Kabanata 27

3.1K 116 48
                                    

KABANATA 27


“Saan ka pupunta mamaya?”



Napalingon ako kay Ranz nang magsalita ito sa tabi ko. Kahapon lang ay nagkalinawan na kami ngunit hindi niya parin sinasabi ang dahilan kung bakit sinaktan niya si Natasha. Inayos ko ang mga gamit at umayos ng tayo.



“May bibilhin lang akong libro sa mall. Uuwi rin ako kaagad. ” I smiled.




Tumango siya at sinabayan na ako sa paglalakad. Nakaramdam kaagad ako ng guilt sa pagsisinungaling. Hindi ako pupunta ng mall para bumili ng libro. Kagabi ay nag-usap kami ni Marina kung saan kami magkikita. Marami siyang sinabi sa akin ngunit wala akong maintindihan ni isa. Ang hirap intindihin ng mga salita niya kaya hindi ako nakatulog nang maayos.


Sa lahat ng sinabi ni Marina, ang tanging naintindihan ko lang ay bawal malaman ng iba kung saan kami magkikita. Ayaw niyang may makaalam na magkikita kami. At 'yun ang ikinataka ko.


Hindi kami magkasundo. Ayaw ko sa kaniya at nagdududa ako sa kanya. Ngunit nasa sarili ko ang gustong pumayag na makipagkita sa kaniya. Dahil tulad ng pinag-usapan namin kagabi , marami siyang sasabihin sa akin.


“Nag-usap na ba kayo ni Natasha?” tanong ko kay Ranz.


Inakbayan niya ako saka umiling. “Not in my plan.”, bored niyang sagot.


Hindi namin kasama si Calen dahil kay Natasha raw siya sasama ngayon. Ilang araw kaming hindi maayos ni Ranz kaya sa kaniya ako sumama. Okay na kami. At ang hinihintay ko lang ay maging okay narin sila ni Natasha.


“Dapat kayong mag-usap ng maayos. Ang pangit naman kung palagi kayong nag-iiwasan.” napanguso pa ako.


Napabuntong hininga siya. Hindi siya nagsalita. Gusto na niya atang tumahimik ako. Alam niya atang hindi ko siya titigilan hangga't hindi sila maging okay ni Natasha.


Nang makarating sa cafeteria dumapo kaagad ang mata ko kina Natasha. Bahagya pa akong nagulat nang kasabay nila si Kuro at ang girlfriend nito. Napanguso nalang ako at naghanap ng table. Si Ranz na ang nag-order ng pagkain kaya naiwan akong mag-isa sa mesa.


Kinuha ko ang bagong cellphone sa bulsa nang biglang mag-vibrate.


ZERO:
Are you eating?

ME:
OPO!

ZERO:
With

ME:
RANZ

ZERO:
Good.



Hindi na ako nag reply. Binaba ko na ang cellphone at pinagmasdan si Ranz na papalapit dala ang tray. Umupo rin siya nang mailapag ang mga pagkain.


“Does Natasha told you about Kuro?”


Naitaas ko ang dalawang kilay. “Ha? Wala siyang nasabi sa akin? Bakit ba?” nagsimula na akong kumain at hinihintay ang sasabihin niya.


“Hiwalay na sila ng girlfriend niya.” aniya at sumubo narin ng pagkain.


Napalingon naman ako sa kinaruruunan nina Natasha at Kuro ngunit ibinalik din ang tingin kay Ranz.


My Step Father's Temptation(Completed) Where stories live. Discover now