Kabanata 44

1.8K 69 42
                                    

KABANATA 44





Wala atang araw ang pinalagpas ni Zero para kulitin akong makipag-usap sa kaniya. Tuwing uwian nakikita ko palagi ang kotse niya sa labas ng gate, pero hindi ako sumasakay. Nagpapasundo na ako kay Ranz o kung hindi man magco-commute. Nasanay na kase ako nun simula nang maging kaibigan ko si Kella.







Ngunit ang problema ko talaga ngayon ay si Chelsey. Kinalimutan ko muna si Zero. Simula nung malaman niya ang panloloko ni Gino, dalawang araw siyang hindi pumasok. Her parents called me about what happened ngunit hindi ako umamin sa totoong nangyari. I lied and told them I don't know what happened. Hindi kase alam ng parents ni Chelsey ang tungkol kay Gino.








Nang pumasok na si Chelsey the next day parang hindi parin siya okay. I tried to talk to her and give her advice ngunit parang wala siyang naririnig. Ang sinasabi niya lang sa akin kailangan niyang mag fucos sa pag-aaral at huwag pag-usapan si Gino.








'Yun ang sinabi niya pero parang naaapektuhan parin siya. Tumitingin siya palagi sa phone niya nag-e-expect na may text message siyang matanggap kay Gino. Hindi pa kase nag-explain si Gino tungkol sa ginawa niya. Mas lalo lang tuloy nadagdagan ang galit ko sa lalaking 'yon.








Especially Zero. Alam ko namang ayaw niyang madamay kami pero sana man lang sinabi niya. Hangga't hindi nagiging okay si Chelsey hindi ko muna siya kausapin. May kasalanan din naman siya.










Ilang days na siyang tawag nang tawag sa akin pero hindi ko siya sinasagot. Nag-t-text siya minsan sa akin o nag-c-chat sa soc-med ko pero hindi ko siya pinapansin. Gusto ko munang kalimutan siya ngayon at atupagin si Chelsey.









Alam kong mali pero gusto kong marealize ni Zero kung anong ginawa niya. Nangako siya sa akin noon hindi na siya magtatago ng sekreto. At nadismaya ako nang malamang may tinatago siya. Kainis!







"Gusto mo hang-out tayo, tomorrow, Chels? Shopping tayo para naman hindi kana magmukhang bruha d'yan sa mukha mo." I joked.








1 month has passed, hindi ko masasabi kung okay na ba siya dahil hanggang ngayon parang sariwa parin sa kaniya ang nangyari. Kahit na nagpapanggap siyang okay na sa kaniya lahat, nakikita ko parin ang totoong emosyon sa mga mata niya.








"I'll try..." hindi siya makatingin sa akin.









Nandito kami ngayon sa restaurant ng family niya. Gusto niya raw kase akong e treat at makasama dahil wala siyang magawa sa kanila. Kung hindi mag mukmuk, magbabasa ng libro. Makikita ko sa mukha niya na palagi siyang puyat.









"Wala akong gagawin bukas. Maganda seguro kung mamasyal tayo at magsaya. Kella invited me to a party. Birthday kase ng kapatid niya, and she told me to bring you there. Punta tayo?" I smiled.









Hindi niya iyon nakita dahil nakatingin lang siya sa pagkain niya at parang takot tumingin sa akin. Ilang days na siyang ganyan sa akin. Hind ko alam kung anong nagawa ko. Parang umiiwas kase siya ng tingin sa akin palagi.








"I'll try...."









Napabuga ako ng hangin sa sagot niya. Inayos ko ang pagkakaupo ko at ipinatong ang dalawang siko sa mesa. Inilapit ko ang mukha sa kaniya.









"Did I do something, Chels? Para kaseng hindi ka makatingin sa akin , eh"








Malalim na napabuntong hininga siya saka siya tumingin sa akin.







My Step Father's Temptation(Completed) Where stories live. Discover now