KABANATA 43 — Cheating
Mahigpit na hinila ni Ryu ang braso ko. Napadaing ako sa ginawa niya. Mukhang gusto rin siyang pigilan ni Calen. Hinila niya ako sa pinakalikod ng library, nakasunod naman sa amin si Calen na nag-aalala ang mukha.
"Be careful with her, Ryu." aniya Callen sa lalaki.
Binitiwan naman ako ni Ryu at kunot-noong tumingin kay Calen.
"You know her?"
"She was my friend"
Napatango naman si Ryu sa kaniya. Tinignan naman ako ni Ryu.
"What did you hear?" seryosong tanong ni Ryu sa akin
"E-everything?...."
Nakita ko ang pag-alon ng lalamonan niya. Napatingin ako kay Calen nang lumapit siya sa akin.
"Hestia, please, don't tell anyone about this. I'm so sorry of what I did to you before, but please, I'm begging you, never tell anyone about me and Ryu" nakita ko ang takot sa mga mata ni Calen. Ngunit nawala 'yun nang tumango ako.
"What do you want us to do so you won't tell anyone" seryosong tanong ni Ryu.
"She's not like that" si Calen
"How did you know?"
"I told you, she was my friend" huminga nang malalim si Calen. "Hestia.....sana atin atin lang 'yung narinig mo. Don't tell anyone....please"
Mabilis ang bawat paghinga ko habang nakatitig sa kaniya. Maya-maya pa'y ay tumango ako.
"O-okay"
Nakita kong nakahinga siya nang maayos. Si Ryu naman ay tahimik lang. Seguro hindi niya inaasahan na maririnig ko silang dalawa. At seguro mas lalong hindi niya inaasahan na malalaman ko na may karelasyon siya sa kapwa niya lalaki.
Hindi naman kase halata na baliko pala 'tong lalaking 'to. Sa ayos at pananalita palang niya lalaking lalaki niya. Hindi katulad kay Calen na mahahalataan mo talagang may kakaiba.
"Alam na ba ng pamilya mo ang tungkol sa'yo?" I asked Calen
"I told them before. Una hindi sila makapaniwala pero natanggap parin nila ako." umiwas siya ng tingin sa akin at tumingin kay Ryu. "Mauuna na ako" paalam niya at tinanguan lang siya ni Ryu.
Nang umalis na si Calen ay mahigpit na hinawakan muli ni Ryu ang braso ko. Napadaing ako sa ginawa niya at napahawak doon.
"Make sure you won't tell anyone about this, Hestia. Kapag may makaalam pang iba ikaw ang una kong sisisihin." may pagbabanta sa boses niya.
"I won't tell anyone, okay? Bitiwan mo na ako!" napalakas ang boses ko.
Wala ata siyang planong bitiwan ang braso ko sa mahigpit niyang pagkakahawak nang biglang sumulpot ang isa naming kaklase.
"Dude, what are you doing? She's a girl" lumapit sa amin si Andrew at inalis ang kamay ni Ryu sa akin.
Walang emosyon na tinignan lang siya ni Ryu. "Next time, mind your own business." aniya at umalis na
YOU ARE READING
My Step Father's Temptation(Completed)
RomanceHestia wishes to have a father by her side. But when her mother introduces her to someone, she begins to have second thoughts about her prayers and wishes. She had no idea that the person her mother married would hold a special place in her heart in...