KABANATA 17
Hindi mapigilan ni Ranz ang kanyang tawa na halos mabulunan na ito. Tumigil lang siya nang mapansin na kaming tatlo ay nakatingin sa kanya. Pati ang mga maid na nakatayo sa likod ni Lola Tina ay nabaling ang tingin sa kanya.
Itinikom niya ang kanyang bibig saka bumalik sa pagkain. Muli kong sinulyapan si Zero na nakatingin na kay Lola. Nakatingin sila sa isa't isa na parang nag-uusap. Hindi ko alam kung anong klaseng tingin ng ginawa nila sa isa't isa, sila lang ang nakakaintindi.
Humugot ng malalim na hininga si Lola saka ako nito sinulyapan at nginitian. Kahit matanda na ay parang na sa 50 palang ito. Makakalakad pa ng maayos at masiyahan. Naiisip ko tuloy kung saan nagmana ang pagiging seryoso ni Zero palagi. Seguro ay namana niya iyon sa ina niya o ama.
“Bukas ay tuturuan kitang magluto, Hestia. Kung ayaw mo naman ay magpasama ka nalang kay Zero na maglibot doon sa harden. Madaming bulaklak doon na magugustuhan mo.” nakangiti na alok sa akin ni Lola Tina.
Sa gilid ng mata, nakita ko na nakatingin sa akin si Zero.
“Sege, Lola.”
“Masiyadong tahimik ang bahay na ito simula nang pumanaw ang asawa ko. Pero may mga bagay ka naman na malilibang. Pwede kang pumunta roon sa batis, malapit lang iyon dito sa bahay. Ilang lakad lang ay makakarating na kayo roon.” lumingon si Lola kay Zero. “Pwede kayong manatili rito ng ilang araw, apo. Ipasyal mo ang dalawang 'to sa mga paboritong tambayan niyo ng lolo mo. Marami kayong pweding puntahan at gawin sa bahay.”
Napatingin ako kay Zero ngunit napalingon din kay Ranz nang hablutin niya ang damit ko.
“Ligo tayo sa batis bukas.” aniya ngunit ngumiti lang ako.
Nakadepende parin ang sagot ko sa gusto ni Zero. Bisita lang ako rito kaya kung ano ang gusto ni Zero ay yun nalang ang gagawin ko.
“May pasok silang dalawa sa Lunes, 'La. Bukas ng gabi ay uuwi rin kami.” anunsyo ni Zero sa kanyang Lola.
Nanatili akong tahimik. Gusto ko sanang nanatili rito ng ilang araw dahil mukhang marami kong malilibang dito kaysa roon sa bahay n hihiga at kakain lang ang kaya kong gawin kapag walang pasok. Naiisip ko rin kase na mas maganda kung magkaroon ako ng oras na makausap-usap si Lola Tina. Naalala ko kase sa kanya ang namayapa ko nang lola.
“Sayang naman. Kung ganoon ay ilang buwan na naman kitang hindi makikita rito, Hanzero?” uminom ng tubig ang matanda. “Bukas ay maaga kayong gumising.” ibinaling ni Lola Tina ang tingin sa amin ni Ranz. “Ililibot kayo ni Zero sa hardin at maliligo kayo sa batis.”
Sabay kaming tumango ni Ranz. Mukhang sang-ayon naman si Zero sa gusto ng Lola niya kaya tumango nalang rin ako. Sana may oras pa bukas na maturuan ako ni Lola magluto. Napuno ng kuryusidad ang sarili ko, paano nalang kaya pagdating ng panahon kung may asawa na nga ako?
Kaya nung matapos kaming kumain ay nanatili kaming tatlo sa harap ng swimming pool nila sa bahay. Mas malaki ang swimming pool nila rito kaysa roon sa bahay. Gusto ko sanang maligo ngunit nakakahiya naman kung ako lang mag-isa dahil wala atang plano ang dalawa na maligo. At saka maliligo rin naman kami sa batis bukas.
“Natutulog na ba si Lola?” lumingon ako kay Zero.
Bagaman hindi nakatingin sa akin ay nakita ko parin ang pagtaas ng dalawa niyang kilay bilang sagot. Sumimangot ako. Lumingon ako kay Ranz na nakatayo sa isang maliit na vase na may rose at kinukuhanan ito ng larawan. Madilim na, tanging ilaw ng mga bombilya at liwanag ng buwan ang nagbibigay ilaw sa paligid.
YOU ARE READING
My Step Father's Temptation(Completed)
RomanceHestia wishes to have a father by her side. But when her mother introduces her to someone, she begins to have second thoughts about her prayers and wishes. She had no idea that the person her mother married would hold a special place in her heart in...