
IBINABA ko nalang ang kamay ko na nakatakip sa bibig ni Ranz. Parang may kung ano sa sarili ko ang hindi ko maintindihan. Bumalik narin kaagad kami room pagkatapos. Wala namang pumasok na guro kaya nakipagtawanan nalang ako kina Ranz at Calen. May bumabagabag sa isip ko, tungkol sa babaeng iyon.
Alam kaya ni Mommy 'to? Hindi naman sa inuunahan ko si Zero pero feeling ko ay kasintahan niya ang babaeng iyon. Hindi naman pwedeng hindi. Nang dumating ang hapon ay sinadya kong lumabas sa school na medyo madilim na. Kaya naman segurong maghintay ni manong sa labas. Pumunta muna ako sa library at naghanap ng libro na pwede basahin.
Sinimulan kong basahin ang unang linya pero wala akong maintindihan, alam ko naman ang words na nandito sa libro pero parang ang hirap ipasok sa utak ko. Mas lalo akong walang maintindihan nang makarinig ako ng lalaking kumakanta at sinasabayan sa pag-gu-guitara.
Itiniklop ko ang libro at tumayo para hanapin ang boses na iyon. Hindi ko paman nakikita ang lalaki ngunit alam na alam ko kung kanino nagmamay-ari ang paos na boses na iyon. Naglakad ako papunta roon sa pinakalikod at saktong nakita ko ang nakatalikod na lalaki. Nakaupo siya sa sahig habang ang bag ay nasa gilid niya at nasa harap ang guitara na hawak niya para sabayan ang pagkanta.
Hindi ko alam pero parang nawala sa utak ko ang lahat ng bagay at tutok lamang ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong ekspresyon ng mukha niya pero halatang nakapikit ito. Medyo nakayuko dahilan kaya napunta ang ilang hibla ng buhok niya sa ilong niya. Nakatali parin ang mahaba niyang buhok.
Natigil siya sa pagkanta nang maramdaman niyang may nakatingin sa kanya. Napatingin siya sa gawi ko at nakita ko naman kung paano dumaan sa mata niya ang gulat ngunit ngumiti rin nang makabawi. Ngumiti nalang rin ako saka ako umupo sa tabi niya. Bakit siya nandito sa library? Mabuti naman at hindi nagalit sa kanya ang librarian.
“Hestia...” parang hindi pa siya makapaniwala na nandito ako. Sa sitwasyon naming dalawa, ako ang mas hindi makapaniwala na magkadikit ang braso namin. “What are you doing here?” tanong niya.
Natahimik ako ilang segundo dahil pinagmamasdan ko pa ang mukha niya sa malapitan. “A-ahh... Narinig ko kase boses mo habang nagbabasa ako.” pinakita ko sa kanya ang libro kong hawak.
Napataas naman ang noo niya at napatango-tango. “Akala ko umuwi ka na.” hindi na ulit siya nagsalita at mahinang pinatunog ang gitara ng paulit-ulit na tila nagpa-practice pa siya.
Ito ang unang beses na magkatabi kami nang ganito kalapit. Minsan kase, magkasama nga kami pero parang may pader sa pagitan namin. Ang hirap niyang hawakan na para bang natatakot siya. Pero ngayong kami lang dalawa, ay parang okay na sa kanya at komportable na siya sa akin. Umayos siya nang upo at napatingin sa paligid. Huminga siya nang malalim saka siya lumingon sa akin.
“Gusto mo mag-guitara?”
“Hindi ako marunong” nahihiya ko pang sagot sa kanya. Napatango naman siya at umiwas nang tingin. “Pwede mo ba akong turuan?” nakagat ko ang labi ko.
Ngayong kami lang dalawa ay gusto kong mag first move. Ito narin seguro ang pagkakataon na ibinigay sa akin ni Lord.
“Sure” inayos niya muli ang pagkakaupo niya saka niya ibinigay sa akin ang guitara. Umusog ako ng kunti nang akbayan niya ako at hinawakan ang dalawa kong kamay at inilagay sa guitara. “Hindi ka pa ba naka-try nito noon?” mahinang tanong niya na narinig ko.
YOU ARE READING
My Step Father's Temptation(Completed)
RomanceHestia wishes to have a father by her side. But when her mother introduces her to someone, she begins to have second thoughts about her prayers and wishes. She had no idea that the person her mother married would hold a special place in her heart in...