Kabanata 9

5.4K 148 18
                                    

KABANATA 9

Hindi ko maintindihan ang sarili. Matapos kong makita ang larawan na iyon ay lumabas na kaagad ako sa kwarto na naguguluhan. Wala sa katiting ng ala-ala ko na kilala ko na pala si Zero nung bata pa ako. Pero paano ko ba maalala kung bata pa nga ako?

Kung titignan ang larawan na nakita ko kanina sa kwarto niya, halatang malapit at komportable kami sa isa't-isa kahit na ang layo ng agwat ng edad namin roon. Nakangiti siya roon at masasabi kong masaya siya. Masaya siya na kalaro ako dati....pero bakit nga hindi ko man lang alam?!

Kababata ko ba siya? O ano? Wala akong maalala, putik!

Paulit-ulit kong ginulo ang buhok ko at napahiga nalang sa kama. Ang laki ng ngiti niya roon pero ngayon ay halos maging straight nalang ang labi niya dahil sa sobrang seryoso ng mukha. Itanong ko kaya sa kanya kung magka-ano-ano kami dati? Pero malalaman niya rin naman na pumasok ako roon? Paano kung itanong ko nalang kay mommy? Pero baka magtaka si mommy sa akin!

Ginulo ko muli ang buhok ko. Kinuha ko ang isang unan sa tabi ko at binato sa kung saan. Magkakilala na ba kami ni Zero dati pa? Kaya seguro ayaw niyang maging anak ako dahil kaibigan niya pala ako noon? Naalala ko, sinabi niya sa akin na wala sa kagustuhan niya na maging anak ako? Dahil ba magkaibigan kami noon? Kababata? Ano? Lolo ko ba siya, de joke.

Dahil sa sobrang pag-iisip, nakaramdam ako ng gutom kaya bumaba nalang ako. Kung pwede lang sana akong magtanong kay Zero nang hindi niya mahahalata na pumasok ako sa kwarto niya, pero imposible naman. Kumain nalang ako kaysa sa mag-isip-isip.

“An'yare sa mukha mo?” nangunot ang noo ni Ate Mara sa akin.

Dumaan sa likod niya si Manang Helen at nawala rin sa paningin ko nang makalabas sa dining area. Napataas naman ang isa kong kilay.

“Bakit? Ano bang nangyari sa mukha ko, Ate?”

“Parang pas-an mo ang mundo. Pahingi nitong hotdog isa lang ha.” kumuha siya ng isang hotdog at kinain iyon sa harapan ko.

“May iniisip lang...” aniko pa

Nang-aasar na ngumiti naman siya sa akin. Parang may pumasok sa utak niya na ang layo sa iniisip ko ngayon.

“May boyfriend ka 'no? Tapos natatakot ka na baka malaman ni Sir at Ma'am. Asuss! Alam ko na 'yan.” kumagat siya ulit ng hotdog. “Sabihin mo sa akin dali! Promise sekreto lang natin!” umupo siya sa bakanteng upuan sa harapan ko at pinatong ang panga sa kanang palad niya.

“Wala akong boyfriend, Ate. Bawal pa...” kung pwede lang sana si Kuro.

“'Yan din sinabi ko dati nung pa sekreto pa kami ng boyfriend ko!” ayaw niya talagang maniwala.

“Iba 'yung iniisip ko ate!”

Para kasing ayaw niyang tumigil hangga't hindi ko sabihing may boyfriend ako kahit wala naman. Hanggang like lang seguro ako, bawal pa ako sa boyfriend boyfriend na iyan. 14 pa ako!

“Next month na pala birthday mo, 'no?!” tumango ako habang ngumunguya. “Ang dami na naman segurong tao rito sa bahay tulad nung birthday mo dati. Halos lahat ng ulam naluto namin! Grabi ang lolo mo, 'no?”

Nung nakaraang birthday ko kase, kung sino sino nalang ang dinala ni Lolo rito. Napakaingay ng bahay nung gabing iyon na halos pati ako hindi na marinig ang boses.

“Simpleng handaan lang ang gusto ko. 'Yung tayo tayo lang”

Hindi ko kase na enjoy 'yung birthday ko noon dahil hindi ko kilala ang mga taong imbitado. At kadalasan sa kanila ay matatanda na o binata.

Umalis na si Ate Mara dahil may gagawin pa raw siya. Sakto ring tapos na akong kumain kaya bumalik na kaagad ako sa kwarto. Ganito ang buhay ko kapag walang pasok. Lalabas lang sa kwarto par kumain. Kung walang magawa sa kwarto ay matutulog.

My Step Father's Temptation(Completed) Where stories live. Discover now