KABANATA 28
KAAGAD na pinatay ko ang tawag. Mabilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba na nararamdaman. Naghalo ang mga emosyon ko nung marinig ko ang boses ni Zero. Napatulala pa ako ng ilang minuto bago ko narinig ang pagtikhim ni Ranz. I looked at them with teary eyes.
Hindi ko alam pero nung marinig ko ang boses ni Zero ay bumalik lahat sa akin ang mga sinasabi ni Ate Marina. Lahat ng panloloko nila sa akin. Naramdaman kong biglang nabuhayan ng galit ang puso at isip ko. Pinunasan ko nalang ang isang butil na luha na tumulo sa aking pisngi. Ngumiti ako sa kanila upang sabihin na okay na ako.
I looked at Shiela. Nanatili parin sa mata niya ang inis at galit sa akin. Hindi ko alam kung anong pinagsasabi ni Calen at Natasha sa kaniya. At mas lalong hindi ko inakala na pinag-uusapan pala nila ako. Hindi ko man lang inisip ni minsan na sisiraan ako ng mga taong mahalaga sa akin.
“Ano ba talaga ang totoong dahilan bakit galit na galit ka sa akin, Shiela?” naguguluhan kong tanong. “Alam kong alam mo na hindi pa kami nag-uusap ni Kuro simula nung naging kayo. Ni hindi ko na nga siya nakikita e! Kaya bakit ba ganiyan ang galit mo sa akin?” dagdag ko pang tanong sa kaniya.
Sabay kaming napatingin kay Ate Marina nang tumawa ito ng mahina. “I can't believe you two are fighting because of Zero's cousin. Hindi naman 'yun kagwapuhan!” natatawa niya pang saad. “Oh my god, teenager's nowadays are weird.” aniya
Hindi ko nalang siya pinansin at itinuon nalang kay Shiela ang atensyon.
“Sagutin mo ako, Shiela.” pagod kong utos sa kaniya.
Pero hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa akin na puno ng galit at inis. Hindi ko man lang nakita na ibinuka niya kahit kunti ang bibig para sumagot.
“She's hurting you, Hestia, for the reason that Kuro broke up with her because of you.” si Ate Marina ang sumagot sa akin.
Napatingin tuloy ako sa kaniya ulit. It feels like my sister knows everything. Tinignan ko si Ranz kung may alam ba siya.
Nagkibit balikat siya sa akin. “Wala akong alam diyan.” bulong niya.
Muli akong napatingin kay Ate Marina. Nakita ko na kinakabahan si Shiela habang nakatitig kay Ate. She seems worried about something. Parang natatakot siya na baka may iba pang sasabihin si Ate Marina.
“Pero bakit naman siya hihiwalayan ni Kuro nang dahil sa akin?” mas lalo akong naguluhan.
Wala nang iba pang rason kung bakit siya iwanan ni Kuro.
Ngumisi si Ate Marina kay Shiela. “Nakipaghiwalay si Kuro sa kaniya dahil sa'yo....Dahil nakita mismo ni Kuro na itinulak ka ni Shiela sa hagdan kaya ka na Ospital.” sagot nito sa akin
Hindi ako makagalaw dahil sa sinabi ni Ate Marina. Nakita ko na napatingin sa akin si Shiela, natatakot sa kung ano mang mangyayari. Si Shiela ang tumulak sa akin? Pero bakit? Wala akong kasalanan sa kaniya! Ni hindi pa nga kami nagkausap noon! Naikuyom ko ang kamao.
“Alam mo ba na pwede kang ma expelled dito? Alam mo ba ang mangyayari sa'yo kapag malaman ng lahat lalo na ang pamilya mo kung ano ang ginawa mo sa akin?” Nanginginig ang bibig ko habang nagsasalita. “I stayed in the hospital bed for almost 1 week because of you! Imbis na masaya ang birthday ko naging malungkot nalang nang dahil sayo!” sigaw ko sa kaniya.
Nakita ko ang gulat sa mata niya. “It wasn't my fault. It wasn't my Idea! Inutusan lang ako ni Natasha! Sinabi niya sa akin na itulak kita sa hagdan sa saktong araw na iyon. I didn't know it was your birthday!”
YOU ARE READING
My Step Father's Temptation(Completed)
RomanceHestia wishes to have a father by her side. But when her mother introduces her to someone, she begins to have second thoughts about her prayers and wishes. She had no idea that the person her mother married would hold a special place in her heart in...