Kabanata 23

3.2K 90 8
                                    

KABANATA 23

Hindi ko na muling kinausap si Ranz matapos niyang gawin iyon kay Natasha nang dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan. Bagaman humingi siya ng tawad nang pinilit ko siya, nakikita ko parin sa mata niya na wala siyang pagsisisi sa nagawa.

Ilang beses akong humingi ng tawad kay Natasha. Ngunit, palagi niya lang ring sinasabi na wala naman akong kasalanan. I guess I had to force Ranz again to say sorry. Gusto ko iyong pinagsisihan niya. Wala namang ginawang masama si Natasha sa kaniya kaya hindi ko maintindihan kung bakit niya ginawa iyon.

“Okay lang, Hestia. You're not the one who hurt me, si Ranz ang sumakal hindi ikaw. Don't say sorry” aniya habang inaayos ang mga gamit niya.

Nandito kami ni Calen sa section nila. Matapos kaseng gawin iyon ni Ranz ay kay Natasha na kami sumasama.

“Hindi ko talaga alam kung bakit ginawa iyon ni, Ranz. Nakakaloka!” reaksyon ni Calen.

Sabay kaming tatlo na naglakad sa hallway patungo sa cafeteria para kumain. Tulad ni Calen, hindi ko rin alam kung bakit ginawa iyon ni Ranz. Gusto ko siyang tanungin pero alam kong ang sagot niya ay katulad lang ng isinagot niya sa akin nung araw na iyon.

“He's acting weird. Baka may sakit 'yun na bipolar disorder. We can all agree na paiba-iba ang ugali niya.” aniya Natasha na tinanguan naman ni Calen.

Hindi nalang ako nagsalita dahil hindi ako sang-ayon. Iba-iba ang pinapakitang ugali ni Ranz depends kung sino ang kinakausap niya.  When it comes to me, he's protective, funny and sweet. Pagdating naman sa iba, mahahalata mo kaagad kung gusto o ayaw niya sa taong iyon.

“Hayaan niyo nalang. Tatanungin ko nalang siya ulit kung bakit niya 'yun ginawa” gusto kong malaman.

Malakas ang pagbuntong hininga ko nang matapos ang lahat ng klase sa araw na ito. Sinadya kong lakasan para maagaw ko ang atensyon ni Ranz ngunit hindi man lamang niya ako nilingon. Nauna nang lumabas si Calen sa akin dahil naghihintay na raw ang driver niya sa labas.

Nang mapansin kong tumayo na si Ranz, tumayo narin ako at sumabay sa kaniya sa paglalakad. Sabay kaming naglalakad, magkatabi at magkalapit, pero parang ang layo namin sa isa't-isa.

“Ranz...”

Tumigil siya sa paglalakad nang marahan na binanggit ko ang pangalan niya. Napatigil rin ako at doon na tumitig sa mukha niya.

“I thought you're avoiding me? Bakit mo ako kinakausap?” nangunot ang kaniyang noo.

Sa ilang araw kong hindi pagpansin sa kaniya, nahalata na niya iyon. Sa tuwing sinusubukan niyang kausapin ako, hindi ako kumikibo o umiiwas nalang. At nang mapansin niya na ayaw ko siyang makausap, hindi na niya ako muling ginulo na parang hinahayaan na niya lang akong gawin ang gusto ko.

“I'm sorry...” sa tuno ng boses ko, parang ang laki ng kasalanan ko sa kaniya.

“For what?” he raised his  eyebrows. “I understand you, Hestia. Iniiwasan mo ako dahil sa ginawa ko kay Natasha. But I won't say sorry to her....hell no” nagsimula na naman siyang lumakad kaya sumabay ulit ako.

Inilagay niya ang dalawang kamay sa bulsa.

“Bakit mo 'yun ginawa sa kaniya?” deretsang tanong ko.

“Why won't you ask her yourself?”

“Hindi niya rin kase alam!”

He smirked. Napabuntong hininga ulit ako hanggang sa makarating kami sa labas ng gate. Tutal wala pa ang driver at sabay naman kaming uuwi dahil ihahatid naman siya ng driver ko, marami pa akong oras na kulitin siya kung bakit niya iyon ginawa.

My Step Father's Temptation(Completed) Where stories live. Discover now