Kabanata 6

5.7K 134 21
                                    

KABANATA 6

_

HE kissed my forehead. Halos hindi na ako makahinga nang maayos nang iwanan niya ako at bumalik na sa silid niya. Hindi ako mapakali sa pagkakahiga at parang meron sa sarili ko na gustong kumawala. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.


Hindi lang naman ang paghalik niya sa noo ko ang iniisip ko. He just called me 'Sweetheart'. Siya ang unang lalaking tumawag sa akin nun. My mom always calls me sweetheart pero nakakapanibago kapag galing sa lalaki, galing kay Zero.


It's just normal. I know it's just normal! Seguro ginawa niya lang iyon para ipaalam sa akin na hindi siya galit sa akin at wala lang iyong pagsigaw ko sa kanya. Baka....baka ginawa niya lang iyon dahil kadalasan naman sa mga ama, 'yan ang ginagawa sa mga anak.



But we were not blood related! Kaya ba hanggang ngayon hindi parin ako makatulog. Kaya ba hindi ako mapakali sa hinihigaan ko at nakahawak lang sa noo ko kung saan siya humalik.


It's my first time, also. A man who's 9 years older than me just kissed my forehead. Hindi ako nasanay! Hindi ako nasanay kaya ganito ako ngayon! Maybe... he's just trying his best para gampanan ang responsibilidad bilang ama kahit na bata pa naman siya.


Akala ko galit talaga siya sa akin. But he is not! Hindi siya galit. Mas lalo tuloy na nadagdagan ang pagkailang ko sa kanya.



Kinabukasan tuloy ay maaga akong gumising para maabutan si mommy at....siya. Kaso, nang makababa ako. Sinabi kaagad ni Ate Mara na kanina pa umalis si Zero habang si mommy ay kakarating lang at umalis rin kaagad. Napapadalas na ang pag-alis ji mommy, ngunit naiintindihan ko rin naman dahil alam kong busy siyang tao. Si Zero naman, hindi ko alam kung saan siya pupunta. Seguro sa kompanya ng daddy niya.



Narinig ko kase noon na sinusunod ni Zero ang uto ng daddy niya palagi. Palagi siyang pumupunta sa kompanya ng mga Randejas para siya ang mangalaga roon habang may ibang kinabu-busy-han ang daddy niya. Nalaman ko rin na owner pala si Zero sa isang kilalang restaurant. Hindi ko lang narinig kung anong restaurant dahil umalis narin ako nun.


Nang makarating sa school, absent si Natasha. At hindi ko rin alam kung bakit. Nakikita ko narin naman si Kuro kaya naging mas maganda ang araw ko.


"Envited tayo sa birthday ng kapatid ni Kuro!" tumatalon talon si Calen habang pinapakita sa akin ang invitation card para sa birthday party.

Ang tinutukoy niya bang kapatid ay iyong ka-edad ko lang na kapatid ni Kuro? Isang runway model sa ibang bansa. Sa edad na iyan ay may nakuha na siya sa buhay, habang ako? Ito!


"Kahapon daw, umuwi 'yong kapatid niyang babae. 'Yung model! At sakto rin na bukas ang birthday nun. Ibinigay ni Kuro 'tong dalawang invitation para sa ating dalawa. Inaasahan niya raw na nandoon tayo!" parang kinikilig pa ang bruha!


Napatango naman ako. Bukas?


"Gabi ba 'yan?"


"Oo dzae? May party rin daw na magaganap at may ibang bisita rin ang pupunta."


"Hala! Baka hindi ako payagan!" napanguso ako.


"Sure ka? Kakanta pa naman si Kuro"


Pero lahat naman ng bagay may paraan....


"Sege hahanap ako ng paraan. Pero ano...." napakamot ako sa pisngi. "Hindi ko alam kung ano. Uuwi nalang ako pagkatapos kumanta ni Kuro."


Matagal tagal narin kase nung huli kong narinig ang boses niya. Kaya ayaw ko nang palagpasin ang pagkakataon. Gusto ko rin makilala ang kapatid niya. Magka-edad lang seguro kami nun.



My Step Father's Temptation(Completed) Where stories live. Discover now