KABANATA 14
BUONG gabi akong hindi mapakali sa higaan. Patuloy at paulit-ulit na lumalabas sa sa isipan ko ang pulang lipstick na nakita ko sa leeg niya. Deretso akong pumasok sa kwarto nang makauwi kami. Kahit man lang itanong sa mga katulong kung nasa bahay si Mommy ay hindi ko nagawa dahil palagi kong iniisip ang nakita ko.
May ginawa ba sila sa kwarto nung pinuntahan ni Zero si Marina? Hindi na malabong oo. Maaring may naganap sa kwartong iyon na hindi ko man lang nabanggit kung ano. Pagkatapos niya akong halikan sa ibaba ng labi ng ilang segundo, nagpahalik na kaagad siya sa leeg ni Marina.
Hindi ko tuloy alam kung saan ako maiinis. Sa ginawa niya sa akin o sa nakita ko? Kung kanina hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin, ngayon naman wala na akong plano. Hindi ko alam, ayaw ko siyang kausapin. 'Yun ang nararamdaman ko ngayon.
Bakit ba ang dami niyang babae? Asawa siya ni Mommy, at 'yun pang babaeng si Claire, idagdag pa si Marina na may gusto sa kanya. Ex? Ex pero ganun sila kung mag-usap. Usap lang ba talaga?
Pinilit ko ang sarili kong matulog ngunit kahit anong higa ko pa ang pikit, hindi ako dinadalawan ng antok. Kahit in-off ko na ang ilaw ay hindi parin ako makatulog. Sana hanggang doon nalang ang eksenang nangyari nung nag-usap kami ni Kuro. Pagkatapos nun umuwi na kaagad kami. Sana iba ang eksena na nangyari kanina para makatulog ako nang maayos ngayon.
Hindi parin ako makatulog kahit alas tres na ng madaling araw. Nakatulala lang ako sa kisame at hindi maintindihan ang nasa isip. Nang naramdaman ko na nauuhaw ako, in-on ko muna ang ilaw sa kwarto saka ko napagpasiyahan na bumaba at uminom ng tubig.
Nangunot ang noo ko nang madatnan ko si Ate Mara na may kausap sa telepono. Nang makita niya ako , kaagad niyang binaba ang telepono.
"Anong oras na, Hestia. Bakit gising kapa?" bulong niya.
Natutulog na ang mga tao sa loob ng bahay kaya kung mag-iingay kami rito tiyak isa sa kanila ang magigising.
"Hindi ako makatulog" pagod kong sagot saka kumuha ng maiinom.
Umupo ako saka ko siya tinignan. Pinagmasdan ko siyang may tinitignan na sa cellphone. Ilang segundo siyang nakatingin roon bago siya lumingon sa akin.
"Kailan kaya babalik 'yung mga kaibigan ng Step dad mo?" ngumuso siya at sumandal patagilid sa upuan na nasa harap ko.
Habang siya ay nag-iisip, nangunot ang noo ko. Kaibigan?
"Anong babalik, Ate?" uminom ulit ako ng tubig.
"Hindi ba niya sinabi sa'yo? Tuwing nasa school ka, pumupunta sa bahay 'yung dalawang kaibigan ni Sir. Puro gwapo, lalo na 'yung may hikaw sa ilong." tila kinikilig pa nitong sabi. "Sa susunod maaga kang umuwi. Minsan kase nag-s-stay sila ng matagal sa bahay. Pinakabata sa kanila ay 'yung 18 years old, yung may hikaw sa ilong, baka type mo 'yun." dagdag niya pa kaya napairap ako sa hangin.
Ang klase ng type kong lalaki ay iyung katulad ni Kuro. Gusto ko 'yung mahilig kumanta, dahil hindi ako marunong nun. Ang gusto ko sa lalaki ay ang kabaliktaran ko.
Mukhang marami pang sasabihin si Ate Mara kaya umalis na ako at bumalik sa kwarto. Kinabukasan ay hindi ko na nadatnan si Zero dahil umalis daw ng maaga. Sino naman kaya ang pupuntahan niya? Si Claire o si Marina? Nakarating ako sa school na lutang. Ilang oras lang akong natulog dahil nung nakabalik ako sa kwarto ay marami na naman akong iniisip.
"Nakita ko 'yun kagabi"
Napatingin ako kay Ranz na nasa tabi ko. Bigla naman akong nailang. Syempre makikita niya dahil na sa likod lang naman siya.
YOU ARE READING
My Step Father's Temptation(Completed)
RomanceHestia wishes to have a father by her side. But when her mother introduces her to someone, she begins to have second thoughts about her prayers and wishes. She had no idea that the person her mother married would hold a special place in her heart in...