Kabanata 3

6.4K 125 9
                                    

KABANATA 3

TAHIMIK LANG AKO



Buong klase akong walang imik at hindi nagsalita. Kanina pa tanong nang tanong sa akin si Calen tungkol sa klase ngunit tango at iling lang ang isinagot ko. Hindi ko alam kung bakit ako ganito. Basta naiinis ako! Naiinis ako kay Zero! Naiinis ako sa napangasawa ni mama, ama-amahan ko!




Bakit naman kailangan niyang bantaan si Kuro na huwag lumapit sa akin. Pansin ko rin kanina na ayaw akong kausapin ni Kuro, mukhang isa iyon sa napag-usapan nila. Ramdam ko rin na parang iniiwasan niya nga ako. Dapat normal nga iyon sa akin dahil hindi naman talaga kami nag-uusap ni Kuro, hindi rin kami magkaibigan o ano. Pero kanina, ramdam na ramdam ko na ayaw niya akong kausapin.




Kapag ako na ang magsasalita, iniiba niya ang usapan. Kung hindi man, tatahimik siya at titingin lang sa pagkain.




Tahimik akong pumasok sa kotse ni Zero. Siya parin ang sundo ko ngayon. Hindi ko alam kung paanong nagkaroon siya ng oras na sunduin ako gayong alam ko namang busy siyang tao. Ang sabi ni lolo, tinutulungan ni Zero ang daddy niya sa kompanya minsan, at minsan rin, may ginagawa siyang sariling trabaho na hindi raw nila alam.



Ramdam ko ang tingin nito sa akin. Sa gilid ng mata ko, nakikita ko siyang nakatingin sa akin. Naiilang parin akong makasama siya, pero dapat masanay na ako.



Takot ako sa kanya minsan, pero ngayon hindi ko magawang matakot. Gusto ko lang naman makausap at maging kaibigan si Kuro, wala sa plano ko ang landiin si Kuro o ano. Bakit kailangan niya pang bantaan si Kuro na huwag akong lapitan.



"Hm... how's school?" nanindig bigla ang balhibo ko sa tono ng boses niya. Seryoso iyon at.... nakakatakot.



"O-okay lang po..." parang nawala ang inis ko sa kanya.




Sinimulan niyang paandarin ang makina. Nang magsimula na siyang magmaneho, tumingin siya sa akin at ibinalik kaagad ang tingin sa daan. Kanina lang inis na inis ako sa kanya, pero ngayon...parang naiilang na naman ako na may dalang takot.




Palagi nalang seryoso ang mukha niya, lalong lalo na ang boses niya. Malaki ang katawan niya, kaya nakakadagdag iyon ng takot. Kadalasan pa naman sa napapanood ko sa telebisyon, binubugbog ng stepfather ang step-daughter nila. At ayaw kong mangyari iyon, lalo na't kung kaya niyang gawin iyon kay mommy, may posibilidad na kaya niya rin iyong gawin sa akin.



"Magpinsan kayo ni Kuro?" tanong ko nang hindi nakatingin sa kanya.




Baka bigla niya lang akong hampasin sa tanong ko.



"Yeah." huminga siya nang malalim.



Napatango ako. Gusto kong itanong sa kanya kung bakit pinapalayo niya si Kuro sa akin pero alam ko na ang sagot niya. Sasabihin niya lang sa akin na nagpapakaama lang siya.



"Why?"



Medyo nagulat ako sa biglaang pagsalita niya. Ilang segundo akong napatitig sa kanya saka ko ibinuka ang bibig ko.



"Bakit mo siya pinagbabawalan na lumapit sa akin?" deretsong tanong ko.



Kitang kita ko ang paglunok niya. Sa ginawa niyang iyon ay ang gwapo niyang tignan. Medyo kita ang bukol niya sa lalamunan. Dinilaan niya ang ibabang labi niya saka siya huminga ng malalim.


Sa ginagawa niya ay parang ang hirap sagutin ng tanong ko.



Ganoon na ba iyon kahirap sagutin?



My Step Father's Temptation(Completed) Where stories live. Discover now